
Sign up to save your podcasts
Or


ILANG MGA IRANIAN NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS, NAKAPANAYAM NI JESSICA SOHO! SA PANAYAM, IBINAHAGI NILA NA HINDI RAW SILA NANINIWALA SA KANILANG GOBYERNO AT SA MGA VIDEO NA INILALABAS NITO. BAKIT?
Sa pagpapatuloy ng gulo sa Middle East bunsod ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, kinumusta ni Jessica Soho ang ilang Iranians na naninirahan sa Pilipinas. Sa kanyang panayam, ibinahagi nila na hindi raw nila pinagkakatiwalaan ang kanilang gobyerno, ang state-owned media at maging ang video na nilalabas ng mga ito.
Panoorin ang video. #KMJS
Mula face masks, mani hanggang scrunchies o panali sa buhok -- lahat ng iyan ay naitinda na ni Tatay Ronnie sa kalsada para kumita. At sa pagiging street vendor niya ng mahigit 15 taon, napagtapos ang kanyang anim na anak sa pag-aaral!
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro.
Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng lote!
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
SONNY TRILLANES, HINARAP ANG ALEGASYON NA NAKATANGGAP DAW SIYA NG PERA MULA KAY ZALDY CO UPANG BAYARAN ANG ICC O INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NA SIYANG MAY HAWAK SA KASO NG EXTRA-JUDICIAL KILLINGS NI DATING PANG. RODRIGO DUTERTE
Sa pagsisimula ng pre-trial ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, 18 ex-marines ang umaming naging taga-deliver umano sila ni dating Rep. Zaldy Co ng male-maletang pera sa mga pulitiko. Isa sa mga pulitikong tinutukoy nila… si Former Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV!
Dahil sa alegasyon, nagbigay ng pahayag sa #KMJS ang dating senator. Ano kaya ang kanyang masasabi na diumano'y isa siya sa mga nakatanggap ng pera mula sa dating kongresista at ginamit niya ito umano sa pagbabayad sa ICC upang imbestigahan ang extra-judicial killings ni dating Pang. Rodrigo Duterte?
Ang buong pahayag, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
MGA RETIRADONG MARINO, ISINIWALAT ANG KANILANG DIUMANO PAGTATRABAHO AT PAGHAHATID NG MALE-MALETANG PERA KAY DATING REP. ZALDY CO NA SIYANG ISA SA MGA SANGKOT UMANO SA KATIWALAAN SA FLOOD CONTROL PRJECTS
Sa gitna ng pre-trial ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, 18 dating miyembro ng Philippine Marines ang lumapit sa media at isiniwalat ang kanilang diumano’y pagtatrabaho kay dating Rep. Zaldy Co. Ang kanilang serbisyo sa dating kongresista… paghahatid ng male-maletang pera na kung tawagin nila ay “basura”.
Sa kanilang panayam sa #KMJS, ibinahagi rin nila ang kanilang nalalaman patungkol sa diumano’y koneksyon sa dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV sa mga perang ipinapadala sa dating kongresista. Sino-sino nga rin ba ang iba pang mga politiko na maaring sangkot rito?
At, totoo nga bang DDS o Diehard Duterte Supporter sila? Ang buong panayam, mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa kanyang anti-drug campaign noon, pinag-usapan nina Fr. Flaviano at Kara David ang naging adbokasiya ni Fr. Flaviano na tulungang maghilom ang pamilya ng mga biktima ng EJK
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon.
Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito.
Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
From the publisher's feed
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for…