
Sign up to save your podcasts
Or


KOMEDYANTENG SI ATE GAY, MAS NANINIWALA NA RAW NGAYON NA MAYROONG HIMALA DAHIL SA PAG-IMPIS NG KANYANG BUKOL SA LEEG NA DULOT NG STAGE 4 CANCER
Ang komedyanteng si Ate Gay, ibinahagi kamakailan na mayroon siyang stage 4 cancer. Sa kanyang pagbahagi ng kuwento sa #KMJS, napakaraming anghel raw ang tumulong sa kanya upang malabanan niya ang kanyang sakit. Katunayan, ang 10cm na bukol sa kanyang leeg, unti-unti nang umimpis.
May true love sa online dating app — ‘yan ang pinatunayan ni Mav Gonzales nang mahanap na niya ang kanyang ‘The One’ sa pag-swipe right niya! Ano-ano nga ba ang hinahanap ni Mav sa isang lalaki? At paano niya nalaman na nahanap na niya ang 'The One’?
00:00 INTRODUCTION
02:07 SINGLE SA VALENTINES? NO PROBLEM
05:11 SUMACCESS SA DATING APP
05:24 8 TIPS PAANO GALINGAN MAGING SINGLE
23:25 THE PROPOSAL
26:56 GREEN FLAG
29:51 MAY FOREVER
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
AKBAYAN REPRESENTATIVE CHEL DIOKNO, ISINIWALAT KUNG SAAN POSIBLENG NAPUPUNTA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS FUND
Aprubado na ng Kamara ang 6.7 trilyong pisong panukalang 2026 National Budget.
287 ang bumoto na sumang-ayon sa panukalang ito habang 12 ang bumotong ‘no,’ kanilang na si Akbayan Rep. Chel Diokno.
Ang isa sa sinabi niyang dahilan ay ang 243 billion na halagang inilaan para sa unprogrammed appropriation funds. Bakit nga ba siya tutol dito? Saan ba dapat napupunta ang perang ito?
At ngayong mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang buksan ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ang tanong ng mga tao— bakit tila wala pa ring napapanagot?
Ang simpleng inuman kasama ang kanyang mga kaibigan, nauwi sa isang mapait na karanasan para sa noo’y 18-anyos na si Phoebe Fructuoso. Tatlo sa mga taong pinagkatiwalaan niya at itinuring na mga kaibigan ang pinagsamantalahan siya nang malasing ito.
Paano nga ba nahanap ni Phoebe ang boses at tapang matapos ang kanyang pinagdaanan?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
DATING SEN. GRINGO HONASAN, NA MINSAN NANG SINUBUKANG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, BAKIT SINABI NA NAKADIKIT NA SA ATING KULTURA AT SISTEMA ANG KORAPSYON?
Sa idinaos na kilos-protesta nitong Setyembre, may ilang mga retiradong heneral at opisyal ng Armed Forces of the Philippines na diumano’y kaalyado ng mga Duterte ang nanghimok sa Chief of Staff ng AFP na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon.
Ano nga ba ang masasabi rito ni Gringo Honasan na minsan ding nanguna sa ilang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Cory Aquino? Panoorin ang video.
Taong 2024 nang ma-diagnose ang senior high school teacher na si Marivic Villacampa ng Stage 4 Triple Positive Breast Cancer. Ang isa sa mga pinagkuhanan niya ng lakas …. ang mga estudyante at kapwa guro niya.
At sa kabila ng patuloy niyang paglaban sa kanser, patuloy na nagtuturo at nagbibigay inspirasyon si Teacher Marivic sa mga silid-aralan.
Ngayong National Teachers’ Month, samahan si Kara David na isa ring guro, pakinggan ang kuwento ni Teacher Marivic sa i-Listen with Kara David.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
SEN. PING LACSON, IBINUNYAG ANG NALALAMAN TUNGKOL SA ‘CONGTRACTORS’ AT MAANOMALYANG INSERTIONS SA BUDGET
Bago nagbitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nakapanayam ni Jessica Soho si Sen. Ping Lacson.
Ang mga nalalaman ni Lacson kaugnay ng insertions sa maanomalyang infrastructure projects, kanyang isiniwalat!
May nalalaman din nga ba si Pang. Bongbong Marcos sa mga insertions na ginagawa ng mga senador sa ilang budget deliberations?
Good vibes ang hatid ng content creator na si Arman Salon sa nakakaaliw niyang skits sa TikTok. Pero sa likod ng mga nakatutuwang video niya, isang seryosong Arman ang ating nakilala — isang single parent na minsang nakaranas ng pananakit dahil sa pagiging bakla.
Pakinggan ang buong kuwento ni Mother Arman sa ‘i-Listen with Kara David.’
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
VINCE DIZON, NAGSISISI BA NA NAGING KALIHIM NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS? MAYOR BENJIE MAGALONG, BAKIT NAGBITIW BILANG SPECIAL ADVISER NG ICI O INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE
DPWH SEC. VINCE DIZON, BAGUIO CITY MAYOR BENJIE MAGALONG, SINAGOT ANG MGA ALEGASYON TUNGKOL SA KANILA
Nakapanayam ni Jessica Soho si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bago siya nagbitiw sa puwesto bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure. Nakapanayam niya rin si DPWH Secretary Vince Dizon. Sa pagkakadawit ng pangalan nina Rep. Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects, ano na rin nga ba ang estado ng imbestigasyon tungkol dito?
Ang ilang isyu na kanila ring kinakaharap, sinagot nila sa #KMJS.
Sa murang edad ni Nestor Quilat, natuto siyang magnakaw, mandukot at manlilang para mabuhay. Nakulong siya sa unang pagkakataon dahil sa pagnanakaw ng itlog sa mga terminal ng bus. Nagawa niya ito para lang may panlaman tiyan siya.
Maraming beses na nakulong at nakalaya si Nestor hanggang sa isang kaso ng pandurukot ang nagpatagal sa kanya sa kulungan.
Sa loob ng piitan, paano nga ba niya nahanap ang liwanag, pag-asa at pananampalataya?
Pakinggan ‘yan sa i-Listen with Kara David
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
From the publisher's feed
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for…