Dear LOVE

Dear LOVE

By Love Radio ManilaFictionDrama
Download on the App Store

Dear LOVE episodes

  • 50-50 | Dear LOVE

    Si Lana ay isang maybahay na nangungunsumi na sa kanyang mister na si Chad dahil pabaya ito sa kanyang responsibilidad bilang ama at asawa. Dahil siya ay work-from-home setup, naiirita siya tuwing umiiyak ang anak at si Chad ay tila walang pakialam. Isang araw, natuklasan ni Lana ang malaking credit card bill ni Chad at matapos siyang kumprontahin, pansamantalang umalis si Lana para makapag-isip kung gusto na ba niyang hiwalayan ito.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    15 min
  • Hitchhiker | Dear LOVE

    Naging malapit sina Hazel at May dahil sinasabay ni May si Hazel sa trabaho. Nagkaroon ng tensyon nang magka-boyfriend si Hazel. Nagalit si May dahil hindi siya agad sinabihan ni Hazel na hindi niya muna ito isasabay. Nang mag-asawa at mabuntis si Hazel, laking gulat nila nang magpunta si May sa bahay at sinabing sasabay raw siya kay Ronald papasok sa trabaho.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    14 min
  • Diploma | Dear LOVE

    High school pa lang, magkasintahan na sina Janice at Red. Parati silang nagtutulungan sa pag-aaral. Habang si Janice ay nagpatuloy sa kolehiyo at nakapagtapos, si Red naman ay nagtrabaho na agad. Tutol ang mga magulang ni Janice sa kanilang relasyon dahil naniniwala silang hindi sasapat ang pagmamahal para mabuhay. Wala raw siyang mapapala sa jowa niyang hindi nakapagtapos.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    15 min
  • Locker | Dear LOVE

    Si Joy ay nagtatrabaho para sa kanyang pamilya habang ang kanyang mister ang nag-aalaga ng kanilang mga anak. Lingid sa kaalaman ng mister, si Joy ay may relasyon sa katrabaho niyang si Austin. Si Austin ay may asawa na rin. Nang handa na si Austin na umalis kasama si Joy, umatras si Joy dahil hindi niya kayang iwan ang kanyang mga anak.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    19 min
  • Bakasyon | Dear LOVE

    Si Fritzie at ang kanyang asawang si Ernie ay nagpaplanong magbakasyon sa Hong Kong bago mag-Undas. Excited na excited ang kanilang anak dahil first time nila lalabas ng bansa. Nang ibalita ni Ernie ang plano sa kanyang ina, nagalit ito at nanumbat. Minsan na nga lang daw silang bumisita tapos hindi pa uuwi sa Undas. Dahil sa konsensya, gustong i-postpone ni Ernie ang trip. Ikinasama naman nito ng loob ni Fritzie at ng kanilang anak. Puro na lang daw kasi plano at pangako.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    15 min
  • Alak | Dear LOVE

    Mahal ni Ibyang ang mister niyang si Dudong, pero nagiging bayolente ito tuwing nalalasing. Minsan, binato siya ng kaldero, ginupit ang kanyang buhok, at sinapok siya. Sa kabila ng pagmamahal niya, hindi na kinakaya ni Ibyang ang pananakit asawa.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    19 min
  • Reto | Dear LOVE

    Si Allan ay isang makisig at mistisong binata na laging nire-reto ng pamilya sa mga kakilala. Kasama na rito si Fely, isang mayamang matandang dalaga. Bagama’t gusto ng pamilya niya si Fely, tumanggi si Allan dahil malaki ang agwat ng edad nila at may nobya na siya. Para matigil ang pangingialam ng pamilya, ipinakilala ni Allan ang kanyang nobya na ikinagalit ng pamilya.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    13 min
  • Bastarda | Dear LOVE

    Si Ella ay lumaki sa ilalim ng malamig na pakikitungo ng kanyang ina. Naikuwento niya sa kaibigang si Tin na bunga siya ng isang trahedya. Kalaunan, nabuntis si Tin at sa araw ng panganganak niya, dumating ang kanyang ina at humihingi ng tawad.

    See omnystudio.com/listener for privacy information.

    18 min

About Dear LOVE

From the publisher's feed

Ang mga istoryang kukurot, kikiliti, at magpapakilig sa natutulog mong puso!

More shows like Dear LOVE

Barangay Love Stories by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

64 Listeners

Dear MOR by MOR Entertainment

Dear MOR

1 Listeners

Raqi’s Secret Files by Love Radio Manila

Raqi’s Secret Files

2 Listeners

Mga Katas ng Nakalipas by Love Radio Manila

Mga Katas ng Nakalipas

0 Listeners

Papa Dudut Stories by Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Papa Dudut Stories

0 Listeners