Kapag tinatalakay ang mga indibidwal na may mga kapansanan, maging ito man ay mental o pisikal, mahalagang pagtibaying sila'y may karapatan sa parehong mga karapatan, paggalang, at dignidad gaya ng sinuman. Ang pagkilala at pagtrato sa kanila bilang ganap na mga miyembro ng lipunan, ay isang pondasyon ng anumang inklusibo't etikal na Komunidad. Pero maaring may malaking hindi pagkakatulad ng pananaw sa mga taong may kapansanan, para sa iba't-ibang indibidwal at kultura. At sa kasamaang-palad, hindi lahat ng mga pananaw na'tu ay maganda o makatao. Sa kasong ating tatalakayin ngayon, sisilipin natin ang isang nakakapangilabot na insidente. Kung saan, humantong sa malagim na trahedya, ang maling pananaw para sa mga taong may kapansanan. Ang pananaksak sa Sagihara ni Satoshi Uematsu.