
Sign up to save your podcasts
Or


Noong Lunes, July 26, nakamit ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas makalipas ang 97 taon mula nang unang sumali ang Pilipinas sa Summer Olympics.
Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang kasayasayan ng Olympic Games, ang pagsali ng Pilipinas sa Summer Olympics, at ang una at kaisa-isang atletang naging pambato ng Pilipinas noong 1924 Summer Olympics sa Paris, France.
Halos isang dekada na ang nakararaan nang pumanaw ang nag-iisang "Hari ng Komedya" na si Dolphy. Sa episode na ito, ating pag-uusapan ang kanyang karera at tagumpay sa larangan ng pagpapatawa.
Isang ordinaryong papel na itinupi at hinubog na tulad ng isang bangka. Binuo ito upang paanurin sa tubig, hanggang sa ito ay lumubog. Pero kung ia-unfold mo ang bangkang papel, may mga pangarap sa loob nito na nais mabuo.
Ito ang kuwento ng tatlong batang nagpaanod ng mga bangkang papel patungong Malacañang. Dala-dala ng mga bangkang papel na iyon ang kanilang mga pangarap.
Alamin natin sa episode na ito, kasama si Enzo, ang istorya sa likod ng kantang sumikat noong dekada '90. Sino ang nasa likod ng kantang ito? Saan nagmula? Sino ang tinutukoy sa kantang ito?
Bago pa lumaban ang ating mga kandidata sa apat na pinakamalalaking beauty pageant sa mundo (Miss Universe, Miss World, Miss International, Miss Earth), sa mga pag-uusapan natin sa episode na ito unang sumabak ang gandang Pinay.
Umaga ng June 24, taong kasalukuyan, nagulat ang lahat sa pagpanaw ng ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III.
Sa episode na ito, tayo ay magbabalik-tanaw sa buhay at karera sa pulitika ni PNoy.
Alamin ang kuwento sa likod ng naganap na dayaan noong Gabi ng Parangal ng 1994 Manila Film Festival noong June 22, 1994. Ano ba ang kuwento dito? Sino ba talaga ang mga tunay na nanalo? Sino ang may pakana nito at napanagot ba ang mga sangkot?
This episode is now showing.
Sa darating na araw ng Linggo, June 13, magsisimula na ang Season 96 ng kauna-unahan at pinakamatandang sports collegiate league sa Pilipinas - ang National Collegiate Athletic Association o NCAA.
Sa episode na ito, pag-usapan natin ang tungkol sa kasaysayan at ang mga paaralang kasapi sa ligang ito.
Noong ika-17 ng Mayo, taong kasalukuyan, inanunsyo ng beterinaryong si Dr. Anton Lim sa kanyang Facebook post, na namatay na habang natutulog, ang tinaguriang "hero dog" na si Kabang.
Nakilala si Kabang dahil sa kanyang pagligtas sa dalawang batang muntik nang masagasaan ng motorsiklo, halos isang dekada na ang nakararaan; dahilan ng pagkaputol ng ibabaw ng kanyang nguso.
Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang buong detalye tungkol sa tinaguriang "Hero Dog".
From the publisher's feed
History, general information, and current events in one podcast show.