Walang makakapigil sa edukasyon. Anumang pagsubok ang ating kaharapin o pagdaanan, saan man, kailanman, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nararapat na magpatuloy. Ito ang pinanghawakan ng mga guro ng Pandan High School sa Sorsogon na buong pagsusumikap na inabot ang kanilang mga mag-aaral sa tawid-dagat upang masiguro na tuloy-tuloy ang pagkatuto nasaan man sila naroon. Alamin ang buong kwento sa DepEd Philippines Podcast