Damuhan Podcast

Damuhan Podcast

By BinoComedyImprov
Download on the App Store

Damuhan Podcast episodes

  • Sus Ginoo, Something Like That, ATBP
    Narito na ang kwento ni Bodjie, isang tipikal na estudyante na kahit di masyadong matalino, di rin naman masyadong alam nyo na. Patpatin, komikero at laging pasimuno ng katatawanan sa kanyang mga kaklase. 

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    6 min
  • Mga Tao'ng Mahirap Pakibagayan
    Sabi nga sa kasabihan ng kung sino'ng Herodes, "We can't please everyone." Tama nga naman. Hindi kasi lahat ng tao ay kaya nating maplease. Tinagalog ko lang yung kasabihan kaya't wag ka nang kokontra. Pansinin mo na lang sa showbiz, may mga artista ka na ayaw at gusto mo. Maaaring sakin, love na love ko si Angel Locsin pero diring diri ka naman sa kanya dahil mas gusto mo si Marian Rivera. Pwede din naman na nababaduyan ka sa mga shows ng kapuso network dahil isa kan'g certified kapamilya. Ganun din ang mga kapuso fans. Ang pinupunto ko lang, may mga tao talaga na kahit ano'ng gawin natin ay di talaga natin makasundo. Yun ba'ng unang kita mo pa lang sa kanya ay naiinis ka na kahit wala pa siyang ginagawa. Hindi naman sa pagiging mapanghusga at pagpapahaba ng intro ng post na ito, pero may mga tao talaga na hindi magiging malapit sa kin. Kaya't sa halip na makipagplastikan, eh di ko na lang papansinin. Ikaw na nagbabasa nito, umamin ka?? Ganito ka rin minsan. Hehehehe. Anyway narito ang listahan ng mga tao'ng para sa akin ay mahirap pakibagayan

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    8 min
  • Balik-Tanaw - Mga Pinoy Super Heroes
    Matapos nating balikan ang mga Super Sentai at mga Metal Heroes ng Japan, hindi natin hahayaan na magpahuli ang lahing Pinoy. Mayroon din tayo nyan!  Mayroong seryoso at mayroon ding kalog.  Mayroong babae, mayroong lalake. Mga nagmula sa isang simpleng komiks, at ang iba'y umusbong sa radyo at telebisyon. Kaya dito sa damuhan ay ating babalikan ang mga Pinoy super heroes na ating kinalakihan at ngayo'y naipapakilala na ang ilan sa mga bagong henerasyon. Narito ang ilan sa kanila

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    8 min
  • Mga Pinoy Super Heroes

    ---
    Send in a voice message: https://anchor.fm/damuhan/message
    Support this podcast: https://anchor.fm/damuhan/support
    8 min
  • Mga Bagay na Tipikal sa Pelikulang Pinoy
    Namimiss mo na ban'g manood ng sine? Wag mag-alala, ipikit ang iyong mata! Joke lang. Magbubukas na naman ang mga sinehan ngayon'g Nobyembre matapos lumuwag ang quarantine alert ng Pilipinas tungkol sa Covid-19. And speaking of movies, alam mo ba na may mga kapansin-pansin na bagay tayon'g makikita sa isang tipikal ng Pinoy movies? Ating alamin ang mga iyon dito sa ating episode ngayon'g linggo: Mga Bagay na Tipikal sa Pelikulang Pinoy

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    8 min
  • Mga Kwentong Katatakutan - A Damuhan Halloween Special
    Malapit na naman ang ika-isa ng Nobyembre, ang tinatawag na Araw ng mga Patay na kung saan ay ating inaalala at binibigyan ng importansya at respeto ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na at kapiling na ng ating mahal na Panginoon. Panahon din ito na sinasamantala ng mga pamilyan'g bihira lamang magkita. Kumbaga, ito ang reunion nila sa halip na Pasko o Bagon'g Taon.

    Hinding-hindi rin naman mawawala ang tinatawag na treat or trick at halloween costume contest na impluwensiya ng kanluraning bansa na nagmistulan na rin'g tradisyon ng mga Pinoy. At dahil may tradisyon, paniguradon'g hindi rin makakalimutan ang mga nakakatakot na kwentuhan o usapin tungkol sa multo, dwende, aswang at kung anu-ano pan'g nakakatakot na nilalang na idinidikit sa araw ng mga patay. Naaalala mo ba yung horror episodes ng Magandang Gabi Bayan ni Noli De Castro? Ganyan.

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    8 min
  • Mga Uri ng Aswang
    Literal na mga uri ito ng aswang. Saka na yung mga aswang sa gobyerno. Hehehehe.

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    6 min
  • The Dark Side of Fairy Tales
    Wala siguro'ng tao sa mundo ang hindi nakabasa, nakapakinig o nakapanood ng mga makukulay na fairy tales. Kahit ako mismo'y naging paborito ang mga kwento nila Pinocchio, Rumplestiltskin at iba pa. Ano nga ba ang common sa mga ito? Laging Happy Ending. Syempre, ito ay para sa mga bata. Di naman siguro makatwiran kung hindi hahantong sa masayang katapusan ang mga kwentong ito. Pero sa aking pananaliksik (naks!) napa-alaman ko na may mga kakila-kilabot na versions pala ang mga fairy tales. Halina at ating pakinggan.

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    9 min
  • Getting Closer - Inspired by a Toothpaste Commercial
    Pakinggan ang kwento ni Keith na gumawa ng paraan para makilala si Ga. Inspired ng isang toothpaste commercial 

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    9 min
  • Mga Uri ng Nililigawang Pinay
    Ang episode na ito ay walang pinatatamaang sinuman. Ito ay tungkol sa mga uri ng nililgawang Pinay.

    --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/messageSupport this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/damuhan/support

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    6 min

About Damuhan Podcast

From the publisher's feed

Damuhan, formerly a blog, is a podcast for all Pinoys and Pinoys at heart. Damuhan includes stories, poems, essays, articles, and more regarding a typical Filipino. All episodes are less than 15…