
Sign up to save your podcasts
Or


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
CARLA ABELLANA, IKINASAL SA KANYANG HIGH SCHOOL SWEETHEART MATAPOS ANG 20 TAONG HINDI NILA PAGKIKIKITA. PAANO NGA BA MULING NABUHAY ANG KANILANG PAG-IIBIGAN?
20 taon na ang nakalipas nang maghiwalay ang aktres na si Carla Abellana at ang kanyang high school sweetheart. Pero nitong Disyembre, nagulat ang lahat sa balitang ikinasal si Carla kay Dr. Reginald Santos.
Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng aktress kung paano nga ba muling nabuhay ang kanilang pag-iibigan!
CONG. EDGAR ERICE, BAKIT TINAWAG NA ‘BIGGEST, GRANDEST HEIST’ ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS SA 2026 BUDGET?
Kamakailan, pinirmahan na ni Pangulong Marcos ang 6.7 trillion pesos na National Budget para sa taong 2026. Ngunit ang ilang grupo at kongresista, umalma lalo na sa usapin ng unprogrammed appropriations na inuugnay sa korapsyon at pagkaantala ng ilang proyektong magbibigay serbisyo sana sa Pilipino.
Sa panayam ni Jessica Soho kay Rep. Edgar Erice, ibinunyag ni Erice ang kanyang mga nalalaman patungkol sa pagkakahati-hati ng 2026 National Budget.
Paano nga rin ba nakaapekto ang mga nagdaang anomalya sa gobyerno sa pagkaantala ng ilang proyekto sa bansa?
Good vibes ang hatid ng komedyanteng si Chariz Solomon sa kanyang witty humor at nakakatuwang skits at banat. Pero sa likod ng kanyang mga tawa ay isang malungkot na kuwento mula sa kanyang childhood.
Sa unang pagkakataon, matapang na ibinahagi ni Chariz Solomon ang naranasang pang-aabuso at hirap kay Kara David.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
CONG. LEANDRO LEVISTE, ISINIWALAT ANG KANYANG NALALAMAN TUNGKOL SA 'CABRAL FILES' AT SA MILYON-MILYONG NATATANGGAP NG MGA MAMBABATAS KADA TAON
Sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, umugong ang balita na mayroon siyang hawak umanong mga sensitibong impormasyong patungkol sa mga kumita sa flood control projects. Sa panayam ni Jessica Soho kay Batangas 1st District na si Cong. Leandro Leviste, ibinahagi ng mambabatas ang kanyang mga nadiskubre patungkol dito kabilang na ang umano'y anomalya sa 700 billion pesos na National Expenditure Program o panukalang budget ng DPWH sa buong bansa.
Samantala, ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng kongreso para sa taong 2026, umabot na daw sa 18 billion pesos mula sa 10 billion pesos na halaga nito noong 2025! Mayroon nga bang nakukuhang kickback ang ilang mga mambabatas dito sa mga nakalipas na taon?
Ang buong panayam kay Cong. Leandro Leviste, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho podcast.
Paalala - Sensitibo ang paksa. Maging disente sa pagkomento.
Sa edad na 18 ay na-diagnose ang content creator na si Lorenz Edilbert Olleres ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV. Dahil sa limitadong HIV education, nakatanggap si Lorenz ng panghuhusga mula sa kanyang pamilya maging ng diskriminasyon sa trabaho noon.
Ngayon, 12 taon nang undetectable ang virus sa kanyang katawan at isa nang HIV advocate si Lorenz Edilbert Olleres.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kabilang ang CrossFit athlete na si Lara Liwanag sa mga buong tapang na lumaban para sa Team Philippines sa Netflix reality competition na Physical: Asia. Dahil sa ipinamalas niyang lakas at diskarte, binansagan siya ng mga netizen bilang “Clutch Queen.”
Paano nga ba nila napatumba ang bodybuilders at kapwa CrossFit athlete? At ano-ano nga ba ang nagbago sa buhay ni Lara pagkatapos mapabilang sa competition na ito?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan.
Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program.
Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho?
Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Alam n’yo bang 18 taon nang sumasali si Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo sa beauty pageants? At sa edad na 10, nakamit na si Ahtisa ang una niyang korona sa isang school beauty competition!
Ang kanyang pinaghugutan ng lakas at pinagdaanang hirap, matapang niyang ibabahagi kay Kara David.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Wala raw naramdamang lukso ng dugo si Wilma Doesnt sa kanyang tunay na magulang nang makilala niya ang mga ito. Pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya naramdaman na hindi siya tunay na anak ng kanyang foster parents.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
From the publisher's feed
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for…