
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
"Anong gusto mo?? Nakanganga lang tayo lahat dito habang hinihintay ka magkatrabaho?! Ang dami-dami nating binabayaran kada buwan! Hindi pwedeng parehas tayo nakahinto! Sumunod ka na lang sa gusto ko, dahil kung talagang kaya mong gawan ng solusyon ang problema mo, eh ‘di sana, ngayon pa lang, tapos na ‘yan!" - The Eric Story - #DearMORPanlalake
"Ang sama ko di’ba? Gusto ko mang patayin yung inggit sa puso ko kasi kapatid kita, pero, nandito pa rin siya. Pakiramdam ko kasi, ako lang yung naiwan sa putikan, na kahit anong gawin ko, hindi na ako makakalis dito." – THE TINTIN STORY #DearMORKadena
"Totoo ‘yong sinabi ko. Gusto ko ‘yong mga babaeng advance mag-isip. ‘Yong matalino... ‘Yong kaya na ang sarili. Independent. Gano’n na ang tipo kong babae. At sinasabi ko sayo Marvin, kapag ako, nakahanap ng gano’n, itaga mo sa bato, siya ang papakasalan ko."
#DearMORPinasok
"At ano ang ini-expect mong gawin ko? Makipag-cuddle sayo habang nasa loob tayo ng banyo? Malamang magmamadali akong umalis. Saka, one night stand lang naman ang nangyari. Ang weird naman kung “Hi, ako pala si Cindy. Pwedeng makipag-sex sayo?” #DearMORSipsipan
"Anong nagmu-murang kamatis? Excuse me Susan, hindi ka ba aware na “40 is the new 20”? And so what naman kung magsuot ka ng sexy? ‘Yong kita ang cleavage? Sabi nga nila, when you have it, show it!" #DearMORPampainit
"Alam mo ate, minsan, mas masarap magkwento sa mga random na tao. Yung hindi mo talaga kilala kasi alam mong hindi ka huhusgahan, yung pakikinggan ka lang talaga. Try mo." #DearMORInit
"Lagi ka na lang si Nakakahiya. Lahat ng lang ng bagay, gusto mo ako mauuna. Kung hindi ko pa hahawakan yang kamay mo, hindi mo pa ko ihoholding hands. Lahat ba ng bagay dapat iutos ko pa sayo?!" #DearMORSino
"For your information my dear insan, hindi porket break na sila, may pag-asa na kayong dalawa. ‘Wag masyadong umasa. Nakakamatay ng puso ‘yan." #DearMORKakarampot
"Darating din naman tayo do’n. Ang sa akin lang, h’wag muna sana nating minamadali ang lahat. Ngayon pa lang tayo nagsisimulang makaluwag-luwag kahit paano kaya dapat, alam natin kung paano magkontrol sa pera."
- THE GARY STORY
#DearMORPadreDePamilya
"Tol, heto paalala ko lang sa iyo ha? Kung may binabalak ka diyan sa Vanesa na yan, ngayon pa lang itigil mo na. Dahil kapag itinuloy mo yan, malaking gulo pag nagkataon. Kilala kita. At sa nakikita ko sa iyo ngayon, hindi lang hanapbuhay mo ang pwedeng mawala sa iyo, kundi sarili mo mismo."
– THE HERSON STORY #DearMORKoleksyon