
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
"Ikaw lang ba ang nahihirapan? Ikaw lang ba ang nahihiya? Hindi lang naman ikaw ang may mga kamag-anak na paulit-ulit na nagtatanong kung bakit wala pa tayong anak eh."
– THE GEROME STORY
#DearMORTataytatayan
"Hoy, hindi maliit na bagay yun ha! Kilala kita Abby. Hindi ka sanay magpaka-dalagang pilipina o magpabebe. Laking bukid ka kaya! Cowgirl ka, girl scout, laging handa, katipunera, amazona, palaban! Hindi uso sa iyo yang mahinhin kuno na yan!" #DearMORPili - The Abby Story
"Kapag itinigil ko na ang pagiging concern at pranka ko kay Grace, ‘yun na rin ang araw na itinigil ko ang pagiging best friend ko sa kaniya. Kaya hangga’t natitiis ko pa ang pagiging tanga niya sa pag-ibig, hindi ako titigil sa pagpapaalala. Kahit na minsan, para na akong sirang plakang paulit-ulit na lang sa panenermon." #DearMORBeshy - The Janet Story
"Oh bakit totoo naman ah… lalo na pagdating sa mga lalaki? Ay MARIZA sinasabi ko sayo… wag mo silang pag-aksayahan ng panahon. Kailangan maging paborito ka muna ni Lord bago ka mapasali sa mga pwedeng manalo ng grand prize na faithful at loyal na makakasama mo habambuhay." #DearMORMistake - The Riz Story
"Wag kang ma-offend! Hindi kita nilalait, niri-real talk kita! Paano darating sayo yung opportunity kung okupado ka pa ngayon? Bitawan mo muna yung hawak mo, para makaabot ka ng iba pa. Let go mo muna yung attachment mo dyan sa trabaho mo na yan, at makikita mo kusang lalapit sayo yung mga inaasam-asam mo." #DearMORLucky - The Jing Story
"Ito’ng tatandaan mo Ruben. Sa oras na mahuli kita na meron kang ibang babae, sisiguraduhin kong tatanda kang mag-isa dahil hinding hindi mo na kami makikita ng mga anak mo kahit kailan. Kaya kung may itinatago kang kalokohan, ngayon pa lang magbago ka na, bago pa mahuli ang lahat." #DearMORTakusa - The Ruben Story
"Minsan, madaya talaga ang buhay. ‘Yong mga taong akala nating sasamahan tayo hanggang sa huli, mga taong hindi tayo sasaktan... Sila pala ‘yong unang mananakit at mang-iiwan." #DearMORImSorry - The Dina Story
"Kung parati tayong matatakot na sumubok ng bago, ano na lang ang mangyayari sa atin? Sabi nga sa isang napanood kong palabas, “go big or go home”. Hindi ka dapat nakukutento sa kung anong meron ka. Dapat parati mong tinutulak ang sarili mo para matuto ng bago. Kasi “everyday is a learning process”, ika nga." #DearMORStay - The Elmar Story
"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki?! Pagkatapos nyo kaming ligawan ng ilang buwan, sasaktan nyo lang kami?! May pasabi-sabi pa kayong susungkitin nyo ang mga bituin para sa amin, ibang babae pala ang susungkutin nyo pagkatapos nyo kaming makuha! Mga bwisit kayo!" #DearMORGreatestLove - The Lizzy Story
"Napag-usapan na kasi natin ‘yan noong una pa lang. Hindi ko alam kung bakit kailangan natin pag-usapan ulit kung parehas tayong nagkasundo na kuntento na tayo sa ganitong sitwasyon. Kung pala okay sa’yo, eh ‘di sana, noong una pa lang, umayaw ka na." #DearMORKabaliwan