
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
"Kaya nga ako nagkakada-kuba sa pagtatrabaho, dahil gusto kong makapagtapos kayo sa pag-aaral! Gusto kong may maipagmalaki kayo! Gusto kong gumanda ang mga buhay n’yo, para hindi kayo tumulad sa’kin! Kaya inaalis ko ang lahat ng bagay na pwede maka-istorbo sa pagtupad ng mga pangarap n’yo! Sa mga pangarap ko para sa inyo!" #DearMORSuperTatay - The Raul Story
"Ayaw kong magaya ka sa ibang kabataan na walang direksyon ang buhay. Ayokong magkamali ka, Arlene. Kaya pinaghihigpitan kita. Ngayon pa lang, binubusog na kita ng mga pangaral. Gusto kong lumaki kang isang mabuting tao." #DearMORSpecialNanay #TheArleneStory
"Bilang boyfriend, dapat hindi niya pinaparamdam sayo na balewala ka lang sa kanya. Hindi ka niya dapat binibigyan ng rason para magselos o kwestyunin ang pagmamahal niya sayo. Ang mabuting boyfriend, nagbababa ng pride. Hindi sinasabayan ang babae." #DearMORTryLang
"Bakit kaya gano’n? Kapag mahal mo, hindi ka naman mahal. At ‘yong hindi mo mahal, ikaw naman ang mahal. Ang gulo ‘no? Hindi ka ba naguguluhan? Kasi ako naguguluhan, eh. Mas lalong nabuhol ang utak ko." #DearMORTinadhana - The Aly Story
"Sobrang maraming paraan para kumita ng pera. Ang kailangan mo lang ay magtiis at magtiyaga. Kasi kahit kailan, hindi magiging magaan ang buhay mo kung lahat ng bagay na meron ka, hindi mo pinaghirapan, na kinailangan mo pang tapakan ang ibang tao para lang maabot mo ‘yan." #DearMORAwa
"Hindi naman kasi ganun kadaling kumita ng pera dito sa ibang bansa. Pero para sa kanila, parang pinupulot ko lang lahat ng pinapadala ko. Hingi dito, hingi doon." #DearMOROFW
"Kahit isang libo pang panyo ang ibigay ko sa’yo, makakasiguro ka sa akin na hindi ko magagawang paiyakin ka. Kung iiyak ka man, dahil ‘yun sa saya." #DearMORPamahiin
"Kahit gaano ko ka-landi, hindi ko basta-basta tinatapon ang sarili ko sa mga lalake ng ganun kadali lang. May dignidad pa rin ako ‘no. Magkaiba ang cheap na malandi sa sosyal na malandi." #DearMORLandiLang
"Tapos ngayon, dadaanin mo sa biro sabay iiwas ka. Ang galing din eh noh. Ang galing-galing mo din! Gagawa-gawa ka ng kalokohan tapos 'pag nabuko ka, hindi mo kayang panindigan, ibang klase rin." #DearMORLosyang
"Hindi mo ba ko naiintindihan o ayaw mo lang akong intindihin? Mali nga to eh maling-mali !kaya nga, habang may panahon pa para itama ang lahat ng to eh gawin na natin." #DearMORKapatid