Hugot Radio Podcast

Hugot Radio Podcast

Download on the App Store

Hugot Radio Podcast episodes

  • Best Gift Sa Pasko

    HUGs, I have a plan, gusto mo sumama?

    Padala tayo tabang o tulong sa mga nasalanta ni Odette.

    Tara let's help! Any amount will be much appreciated. Lahat ng malilikom natin, 100% goes to our friends sa Visayas.

    We will use my personal GCash. Please send the screenshot sa page ng HR para ma-docu at ma-recognize natin.

    SUBJECT: Odette   >>> Ito po ilagay sa first part ng message mo.

    Once na makalikom na tayo ng sapat, ipapadala natin ito thru our Media partner. Lahat ng pangalan ay i-publish ko sa susunod nating Live session sa YT (if you are willing na maisama).

    Tara na! Let's share our blessings!

    Remember...

    The generous will themselves be blessed,

    for they share their food with the poor.  Proverbs 22:9

    No pressure, kung ano ang nasa puso mo. Huwag po magbigay kung may iniisip ka na kapalit. Okie?

    You must each decide in your heart how much to give. And don’t give reluctantly or in response to pressure. “For God loves a person who gives cheerfully.”  2 Corinthians 9:7

    Scan the GCASH QR CODE posted sa HR page on FB. 

    1 hr 6 min
  • Who is my Neighbor?

    Alamin kung sino nga ba talaga ang kapitbahay mo. Ang kapitbahay ay hindi lang naka-classify between nakakainis at hindi nakakainis. Merong 6 na iba’t ibang klase ng kapitbahay na pwede kang magkaroon. Well unless nakatira ka in the middle of nowhere o kaya sa disyerto, you can’t escape your neighbors. Kaya naman let’s look sa mga possible kapit-neighbor na pwede mong ma-encounter.

    44 min
  • How to be Assertive

    Sa pagiging assertive, you would know how to defend yourself in a way na hindi rin naman nakakatapak ng ibang tao. Dapat marunong kang mag-express ng thoughts, emotions, and stance mo nang kalmado at hindi sumisigaw. That is assertiveness. Kapag assertive ka, it shows that you respect yourself. Kasi alam mo kung ano ang deserve mong makuha, at hindi ka mananahimik na lang habang kinukuha ang dapat na sa’yo. Willing kang manindigan sa tingin mong tama at i-express ang sarili mo. Ibig sabihin din nito, aware ka sa rights ng iba, kaya kahit na parang nagka-clash ang opinions ninyo at nagkakainitan na, you would refrain yourself na magbuga ng apoy sa taong kausap mo. Dahil nga nire-respeto mo siya. This also means na ready kang ayusin kung ano man ang conflict.

    40 min
  • How To Become A Better Listener

    Isa sa mga bagay na enjoy na enjoy nating gawin bago dumating ang pandemic ay makipag-chikahan. Kung estudyante ka, kapag class break, nakikidayo ka pa sa dulo ng classroom niyo para lang makipag-kuwentuhan. Minsan nga nakikipag-exchange ka pa ng upuan para makipag-chikahan kayo ng bestfriend mo. Kung working ka naman, nagkakaroon siguro kayo ng coffee break habang nag-uusap sa kung gaano pa katagal bago magsi-uwian. Nandyan din ‘yung gala with friends tapos magsisi-tawanan habang kumakain sa Mcdo or Jollibee. At sa bawat chikahan or conversation, may iba’t ibang types ng kausap. Alamin ang mga ito sa podcast na ito at paano nga ba maging good listener?

    45 min
  • Ganito ang Ginagawa ng Malaya sa Sakit

    Welcome back hugs! Nasa finale na tayo ng ating series para sa mga heartbroken.  Naranasan mo na bang maging grounded sa kwarto for one whole week? Walang labas-labas, talagang sa loob ka lang 24/7. Kung hindi naman, dumating ka na ba sa puntong gusto mong makamove-on pero kahit anong pilit mo, kahit anong advice pa ang sabihin ng iba, hindi mo talaga kaya? Kasi kung oo, katumbas na rin nyan yung pagiging grounded nang isang buong linggo – actually mas malala pa nga.  Pareho kang hindi malaya. Ang kaso lang kasi, ‘yung pagkakakulong sa loob, alam mong may katapusan eh. Nagbibilang ka ng mga araw pero alam mong may hangganan. Sure ka kung kailan magtatapos, pero ang pagmomove on? Hindi mo alam kung kailan ba talaga mangyayari.  Araw-araw mong gustong “makalaya” sa sakit, mabigyang sagot ang mga tanong. Gustong-gusto mong makamove on pero hindi mo magawa. Lalo na kapag hindi ka makausad kasi hinihintay mo ‘yung “closure” na ibibigay ng kabilang side. ‘Yung parang kapag nagti-take ka ng exam, may timer. Hindi ka naman habangbuhay na sasagot. May signal or hudyat na tapos na. Kapag narinig mo na ‘yung bell o ‘yung sigaw ng teacher, finished or not, pass your papers. Kaya nga mahirap kapag walang closure sa isang break-up. Hindi mo masabing tapos na kasi walang final event na nangyari, pero hindi mo rin masabing meron pa kasi iniwan ka na nga sa ere. Ito kasi ang sakit ng maraming lalaki. Dahil hindi marunong mag-express ng feelings nila verbally, nang-iiwan na lang sa ere tapos mage-expect na gets na ng babae ‘yun. Ginagawa pang imbestigador ang mga girls at hinahayaang mag-decipher ng kung ano mang gustong iparating ni guy. Kaya kung ikaw, matagal ka nang hindi pinapansin, walang efforts na makipag-communicate sa’yo, girl ito na ang sign – mag-move on ka na. Maging fair ka sa sarili mo. Sabi nga ni Angelica Panganiban, minsan ‘yung hindi pagkakaroon ng closure, ‘yun na mismo ang closure na hinihintay mo. ‘Wag mong hayaang makulong ka sa ganiyang sitwasyon.

    33 min

About Hugot Radio Podcast

From the publisher's feed

Hugot Radio: Your go-to Filipino Podcast on Love and Life, crowned with the People's Choice Award! As pioneers in heartfelt storytelling, we inspire those with broken hearts to rediscover life.…