Hugot Radio Podcast

Hugot Radio Podcast

Download on the App Store

Hugot Radio Podcast episodes

  • Paano Ba Mag Move On Sa Taong Mahal Mo

    “It’s not you, it’s me.” “Nakakapagod ka nang mahalin.” “I need space.” Nasabihan ka na ba ng mga linyahang ito? O kaya it’s the other way around at ikaw ang nagsabi? Either way, masakit sabihin at mas lalong masakit masabihan ng mga linyang ito. After ng breakup, habang sinusubukan mo pang mag-recover sa sakit, sa gulat, ini-expect ng iba na okay ka na, na naka-move on ka na. Pero aminin mo man o hindi, there is a little hope sa puso mo – umaasa ka na magkakabalikan pa kayo. Pero what if desidido na talaga siya at wala nang balak na balikan ka? Ano na ang gagawin mo?  Diyan magfofocus ang ating series ngayon. Tapos na tayo sa “Single series”. Ngayon naman, magku-kuwentuhan tayo tungkol sa masakit na proseso mula pagbi-break-up hanggang sa pagmo-move on. Kung lugmok ka ngayon dahil sa hiwalayan ninyo, hindi mo alam kung saan ka magsisimula, let this be your start. Kahit na nawala ‘yung taong akala mong kasama mo habangbuhay, may paraan pa para maka-recover ka sa sakit at makapag-move on.  Pero before we continue, this episode, maging ang susunod pang mga episode sa “Moving on” series na ito, ay inspired by Pastor Ronald Molmisa’s book. Kung last time ay Singles Edition, ngayon naman ay ‘yung Lovestruck: Sakit No More Edition. Through this book, tatahakin mo ang landas patungo sa paghilom ng puso. Ito ay ‘yung pantanggal ng mga “ouch” moments ng post-breakup life. Pampahupa, pampakalma. This is the time to make things better. Hopefully, after ng series na ito ay mawala na talaga ang sakit sa puso mo. If you’re interested sa librong ito, you can avail it sa Philippine Christian Book store or PCBS. Also, we would like to thank our partner – PCBS Legazpi branch, which is our partner here on Hugot Radio.   So, ready ka na ba sa road towards moving on? Ang kalungkutan, dinadaanan lang hindi tinatambayan. Sadness should never define who you are. Kaya let’s start and lagyan na natin ng deadline yan sa tulong ni Lord.  Mabilis na Paraan ng Pag-move On | Paano Mag Move On Ng Mabilis   WATCH THIS https://youtu.be/E9QzcFxAZQk

    Social Media  

    Facebook: https://www.facebook.com/hugotradioph 

    Instagram: https://www.instagram.com/hugotradio/ 

    Get this FREE app now!  http://bit.ly/HugotRadioApp 

    Donate here: https://www.paypal.me/redwalkboy

    38 min
  • Paano Magkaroon ng Jowa (Part 2)
    Welcome back sa ating “Single series” – ang series para sa mga single. Today, pag-uusapan natin ang part two ng tips sa pagkakaroon ng lovelife. Kung last time, inisa-isa natin ‘yung mga ugali na dapat mong i-expect from your future partner, ngayon naman ay tutumbukin na talaga natin ang mga dapat mong gawin para makaalis ka na sa “title” ng pagiging single.
    Ready ka na ba? Pero before we go on, i-acknowledge muna natin ang ating partner – ang PCBS or Philippine Christian Bookstore Legazpi. If you want to read more tips all about sa buhay single, I suggest na basahin mo ang libro ni Pastor Ronald Molmisa – Lovestruck: Singles Edition, which is available sa lahat ng PCBS branches nationwide. Ang book din na ito ang pinagkuhanan natin ng inspiration sa episode natin ngayong araw.
    Hindi na natin patatagalin pa, simulan na natin ang pag-identify sa tips kung paano ba magkaka-attract ng partner.
    38 min
  • Tips Para Maka-attract Ng Partner

    Welcome or welcome back sa ating “Single” series. Tapos na tayo sa kung paano ba maging better single, at nasagot na rin natin ang tanong kung okay lang bang makipag-MU. Na-curious ka ba at gusto mong mapakinggan ang ating previous episodes? You can check them out sa ating Youtube channel and on Spotify at Hugot Radio.

