
Sign up to save your podcasts
Or


Mahirap tanggapin na yung taong nakasama mo noon, yung taong sinasabihan mo ng "I love you" o yung pinangakuan ka ng hindi ka iiwan, ayun, nandoon na sa bago niya, na after ng breakup niyo, hindi mo man lang nakitaan ng kalungkutan o kung nasaktan din ba siya? Tapos ikaw, until now, sugatan pa rin.
Sa totoo lang, okay lang naman sa'yo na single ka eh, ang problema lang naman ay yung mga taong nasa paligid mo na naniniwalang sa certain age, kailangan may asawa ka na o settled ka na, na pakiramdam nila, mapag-iiwanan ka na ng panahon pero hindi nila alam yung mga pinagdaanan mo noon, na hindi naman ganon kadali.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Yung second chance kasi it comes with a risk. It’s either maulit ulit yung nangyari before o mas makagawa ka ng mas malala pang desisyon na lalong sisira sa’yo. Na baka kapag binigyan mo siya ng anoher chance pa, kapag pinatawad mo at tinanggap mo ulit, baka ulitin lang niya o baka mas malala pa yung gawin niya sa'yo.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Sobrang weird na magpasalamat sa taong rason kung bakit ka nasasaktan ngayon o kung bakit nagkatrust issues ka. Pero pagdating ng tamang panahon, sa mga oras na sa tingin mo ay unti-unti ka nang nakakausad sa nararamdaman mong pagiging broken, doon mo maiisip na buti na lang talaga no? Buti na lang naghiwalay kayo, buti na lang nasaktan ka kasi doon ka natuto eventually. Hindi man agad pero kahit papaano, marami kang narealize.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Baka kailangan mo nang putulin ang connection ninyong dalawa para magkaclosure. Baka ito na yung last step para talagang mabitawan mo na siya totally. Sa pagblock mo sa kanya, wala ka nang messages na mababalikan, wala ka nang mga post niyang makikita, wala nang memories ang matitrigger at sa desisyong ito, na madaling sabihin pero mahirap gawin pero kailangan eh, baka dito na magsimula ang healing mo mula sa nangyari noon.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Yung tinatago na lang yung nararamdaman kaysa sabihin pa kasi natatakot sila na baka may magbago bigla. Baka biglang mawala yung tao na yun o iwasan siya. Ito yung pinakamahirap eh, yung parang nag-aabang ka sa wala o kahit man lang sa isang himala.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Hindi lang naman love life ang aspeto ng buhay, marami pang kailangang i-consider - pangarap, pag-aaral, career, sarili, pamilya, opprotunities. At sa pagpili mo ng decision, may kailangan ang isakripisyo at madalas, kailangan mong bumitiw kasi alam mo sa sarili mong hindi mo kakayanin nang sabay o no choice ka kundi ang mag-let go kasi alam mo namang wala ka nang magagawa.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Ngayong matanda na ako, nito ko lang napagtanto na kahit pala mag-iiyak ako at magwala sa kwarto, may mga bagay pala talaga na kapag hindi para sa akin, kahit anong gawin ko, hindi magiging sa akin.
And the good thing about sa pag-iyak, doon mo binubuhos ang mga sakit at pagkabigo na naramdaman mo. Na kapag wala ka nang maiiyak, hihinga ka na lang nang malalim at susubukang ngumiti dahil sa wakas, wala nang mabigat sa puso mo.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Yung minsan hindi na reasonable pero nilalaban mo pa rin. Kahit na kitang kita na ng iba yung red flags niya, binabalewala mo lang kasi nga nakafocus ka lang sa nararamdaman mo sa kanya. Sasabihin mo, nagmamahal ka lang pero diba nga, lahat ng sobra, nakakasama. Doon ka kasi nagkamali eh, na akala mo okay lang yung sobra sa lahat - sobra sa effort, sobra sa pag-iintindi, sobra sa pagmamahal pero hindi mo alam, unti-unti ka na palang nasisira.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Sa mga sandaling yun, mas nangibabaw na lang ang lungkot at pagsuko kaysa sa galit at inis sa mga ginawa niya. Pinaasa niya ako. Sinaktan niya ako pero wala akong magawa o pinili ko na lang siguro na walang gawin kasi pagod na ako eh. Iba kasi yung emotional na pagod kaysa sa pisikal. Para bang naubos ako that time. Biglang nagflashback yung mga masasayang moments naming dalawa na akala ko ay papunta na sa isang relasyong inaasahan ko.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
From the publisher's feed