Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Ephesians 3:1-6 • Ang Hiwaga ni Cristo
    ang mystery ng Diyos: Ipinahayag ng Diyos ang kanyang plano ng pagliligtas na ang katuparan ay nasa kanyang Anak na si Jesu-Cristo at sa kanyang ginawa sa krus, at ito ay nakarating sa atin bilang mabuting balita na narinig natin, pinaniwalaan, at tinanggap sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu, na siyang naglagay rin sa atin sa iglesya, ang komunidad ng lahat ng nakay Cristo.
    58 min
  • Ephesians 2:17-22 • Ipinagkasundo sa Isa't isa
    Dito sa Ephesians 2:17–22, ipinakita sa atin ni Pablo ang di-mapaghihiwalay na koneksyon ng Trinity, ng gospel, at ng church. Putting all these together, masasabi nating merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamamagitan lang din ng gospel.
    1 hr
  • Hebrew 10:19-25 • Confident and Secure (Drin Capili)
    Sa sermon na 'to, ipinapaliwanag ang paanyaya ng Hebreo 10:19–25 sa mga mananampalataya: na lumapit sa Diyos nang may buong tiwala, magpakatatag sa pag-asa, at mag-udyok sa isa’t isa tungo sa pag-ibig at mabubuting gawa.

    🔍 Ilan sa mga temang matatagpuan dito ay ito:
    ✝️ Tiwala sa dugo ni Cristo — May daan na tayo patungo sa Kabanal-banalan dahil sa Kanyang sakripisyo.
    🛡️ Seguridad sa pananampalataya — Nakaugat sa katapatan ng Diyos at sa tapos na gawain ni Cristo.
    🤝 Pagpapalakas ng kapwa — Paalala na huwag pabayaan ang pagtitipon, kundi magpalakasan sa pananampalataya.

    Ang mensaheng ito ay nagbibigay-lakas sa mga Kristiyano na mamuhay nang may tapang, pananampalataya, at malasakit sa komunidad ng pananampalataya.
    56 min
  • Ephesians 2:11-16 • Ipinagkasundo sa Diyos
    Sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus, malinaw na ipinapakita na hindi ang pagsunod sa Kautusan ang basis of our acceptance with God, kundi sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. So, ang point ng lahat ng ito ay para ipaalala sa atin ni Pablo na there is really no other way para ma-reconcile tayo sa Diyos, and there is really no other way para ma-reconcile tayo sa isa’t isa, kundi sa pamamagitan lamang ni Cristo.
    58 min
  • Ephesians 2:8-10 • Biyaya, Pananampalataya, at Gawa
    Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:8-10 na hindi dahil sa mabuting gawa natin kaya tayo naligtas, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.
    1 hr 2 min
  • Ephesians 2:4-7 • Binuhay ng Diyos
    Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:4–7 na hinding-hindi natin dapat tingnan ang sarili natin na bida sa kaligtasang gawa ng Diyos para sa atin. Ang Salita ng Diyos sa Bibliya—mula Genesis hanggang Revelation—ay Story of God, ang Kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa ating mga makasalanan, ang Kuwentong tanging ang Diyos ang Bida.
    57 min
  • Ephesians 2:1-3 • Patay dahil sa Kasalanan
    Paano tayo nasadlak sa ganitong miserableng kalagayan? Kaya halina't pakinggan at basahin ang napakalinaw na pagkakalatag ng sermon na ito patungkol sa pagiging patay sa kasalanan katulad din ng sinasabi sa Heidelberg Catechism Questions 6-8.
    at ito'y rin ay nag-iiwan ng isang hamon na siyasatin ang ating mga sarili at maaalala natin na ang tanging solusyon sa pinakaproblemang ito ay si Cristo, wala nang iba.
    55 min
  • Galatians 6:1-10 • Ang Kristiyano at ang Kapwa Kristiyano
    Ang bawat isang Kristiyano, mga taong pinapatnubayan ng Espiritu, ay may responsibilidad na dapat gawin para sa ikabubuti ng ibang Kristiyano—ng mga nahulog sa kasalanan, ng mga may dinadalang kabigatan, ng sarili rin natin, ng mga leaders natin, at ng bawat member ng church.
    59 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…