    Pressured ka na bang makahanap ng partner? Dahil sa edad mo, dahil malapit ka nang mapag-iwanan ng huling byahe or baka dahil sadyang pini-pressure ka ng lahat ng tao sa paligid mo? ‘Yung sa bawat pagkikita niyo, ang laging bungad sa’yo – kailan ka magjojowa? Kailan ka mag-aasawa? Kung ganyan ang nae-experience mo ngayon, worry no more dahil for today’s episode, magkakaroon ka ng idea kung paano nga ba mapapataas ang chance na makahanap ka ng partner. 


    Pero bago ang lahat, this episode, maging ang two previous episodes natin ay inspired ng content ng libro ni Pastor Ronald Molmisa – “Lovestruck: Singles Edition”. Base na rin sa title, perfect siya sa mga single dyan ngayon. Kaya kung member ka ng singles club, check mo na ang librong ito sa Philippine Christian Bookstore or PCBS near you. Para sa mga taga-Bicol, especially Legazpi na nakikinig, you can visit their store at Ground Floor, King's Commercial Building, Rizal corner Penaranda Streets, Legazpi City, Albay.


    Alam kong naiinip ka nang malaman ang tips para magkaroon ng partner kaya naman let’s start!



    Ronaldo on Social Media


    Facebook: https://www.facebook.com/hugotradioph


    Instagram: https://www.instagram.com/hugotradio/


    Twitter: https://twitter.com/hugotradioph


    Listen on Spotify  https://open.spotify.com/show/24uMTkm...


    Listen to Hugot Music 24/7  Get this FREE app now! 

    http://bit.ly/HugotRadioApp


    Donate here: https://www.paypal.me/redwalkboy

    57 min
  • Mutual Understanding Relationship, Okay Kaya?

    Alam mo bang hindi lang face shields at face masks ang naging uso ngayong quarantine? Meron pang isa – quaranfling. Kung hindi ka familiar sa “quaranfling”, ito ‘yung ginagawang temporary na kalandian ng marami ngayong quarantine. At saan ang punta nila para makahanap ng quaranfling? Syempre sa online dating sites. Dahil nga nag-iba na ang set-up natin, nag-iba na rin ang pamamaraan ng paghanap ng iba ng magpapakilig sa kanila. Hindi na pwedeng maki-meet up sa labas, kaya through online na lang. Nandyan ang Omegle, which is sikat na sikat ngayon sa online dating community, profoundly, near group at marami pang iba. Ang goal ng mga gumagamit? Isa lang – ang kiligin, and hopefully, makahanap ng para sa kanila. Kaso madalas kaysa hindi, hindi naman kilig ang nahahanap. Most of the time, these online dating sites are only predators na naghahanap ng mabibiktima nila para ma-satisfy ang tawag ng laman. Walang love, only lust. Kaya nga 1 out of 100 lang ang scale ng nagkakatuluyan talaga gamit ang dating sites.

    Kaya nga be warned. Mahirap talagang magkaroon ng relasyon na through chat or video call lang. Akala mo maginoo siya pero bastos pala. Kinukuha lang yung loob mo para mapasunod ka sa gusto niya. Uso rin yung pag-manipulate ng sagot sa mga match-making websites. Iba pala yung ini-imagine mong kausap mo sa tunay na siya.

