Ang Gulayan sa Paaralan Program (GPP) ay programa ng DepEd na naglalayong matugunan ang malnutrisyon ng mga mag-aaral at paigtingin ang produksyon ng gulay at pagkain nito ng mga mag-aaral. Kaya naman inilunsad ito ng Don Luis Consing Elementary School sa Cadiz City, Negros Oriental, upang mabigyan ng malusog at malakas na pangangatawan ang kanilang mga mag-aaral at komunidad at bilang suporta na rin sa School-Based Feeing Program sa bansa.
Ipinamamahagi ng paaralan sa mga mag-aaral, mga guro, at stakeholders ang mga sariwang gulay na kanilang naaani. At para naman lalong mapalawak at mapaunlad ang Gulayan sa Paaralan Program, namamahagi rin sila ng mga buto o binhi sa komunidad upang kanilang maitanim at maani. Kinilala sila bilang nag-iisang Light House School sa buong dibisyon ng Cadiz City at dahil dito, nagsisilbi silang gabay at inspirasyon sa iba pang paaralan, komunidad, at mga tahanan. Alamin ang buong kwento sa DepEd Philippines Podcast.