
Sign up to save your podcasts
Or


Alam mo, ending a relationship ay isa sa pinakamasakit at pinakamahirap na pwedeng pagdaanan ng isang tao. Kasi imagine, nagmahal ka at ang tanging ineexpect mo lang ay mahalin ka rin pabalik pero hindi pala ganon kadali yun. Kung mutual man ang desisyong maghiwalay kayo o isa sa inyo ang may gusto, ikaw man o siya, yung paghihiwalay na yun ay magtitrigger ng iba't ibang emosyon tulad ng galit sa kanya, paghihinayang sa mga pinagdaanan niyong dalawa, at kalungkutan dahil wala na yung kinasanayan mong siya.
Sa bagong kanta ni Zack Tabudlo na Akin Ka, narealize ko na kapag mahal mo ang isang tao, kailangan mong ipaglaban eh. Tulad nga ng sinabi ko noong umpisa, kapag nasasaktan na ka na, bumitaw ka na. Yan ang paniniwala ko pero what if, kailangan mo lang talagang ipush yung sarili mo para doon sa taong gusto mo?
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentu
Kahit gaano ako kalakas, kahit ipaglaban kita hanggang dulo, kung desidido ka na namang hindi na ako, wala na akong magagawa. Sorry kung pinilit ko pa yung sarili ko na baka pwede pa. Sorry kung mahal pa kita kahit parang wala na naman talagang pag-asa. Di bale, darating din ang panahong mapapagod ako, na magigising din ako one day na tanggap ko nang wala na talaga tayo.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Baka kailangan mo nang bumitaw. Na siguro, hanggang doon na lang talaga yung journey mo kasama siya. Wala na eh. Hindi ka na umuusad. Puro na lang sakit. Hindi ka na naggogrow.
Hindi ka naman sumuko eh. Ganon din naman siya sa'yo. Ramdam mo pa rin naman yung pagmamahal na mayroon sa inyong dalawa pero this time, pinili niyo na lang na maghiwalay kasi mas matimbang na yung lungkot kaysa sa saya, na mas marami na yung pain sa puso ninyong dalawa kaysa sa pagmamahal na dapat laman lang non.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Parang isang araw, gumising na lang ako na wala na akong nababasang good morning mahal. Yung kailangan ko nang tanggapin na hindi na siya kasama sa mga plano ko, na hindi na kami magkasama sa future ng isa't isa. Sobra akong nasaktan pero wala na akong nagawa eh.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Kung mayroon akong sasabihin sa susunod kong mamahalin, gusto kong ipaalam na hindi pa ako fully healed, na nasa journey pa rin ako ng paggaling pero umaasa ako na sana kapag dumating na siya, tulungan niya akong makabangon, samahan niya ako sa healing journey ko.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Sugal naman ang pag-ibig. Hindi naman kapag umamin ka o nagparinig sa kanya, ganon din ang nararamadaman niya tungkol sa'yo. So sa laban ng pagmamahal, may nanalo, pero madalas marami ring talunan tulad ko.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Hindi lahat ng tao, may tapang na sabihin yung nararamdaman nila. Kahit ako, madalas natatakot akong sabihin yung feelings ko kasi may fear sa puso ko na baka makasakit ako, o baka mawala siya o baka may magbago sa amin. Yun yung kinakatakot ko, na baka kapag naging open ako sa kanya, mawala na yung kinasanayan kong siya.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Mahirap ding bumitaw kasi wala ka nang kakapitan. Na parang ikaw na lang yung nanatili sa relasyong ikaw na lang din ang may gusto. Na parang kahit magkasama na kayo, hindi mo na nararamdaman yung dating pag-ibig sa inyong dalawa, hindi ka na makangiti nang totoo.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
From the publisher's feed