Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Mag-asawa
    Sa halip na maging “cultural” yung view natin sa pag-aasawa (masyadong naimpluwensiyahan ng nakasanayan ng mga tao sa paligid natin), prayer ko na ito ay maging “biblical” (hinuhubog kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos). Sa halip na maging “transactional” (yung trato natin sa asawa natin na nakadepende sa trato nila sa atin, magiging faithful tayo kung faithful sila sa atin, pero kung hindi, bahala ka na), prayer ko na ito ay maging “transformational” (o gospel-driven, nakadepende sa gospel, o sa ginawa ni Cristo para sa atin).

    Ang pangunahing tanong na sasagutin dito ni Paul ay: Paano tayo dapat makitungo sa asawa natin sa paraang consistent sa bagong pagkatao natin na nakipag-isa kay Cristo?
    1 hr 1 min
  • Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig
    Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago.
    59 min
  • Hebrews 11:32-40 • Dahil sa Pananampalataya Part 4 (Marlon Santos)
    Ang pananampalataya ay hindi lang para sa mga victories, kundi para rin sa pagtitiis sa gitna ng hirap. Sina Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel, at ang mga propeta ay ginamit ng Diyos para sa extraordinary victories dahil sa pananampalataya. Marami ring dumanas ng torture, pagkakulong, at kamatayan, ngunit nanatiling tapat sa Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabase sa immediate success, kundi sa eternal reward na ipinangako ng Diyos. Faith perseveres through both triumphs and trials, looking forward to God’s better promises. Kahit hindi nila natanggap ang buong katuparan sa buhay na ito, nanalig sila sa Diyos na tapat.
    1 hr
  • 1 Timothy 3:14-16 • Ang Haligi at Saligan ng Katotohanan
    Ang iglesia ay tinawag na haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:14–16). Bilang haligi at saligan ng katotothanan, ang iglesia ang nagbabantay at nagtataguyod ng katotohanan ng ebanghelyo. Si Cristo mismo at ang kanyang ginawa sa krus para sa ating kaligtasan ang sentro ng katotohanang ito. Dahil ang pananampalataya ng iglesia ay nakaugat sa katotohanan ni Cristo, dapat natin itong ipahayag, ipagtanggol, at ipamuhay.
    58 min
  • Hebrews 11:8-22 • Faith that Works (Aldrin Capili)
    Sa sermon na ito, binigyang-diin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang paniniwala, kundi may kasamang pagsunod at pagtitiis. Ginamit ang Hebrews 11:8–22 para ipakita ang journey ng mga patriarchs na nagtiwala sa Diyos kahit hindi nila nakita agad ang katuparan ng kanyang mga pangako. Faith works when it obeys, endures, and looks forward to God’s promises. Kahit uncertain ang future, ang pananampalataya ay nagiging matibay dahil nakatingin ito sa Diyos na tapat.
    1 hr 16 min
  • Ephesians 5:15-21 • Paglakad sa Karunungan
    Sa kasamaan ng panahong kinalalagyan nating mga Kristiyano ngayon, mas lalo nating kailangang maging wais at hindi foolish, na mangyayari kung inuunawa nating mabuti at maingat na sinusunod ang kalooban ng Panginoon ayon sa pangunguna ng Banal na Espiritu.
    52 min
  • Ephesians 4:25-32 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 2)
    Ang maging katulad ni Cristo sa mga taong nakasakit sa atin ay hindi madali. Sa katunayan, imposible ito para sa atin. Pero dahil naranasan natin mismo ang kabutihan at kapatawaran ng Diyos kay Cristo, nagiging posible ito. Ito ang tinatawag na gospel-motivated transformation. So, ano motivation na dapat meron tayo dito? Pansinin natin kung paano inangkla ni Pablo ang exhortation na ito sa ebanghelyo: “…gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.” Ganito rin natin dapat mahalin ang iba: “as Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:2). Ito ang pinaka-powerful na motivation natin sa sanctification—ang kapangyarihan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Nahihirapan tayong magpatawad at maging mabuti sa iba dahil nakakalimutan natin ang kaligtasang tinanggap natin by grace alone.
    59 min
  • Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)
    Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?
    55 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…