
Sign up to save your podcasts
Or


Hulyo nitong nakaraang taon nang ibahagi online ni Glaiza De Castro ang pagpanaw ng kanyang ama. Sa unang pagkakataon ay emosyonal na ikinuwento ng aktres kay Kara David ang pinagdaanan na sakit ng ama at kung paano niya tinanggap ang pagpanaw nito habang siya’y nasa ibang bansa.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Taong 2007 nang unang makilala ni Kara David si Lily Ambrosio para sa dokumentaryo ng ‘I-Witness’ na ‘Sa Mga Mata ni Ekang.’ Tatlong taong gulang pa lamang noon si Lily o ‘Ekang’ kung tawagin, nang mamulat siya sa mundo ng ipinagbabawal gamot dahil sa ina niyang runner ng droga. Ang bahay nila ay nagsilbing tambayan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Pinatay ang kanyang ina sa loob ng bahay nila habang natutulog noon sina Ekang.
Makalipas ang halos dalawang dekada, kumusta na nga ba ang mundo sa mga mata ni Ekang?
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage!
Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawnd Concert,' ibabahagi ni SexBomb Rochelle Pangilinan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer.
Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito.
Ang hugot sa bawat pag-arte at pagpapatawa ni Pokwang, pakinggan sa “i-Listen with Kara David.”
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan.
Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan.
Pakinggan ang matapang niyang pakikipaglaban sa 'i-Listen with Kara David.'
Para sa mga nais tumulong kay Marites, maaaring magdeposito sa:
BANK: BPI Banko Account
ACCOUNT NAME: JEANNE MARIE VALENCIA ODARBE
ACCOUNT NUMBER: 1800 3127 7939
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mula Cagayan de Oro, dala ang kanyang gitara, notebook at lakas ng loob, nakipagsapalaran ang singer-songwriter na si TJ Monterde sa Maynila. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, churchmate at kalaunan ay naging longtime guitarist niyang si Makoy Portado, sa isang maliit na apartment sa Mandaluyong ay nagsimula silang mangarap na marinig ng marami ang kanilang musika.
Ang kuwento sa likod ng musika ni TJ, pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Limang taong gulang si Bianca Umali nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at 10 taong gulang naman siya nang mamatay ang ama sa heart attack.
Kaya naman ang nagsilbing magulang ni Bianca… ang kanyang Lola Vicky! Pero sa edad na 16, bakit nga ba pinili ni Bianca na humiwalay na sa kanyang lola at maging independent?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
ISANG TAON MATAPOS MAITALAGA BILANG DPWH SECRETARY, KUMUSTA NA SI DPWH SEC. VINCE DIZON? NGAYONG LUBOG NA NAMAN SA BAHA ANG ILANG PROBINSYA, ANO ANG NAKIKITA NIYANG SOLUSYON PARA MATUGUNAN ANG MGA PROBLEMA SA BAHA?
Sa mga nagdaang araw, maraming lugar sa bansa ang muling nakaranas ng matinding pagbaha dahil sa habagat. Ano ang nakikita ni Sec. Dizon na solusyon sa matagal nang problema sa baha?
Sa panayam niya kay Jessica Soho, ibinahagi niya ang mga hakbang ng ahensya para matugunan ang pagbaha sa mga komunidad.
Ngayong malaki rin ang nakalaang pondo para sa flood control projects sa 2027, magkakaroon na ba ng mas komprehensibong plano ang DPWH para matugunan ang problema sa baha?
Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Paul Gangcuangco Pili dahil nakapiit sa Women’s Correctional ang kanyang Nanay Aleth at Lola Naty.
Ano nga ba ang buhay ng isang batang lumaki sa loob ng kulungan, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at napaliligiran ng mga PDL o person deprived of liberty at ng mga jail guard?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
From the publisher's feed
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for…