Hugot Marcelo

Hugot Marcelo

By Spotify StudiosSociety & CultureRelationships
Download on the App Store

Hugot Marcelo episodes

  • Mahal kita as a friend | Ep. 34

    Ayaw mong pangunahan, ayaw mong umamin kasi gusto mong makasigurado nang 100% at ingat na ingat ka kasi baka ikaw lang yung nakakaramdam nun tapos baka kapag umamin ka, magbago ang lahat.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    9 min
  • Bakit siya nang-ghost? | Ep. 33

    Siguro hindi mo napapansin pero matagal na niyang sinimulang mag-fade out sa buhay mo, yung dating kinasanayan mong pag-uusap hanggang antukin, mababawasan na kasi busy, busy sa school o sa trabaho, o kaya naman magdadahilan siya kasi sa totoo lang, ayaw na niya, hinihintay ka lang niyang maunang bumitaw.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    8 min
  • Pangarap ko o pag-ibig mo? | Ep. 32

    Darating at darating talaga ang araw na kailangan mong mamili kung saan ka magpo-focus o kung anong landas ang pipiliin mo. Ganon siguro talaga kapag tapos ka na sa buhay estudyante at kailangan mo nang harapin ang totoong mundo. Parang dating pag-aaral lang at lovelife ang inaatupag mo, ngayong nakagraduate ka na o kailangan mo nang magtrabaho, iisipin mo na ang future, kung anong mangyayari sa'yo after 5 years. Nagbabago na tayo ng priorities - nadadagdagan na ng responsibilidad sa pamilya, mga gusto mong gawin, mga gusto mong ma-achieve.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    9 min
  • Eh paano naman ako? | Ep. 31

    Sa totoo lang, lahat naman ng iniwan may karapatang masaktan. Lahat naman ng taong pinagpalit, may karapatang maging malungkot kasi tao lang naman tayo eh. May label man o wala, kapag nasaktan ka, nasaktan ka. Oo, sasaya na siya sa iba pero paano ka naman? Paano naman yung mga effort mo? Paano yung mga binigay mo? Paano yung mga panahong nasayang lang?


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    7 min
  • Akala ko tayo na hanggang dulo | Ep. 30

    Lumipas ang ilang taon pero bakit ganon? Hindi pa rin kita makalimutan. Bakit sa tuwing gigising ako sa umaga at matutulog sa gabi, titingin ako sa cellphone ko at maghihintay ng text mong alam kong hindi naman darating. Bakit sa kabila ng pagpilit ko sa sarili kong naka-move on na ako sa 'yo, hindi ko pa rin maiwasang tingnan ang Facebook profile mo kung may bagong post ka ba, bagong profile picture o kung nabago na ba ang relationship status mong single to in a relationship. Pero nabalitaan ko na lang sa kaibigan natin na masaya ka na pero hindi na dahil sa akin. Masaya ka na kasi may bago ka nang mahal.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    10 min
  • Akala ko siya na | Ep. 29

    Siya ang dahilan kung bakit ka masaya pero ngayon, siya na rin ang dahilan kung bakit ka lumuluha. Napakaraming nangyari - pagkabigo, mga pangakong napako, pagkawala ng tiwala, pagbabago ng nararamdaman, pero mahal ninyo pa rin ang isa't isa at deep inside, alam ninyong may pag-asa pa pero huli na ang lahat. Pareho na kayong napagod.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    7 min
  • Tama bang bumitaw ako? | Ep. 28

    Ito yung pinakamahirap sa lahat eh. Yung bibitawan mo yung kinasanayan mo araw-araw. Yung may nakakausap ka araw-araw, yung pakiramdam na may taong nandiyan para sa'yo. Minsan kasi kumakapit na lang tayo dahil sa pag-asa na bumalik siya sa dating siya, yung version ng sarili niya na nagustuhan mo, yung better version na pinakita niya noong umpisa... pero wala na eh. Nagbago na.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    7 min
  • Binuo kita pero ako ang nasira | Ep. 27

    Dahil sa kagustuhan mong maging masaya siya, (kasi nga mahal mo siya), alam mo na isa sa mga paraan para maging okay siya ay tinutulungan mo siya sa healing process niya pero hindi madali yun ha. Marami kang kailangang ibigay - oras, pag-iintindi, pasensiya, sarili, at minsan pa nga pera. Alam mo yung sa kagustuhan mong maging buo siya, kumukuha ka ng parte ng pagkatao mo para mapunan yung kulang sa buhay niya not knowing na sa pagbibigay mo ng mga bagay na yon, ay unti-unti ka nang nauubos.


    Join this group: Kwentuhan with Marcelo

    Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    9 min
  • Gaano ba kaimportante ang closure? | Ep. 26

    Hindi ko masasabi kung kailan ka magiging okay pero siguro, baka kailangan mo ng closure para matanggap ang mga nangyari noon para ma-let go mo na at umusad ka na ngayon. Hindi agad-agad. Pero kapag unti-unti mo nang natatanggap at tinatanggap, dahan-dahan na ring gagaling ng puso mo.

    Join Kwentuhan with Marcelo

    Follow this page and send your message to HUGOT MARCELO PODCAST

    7 min
  • Alam mo namang walang kayo pero... | Ep. 25

    Okay ka na diyan e. Okay ka nang kasama siya. Masaya ka nang nakikita siyang nakatawa. Wala na, nasanay ka na. Pero alam mo naman sa sarili mo na walang kayo. Walang ikaw. Walang siya. Walang kayong dalawa. Wala naman talagang sigurado.


    Join Kwentuhan with Marcelo

    Follow this page and send your message to Hugot Marcelo Podcast Facebook Page


    7 min

About Hugot Marcelo

From the publisher's feed

Iniwan, nasaktan, pinagpalit, pinaasa. Lahat ng bigat sa puso mo, lahat ng dinadala mo, lahat ng nangyari sa nakaraan mo pag-usapan natin, gusto mo? Sasamahan kita sa healing process mo. Pag-uusapan…