
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuhay ang Pilipinas! Ang sarap maging Pilipino! Isang karangalan ang dinala ni Hidilyn Diaz sa ating bansa matapos nyang napanalunan ang pinaka unang Gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics na ginanap sa Tokyo Japan. Talakayin natin ang kanyang mga sakripisyo at ang kanyang mga kwento sa likod ng Gintong Medalya.
Tara at papakin ang ulam na baon nila klasmeyt Marlo at Rhyan ngayong Huwebes ng gabi. Ito'y paboritong putahe ng bawat isa, ito'y niluluto ni ina at paborito naman ni ate at kuya, Ito ay ang Pambansang Ulam nating mga Pinoy; ang Adobo. Alamin ang kwento sa likod ng Adobo standardization na iminungkahi ng Department of Trade and Industry kasama sina Klasmeyt Maria at Klasmeyt Cathy.
Ang pabahay ni yorme na di lang inulan, binagyo pa ng batikos at pangungutya galing sa mga squammy na kanyang binigyan ng bagong bahay na masisilungan. Alamin ang kwento sa likod ng viral video ni nanay na puno ng reklamo sa buhay kasama sina bossing Joey and klasmeyt Densio.
Walang panis na oras pagkasama ang barkada! Sabay sa init ng panahon ang topic natin sa episode 18, alamin ang storya sa likod ng "Motivational Slap" kasama ang barkada sa skwela na sina Chem Jade, Nober at Joshua. Tamang kwentuhan, kulitan at kantahan kasama ang Eskwela Barkada.
Kemeshteh? hahaha este Kamusta? tayo ay makisaw-saw sa trending issue at video na sikat na sikat ngayon sa social media. Eto ang pinakabagong hype music ngayon sa youtube ang 8 Ballin - Know me aka PASH PASH haha at ang pinakabagong cartoon serye sa Netflix na gawang pinoy ang TRESE!
Syempre makiki-sakay din kami sa hype hahaha, alamin ang ngtetrending sa social media na produkto ng isang sikat na fast food chain. Clue; hindi ito "crispy towel" hehehe Disclaimer: lahat ng inyong mariringig ay pawang opinion lamang namin salamat!
Tayo ay magbabalik-tanaw at magbibigay-pugay sa ating mga dakilang ama kasama ang ating espesyal na panauhin na sina Roviel at Gilbert. Pakinggan natin ang kanilang mga kwento bilang ama at bilang mga anak na rin sa kanilang mga butihing ama.
Ipinagdiriwang ang ika-123 na araw ng kalayaan sa Pilipinas! Gaano ba kamahal ng mga Pilipino ang sariling bansa? Paanu kung nabubuhay pa ang ating mga bayani, kaya ba nila tayong ipagmalaki bilang bagong henerasyon? Tara at talakayin ang mga mahahalagang naganap sa ating kasaysayan at tanungin ang sarili paanu kung nabubuhay ka sa kapanahunan nila; ano ang gagawin mo bilang isang Pilipino noong nasa ilalim pa tayo ng pagkagapos at paghihimagsik mula sa mga Espanyol at Amerikano? Masasabi mo pa rin bang; Ang Mamatay ng dahil sayo.
Mga ka-barts! Este mga klasmeyts ngayon ay isang espesyal na episode kung saan my makakasama tayong mga guests na sina Aira, Jane at Emelia upang e kwento ang kanilang ga karanasan sa pag-babarter dito sa Oslo Norway Pinoy Barter Community, ang ONPBC ay nag cecelebrate ng kanilang first year anniversary nitong May 23, 2021. Samahan nyu kami at maki-chika sa mga ka-barts este! klasmeyts!
Uuwi ka ba ng pinas? alam mo na ba ang mga bagong protocols? Mag ka-quarantine kapa ba pag dating sa pinas? ilang araw? mangilan ngilan lamang ito sa mga maraming katanungan sa ating isipan. Tara at alamin ang mga bagong guidelines ng IATF at ng airports sa pinas kasama ang ating "uwing-uwi" nang guest na si jen at sila ni klasmeyt marlo at rhyan.
From the publisher's feed