
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
"Ayoko lang ‘yung thought na porket lalake, siya na dapat ang bahala sa lahat. Siya lang ang may karapatang manligaw, magbigay ng mga regalo, mag-aya sa mga date, manlibre. Bakit, kayo lang ba ang may pera? Kayo lang ba ang may karapatang maging ma-effort? Kami rin namang mga babae ah. Kaya rin namin ‘yun." #DearMORLibre
"Sana palagi kitang mapasaya. Sana maalagaan kita sa paraan na gusto mo kasi gagawin ko ang lahat, ang kahit na ano, huwag mo lang akong iwan. Huwag ka lang magsisi na minahal mo ako." #DearMORSurprise
"Kilala mo ako, pagdating sayo, nagkakaganito ako. Alam mo naman na sa lahat ng ayaw ko, ‘yung sinasaktan ka. ‘Yung niloloko ka. Lumalabas ang pagiging basagulero ko kapag ikaw na ang inaapi. Gano’n kita pino-protektahan. Tapos magpapaloko ka lang? Hahayaan mo lang na ganyanin ka ng ex mo? Kung sayo, pwede, pwes sa’kin, HINDI!" #DearMORBawal
“Kasi po, kahit na nakalimutan na niya ang lahat, ikaw lang ang tanging alaalang natira sa isipan niya. Kasi, para kay Tito, lahat ng mga alaala ng pinagsamahan ninyo, lahat iyon maganda, masaya at di madaling kalimutan.” #DearMORKalaro
"Ngayon pa lang magsisimula yung araw mo dito sa opisina. Oo, siguro nga, hindi maganda yung simula ng araw mo kanina pero hindi ibig sabihin nun na sisirain mo na yung buong araw mo." #DearMORPositibo
"Ayokong isakripisyo ‘yun. Relasyon na lang namin ni Angelica ang matino sa buhay ko, huwag niyo na hong guluhin ‘yun. Mas maganda na ‘to dahil ayoko kasing mapahiya ng wala sa oras." #DearMORNakakahiya
“Hindi po ba kayo naaawa sa akin? ‘Nay anak niyo po ako, bakit hinahayaan niyo akong bastus-bastusin ng ibang tao? ‘Di ba dapat pino-protektahan niyo ako?” #DearMORPilit
“Yuri, mahal kita. Mahal na mahal. Sana ma-appreciate mo ‘yun. Sana rin, matutunan mong mahalin ‘yang sarili mo.” #DearMORKasunduan
"Hindi kita papakasalan dahil lang sa gusto kong magkaroon ng anak. Dahil lang sa gusto kong bumuo ng pamilya. Papakasalan kita kasi mahal kita." #DearMORHiwalayan
"Pwede bang pagsaluhan natin ang gabing ito? Kahit ngayong gabi na lang. Pwede bang sa gabing ito, mayakap kita at mahalikan sa huling pagkakataon?" #DearMORBasaan