    1 hr
  • Single Ka Ba? | How to be a Better Single

    Single ako ngayon. Paano maging masaya kahit single? Pagod ka na bang sumagot sa tanong na, “Oh iha, bakit wala ka pang boyfriend?” O kaya naman, “Kailan mo ba balak mag-asawa?” Bakit ba kapag may family gatherings at nalaman ng relatives mo na wala ka pang jowa at single ka, minamadali kang pumasok sa isang relasyon? Parang nakagawa ka ng kasalanan kapag single ka. Para bang sakit ang pagiging single na kailangang gamutin. Lalo na kapag nasa mid-20’s ka na, mas lalong nandyan yung pressure na makapaghanap ng partner. Pero actually this is true. Hindi yung pagiging single ay sakit ha, kundi yung pressure na dala ng age when it comes to dating and relationships. Meron kasing tinatawag na imaginary magic age, such as 18 or 21, na kapag tumuntong ka na sa edad na ito, kailangang meron ka nang significant other. If we follow this logic, dapat by the age of 25, either may engaged ka na at on the way na sa kasalan, o kaya, pamilyadong tao ka na. Kaya ang ending, pressured ang mga single kapag na-reach na nila ang 20’s pero parang wala pa ring signs ng pagdating ni “the one”. Ayaw nilang mapag-iwanan ng tren.  Kaya ikaw, sigurado minsan natanong mo na rin sa sarili mo, “Is it better to be single?” Or dapat na ba akong maghanap ng magiging katuwang ko sa future? Well, depende sa iyong time and season. Sabi nga diba sa Bible, there is a time for everything. Pero if there’s one thing I am sure of, kailanman ay hindi magiging tamang reason ang “pressure”, para maging on the hunt ka sa future partner mo. Kaya maraming nagkakamali eh. Maraming broken families. Dahil hindi naman out of pure intention, of pure liking na magkaroon ng pamilya ang pagpapakasal. Na-pressure lang pala ng pamilya. Kaya naman ikaw, single, na nakikinig, kung pinag-iisipan mong replyan yang nagpaparamdam sa’yo, i-chat yung ex mo, o kaya mag-try ng dating sites in search of “the one”, I tell you, wag. Umupo ka muna dyan, kumuha ka ng makakain o maiinom, o kung wala naman, invite ka na lang din ng iba pang single dyan. Dahil for today, babaguhin natin ang tanong. Hindi na, “Is it better to be single?” kundi “How can I be a better single?”

    46 min
  • Keep it Private but not a Secret

    Na-experience mo na bang sa bawat pagbukas mo ng Facebook, mayroon talagang isang mag-jowa na sumasakop ng news feed mo? That one couple na kung makapag-post ng pictures nila, parang wala nang bukas? Yung tipong hindi ka naman humihingi sa kanila ng updates, pero lagi kang updated sa relationship nila? Kaya naman nung wala nang lovey-dovey pictures pagbukas mo ng Facebook, mapapasabi ka na lang, “ah, alam na.” Minsan pa nga gusto mong sabihin yung linyahan ni Piolo Pascual na, “I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason!” Kasi naging witness ka na’t lahat-lahat sa relationship nila, tapos biglang wala na. Na-experience mo na ba ‘yung ganito? For sure, meron na. Baka nga ngayon ay may mag-jowa ka nang naiisip.

    47 min
  • How to Deal with Rejection?

    Ang rejection, hindi lang siya about sa studies, sa job opportunities, kundi pati rin sa friendships, relationships, and lie in general. So ngayong alam mo nang parte ng mabuhay ang rejection, ano nga ba yung mga paraan para ma-handle mo ito?

    53 min
  • Bakit Okay Lang Maging Single?

    Single ka pa ba? Nagwoworry ka ba dahil wala ka pang jowa o asawa? Bakit ayus lang na maging single at walang asawa? Pakinggan mo ang tip na ito.  1 Corinthians 7


    Ronaldo on Social Media  

    Facebook: https://www.facebook.com/hugotradioph 

    Instagram: https://www.instagram.com/hugotradio/ 

    Twitter: https://twitter.com/hugotradioph 

    Listen on Spotify  https://open.spotify.com/show/24uMTkmK7t6muj1DVGh1TY 

    Listen to Hugot Music 24/7  Get this FREE app now!  http://bit.ly/HugotRadioApp 

    Donate here: https://www.paypal.me/redwalkboy

    19 min

About Hugot Radio Podcast

From the publisher's feed

Hugot Radio: Your go-to Filipino Podcast on Love and Life, crowned with the People's Choice Award! As pioneers in heartfelt storytelling, we inspire those with broken hearts to rediscover life.…