
Sign up to save your podcasts
Or


Masasabi mong tama na kapag walang wala ka na. Pero sana, wag mo namang paabutin sa puntong magigising ka na lang kapag wala ka nang makapitan, na wala nang natira sa buhay mo. Pero at the end of the day, desisyon mo pa rin yan. It's up to you kung may ipanlalaban ka pa o kung kailan masasabi mong tama na. Ano man ang mapili mong desisyon, lagi mong iisipin na mahalaga ka, na dapat kang mahalin, na dapat kang pahalagahan.
Join Kwentuhan with Marcelo
Follow this page and send your message to Hugot Marcelo Podcast Facebook Page
Dito ako naniniwala, na kayang madaan sa maayos na usapan ang kung ano man ang hindi pagkakaunawaan. Minsan kasi, choice na lang nating hindi i-confront yung issue kasi natatakot tayong magmukhang mali. Alam mo yung ayaw mong masaktan yung pride mo kaya pinili mo na lang na wag na lang pag-usapan yung issue na mayroon sa inyo.
Join Kwentuhan with Marcelo
Follow Hugot Marcelo Podcast Facebook Page
Mahirap magmahal ng taong hindi open sa pagbabago, na kahit ibigay mo ang lahat - pagkakataon para magbago, pagpapatawad sa mga kamaliang nagawa, pag-intindi at pakikinig, mapapagod ka lang kasi bale wala lang ang lahat. Siya lang ang laging tama. Sarili lang niya ang naririnig niya. Hindi mo deserve yun. Nakakapagod yun. Nakakaubos.
Join Kwentuhan with Marcelo
Send your love problems to Hugot Marcelo Podcast
Hindi madali ang matigil yung lahat ng nakasanayan. Alam mo yung wala kang gana sa lahat - sa trabaho mo, o sa pag-aaral mo, sa career, sa sarili, sa pag-ibig. Yung lahat naapektuhan na kasi napakaraming nangyari. Yung ginawa mo naman yung best mo pero wala pa rin. Yung nagmahal ka lang naman pero nakuha ka pa ring saktan. Yung nagpursige ka lang sa mga bagay na mahalaga sa'yo pero di nila maintindihan.
Tapos sasabihan pa nila tayo ng "magmove on ka na kasi," na "arte mo lang yan," na "nasa isip lang yan." pero hindi eh. Kung ganon lang kasi talaga kadali ang makalimot at magheal, edi sana ginawa mo na pero hindi eh.
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Pero bakit kaya kapag ginawa mo naman ang lahat, naging open ka naman sa kanya, yung nagspend ka ng oras para mas makilala ang tao na yun, bakit one day, gigising ka na lang na wala na siya, na ayaw na niya, na friends lang daw kayo? Yun bang naudlot yung mga nabuong feelings mo sa kanya na inaasahan mong tutuloy sa next level ng relationship niyo?
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Isang pagsisinungaling lang, bitaw na. Isang masakit na salita lang ang nasabi sa'yo dahil sa galit, alis na. Isang beses na pagkakamali sa mga desisyon, i-break na agad. Yan ang paniniwala ko noon. Pero sa paglipas ng panahon, doon ko narerealize na wala naman talagang perpektong tao. Walang perpektong boyfriend o girlfriend. Walang perpektong relationship.
Join Kwentuhan with Marcelo
Isa sa mga rason kung bakit apektado ka pa rin kapag nakikita siya o naaalala siya kasi after ng lahat ng nangyari sa inyong dalawa, parang hindi siya affected sa hiwalayan ninyo. Alam mo yung parang hindi siya nasaktan. Parang ikaw lang yung nakaramdam ng pain noong naghiwalay kayo at kahit hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip mo yung thought na parang ikaw lang yung tunay na nagmahal sa relationship ninyo, tapos para sa kanya, wala lang.
Join Kwentuhan with Marcelo
Gawin mo yung mga makapagpapasaya sa'yo kahit ikaw lang mag isa. I-remind mo yung sarili mo, na kaya mo namang magpatuloy kahit wala na siya. Na gamitin mo yung happiness and peace of mind sa mga bagong bagay o experience na magagawa mo kasi dahil don, you are not just discovering new things, you also rediscovering yourself.
Join Kwentuhan with Marcelo
Ano ba yung dapat gawin kapag after ng matagal na panahon, kung kailan okay ka na, kung kailan masaya ka na, biglang makakatanggap ka ng notification mula sa taong matagal mo nang kinalimutan tapos ang bungad niya, kumusta?
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit ba may mga taong aalis sa buhay natin, iiwanan tayo sa ere at kapag nasa payapang kalagayan na tayo, doon pa sila magpaparamdam ulit?
Join this group: Kwentuhan with Marcelo
Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
From the publisher's feed