Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • 2 Corinthians 4:7-15 • Do Not Lose Heart (Part 2)
    Isang sermon mula sa 2 Corinthians 4:7-15 na tumatalakay sa mga difficulties sa buhay natin, kung saan mas nae-expose ang mga kahinaan natin. At sa mga panahong yun, mas nagliliwanag ang layunin ng Diyos kung bakit sa atin pa na mga marupok ipinagkatiwala ng Diyos itong gospel message. Tulad ng sinabi ni Paul, “upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin” (2 Cor. 4:7). For what purpose? “Upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa dakilang kapangyarihan ng Diyos”
    1 hr
  • Hebrews 5:11-6:8 • Ang Seryosong Kahalagahan ng Paglagong Kristiyano
    Gaano man ka-tempting sa atin na umayaw na kapag hirap na hirap na sa buhay Kristiyano, nawa’y hindi natin masabi, “Ayaw ko na kay Cristo!” and walk away from the faith. Gaano man ka-attractive ang mga kayamanan at kasiyahan na inaalok ng mundong ito, nawa’y hindi natin ipagpalit si Cristo sa mga bagay na iyan. At nawa’y ‘wag din tayong maging kumpiyansa sa sarili natin na tinatawag nga natin ang sarili natin na “tagasunod ni Cristo,” kahit na walang nakikitang paglago sa buhay natin ay magiging panatag na tayo at aakalaing okay na ang lahat.
    1 hr 10 min
  • 2 Corinthians 4:1-6 • Do Not Lose Heart (Part 1)
    Isang sermon mula sa sulat ni apostol pablo na nagpapahayag ng pananampalataya niya sa Diyos, tapat na pangangaral, mga paalala at encouragement sa gitna ng mga pagsubok. Pinagtuunan rin ng pansin dito ang kahalagahan ng pag-encourage sa isa't isa lalo na sa panahon ng panghihina ng loob. Tinalakay at binigyang-diin din ang doktrina ng human depravity, sovereignty ng Diyos, at awa ng Diyos bilang mga dahilan upang hindi manghina. Ang mensahe ay nagtuturo na sa kabila ng mga hamon, dapat nating patuloy na ipangaral nang tapat ang ebanghelyo at umaasa sa kapangyarihan at awa ng Diyos.
    1 hr 1 min
  • 2 Timoteo 1:6-12 • Biyaya ng katapangan at katapatan kay Cristo
    Isang sermon sa ikalawang-Timoteo 1:6-12, na nagpapahayag na panatilihin nating buhay at maalab ang kaloob ng Diyos sa ating mga puso at huwag ikahiya si Cristo at ang kanyang ebanghelyo sapagkat ang biyaya at layunin ng Diyos ay ipinahayag sa ebanghelyo ni Cristo, kaya magtiwala tayo sa biyayang kaloob ng ating Diyos.
    55 min
  • John 6:60-71 • Anong Klase kang Alagad?
    Ito ay isang sermon mula sa Juan 6:60-71 ni Ptr. Jabez Jezreel Galman, na tumatalakay kung anong klase kang alagad. Hinihimok nito ang mga nakikinig na siyasatin ang ating mga puso kung tayo ba ay pekeng alagad o mga tunay na alagad. Binigyang diin sa sermon na ito ang pagbabago sa buhay ng mga tunay na alagad kabilang ang pagmamahal sa Salita ng Diyos, pagsampalataya at pananatili hanggang wakas kay Cristo dahil sa biyaya ng Diyos. At kung hindi pa ganito ang kalalagayan ng iyong puso ay magsisi ka at manampalataya ka kay Cristo.
    52 min
  • Psalm 119:97-104 • Sweeter than Honey
    Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi lang natin sinasabi kapag Sunday sa mga prayers at mga songs natin. Ito ay nag-uumapaw sa pang-araw-araw nating buhay as we seek to obey God in all areas of our life. Sabi nga ng Panginoong Jesus, "ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin"(John 114:21 ASD). Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi ang ating ultimate goal. It is a means to an end...at ang end goal ay mas ma-enjoy natin ang love relationship natin sa Diyos.
    58 min
  • Psalm 119:89-96 • God's Enduring Word
    Ipinapaalala sa atin ng Psalm 119 na permanente ang salita ng Diyos, maaasahan ang salita ng Diyos, at perpekto ang salita ng Diyos. Permanente dahil ang Diyos ay walang-hanggan at nananatili ang kanyang katapatan. Maaasahan dahil ang Diyos ay makapangyarihang nagliligtas at nagbibigay-buhay. Perpekto dahil ang Diyos ay perpekto.
    51 min
  • Jesus Christ The Lamb on the Throne
    Isang sermon batay sa Pahayag 5:1-14 na tumatalakay na si Jesus, ang Kordero ng Diyos, ang tanging karapat-dapat na magbukas ng aklat ng plano ng katubusan ng Diyos at tumanggap ng walang hangggang papuri at pagsamba dahil Siya ang Tagapagligtas at Hari ng lahat.
    57 min
  • Jesus Christ, the Seed of the Woman
    Ito ay isa sa mga sermon sa series ng "Name Above All Names" na batay sa Filipos 2:9. Tinalakay rito ang kahalagahan ng pangalan ni Cristo, na ipinapaalala lalo na sa panahon ng Pasko, at ang mensahe ng kaligtasan na nagsimula sa Genesis (the protoevangelium) upang ipakita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo bilang “the seed of the woman,” na siyang dumurog sa ahas. Sa huli, ipinahayag na ang tagumpay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan ay nagdudulot ng tagumpay sa mga mananampalataya laban sa kaaway. Kaya ituon natin ang ating paningin kay Cristo.
    55 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…