
Sign up to save your podcasts
Or


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kaya ba 'to ng lola ninyo? Sa edad na 78, si Lola Rosalinda Ogsimer, nakasali na sa iba't ibang fun run — mula sa 5K, 10K hanggang sa 21K half-marathons at ultra-distance race na aabot hanggang 65 kilometro! Paano nga ba nahilig si Lola Rosalinda sa pagtakbo?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
00:00 INTRODUCTION
02:12 78-YEAR-OLD RUNNER
07:48 WINNING 8 GOLD AND 1 SILVER
12:39 ANG PAG-IBIG NI LOLA ROSALINDA
17:14 ITATAKBO NA LANG ANG LUNGKOT
19:00 RUNNING TIPS
21:27 ADVICE TO ALL LOLA AND LOLO
23:18 TAKBO LANG NG TAKBO
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
DOH SECRETARY TEODORO "TED" HERBOSA, SINAGOT ANG ISYU PATUNGKOL SA 400 OUT OF 600 HEALTH CENTERS NA HINDI UMANO NAPAPAKINABANGAN
Kamakailan, naging usap-usapan ang tungkol sa mga ipinatayong 400 out of 600 health centers na hindi umano napapakinabangan. Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng Department of Health (DOH) Secretary na si Dr. Teodoro "Ted" Herbosa ang kanyang mga nalalaman patungkol sa isyung ito.
Ang ilan sa mga nakikitang solusyon ni Dr. Herbosa upang mas maging maayos ang healthcare system ng bansa, ibinahagi niya rin sa #KMJS. Panoorin ang video.
Trigger warning: Mentions of depression
Ang boses ni Inka Magnaye na nagpapakalma sa milyon-milyong netizen, may itinatago ring takot at pagdurusa. Taong 2021 nang ma-diagnose siya ng bipolar disorder at kamakailan ay napag-alaman ding may Attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Paano nga ba niya ito nilabanan?
Pakinggan ang matapang na pagbabahagi ni Inka sa ‘i-Listen with Kara David.’
00:00 INTRODUCTION
01:19 KARA’S BIPOLAR DISORDER
01:51 QUEEN OF ASMR
05:11 GETTING DIAGNOSED WITH A MENTAL HEALTH CONDITION
12:04 GOING THROUGH STRUGGLES
15:23 SUPPORT COMMUNITY
18:05 MISCONCEPTIONS AND MYTHS ABOUT MENTAL HEALTH
30:41 YOU ARE NEVER ALONE
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
HEALTHCARE SYSTEM SA PILIPINAS, NASA ICU NA AT MALAPIT NANG MAMATAY, AYON KAY DR. TONY LEACHON. MAHIGIT P130 BILLION NA PARA SA HEALTHCARE SYSTEM NG MGA PILIPINO, KINUHA RAW NG GOBYERNO?!
Ang Internist at Cardiologist na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, kilala sa pagiging kritikal at matapang na tagapagsulong ng reporma sa sistemang pangkalusugan ng ating bansa.
Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, inisa-isa niya ang ilan sa mga isyung kinakaharap ng Kagawaran ng Kalusugan kabilang na ang tinatawag niyang ‘Undas Hospital’ o ospital na nawawala na parang kaluluwa na counterpart aniya ng flood control scandal ng DPWH.
Kung ang ating bansa ay isang pasyente, nasaan na nga ba tayo?
Bago maging isang aktres at host si Herlene Budol, iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok para kumita ng pera. Pinasok niya ang pagiging umbrella girl, waitress at labandera! Pero ni minsan ba ay nakatanggap siya ng indecent proposal?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
00:00 INTRODUCTION
01:33 WALA KAMING BACKGROUND NA MASAYA
04:31 BAWAL NA ‘KONG APIHIN NG IBA
6:10 KAHIT SAAN LUMUGAR, KULANG PA RIN
07:47 UMBRELLA GIRL
10:27 MAHIRAP MAGING MAHIRAP
13:21 PAANO SILA?
14:54 GRIEF
20:33 ANG LAKI NG NABAGO SA BUHAY DAHIL SA IBANG TAO
28:29 MENSAHE NI HARLENE SA KABATAAN
29:59 ANG PANGARAP NI HARLENE
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
ANAK NG PEOPLE’S CHAMP AT DATING SENADOR MANNY PACQUIAO NA SI EMAN PACQUIAO, IKINUWENTO ANG ILANG MAPAPAIT NA KARANASAN NG KANYANG KABATAAN BAGO PASUKIN ANG LARANGAN NG BOXING
Ang bagong mukha ng boxing at anak ng ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao na si Eman Pacquiao, nakapanayam ni Jessica Soho. Dito, ibinahagi niya ang ilang mapapait na karanasan sa kanyang buhay bago sumalang sa industriya ng boxing.
Kumusta kaya ang relasyon ni Eman sa kanyang ama?
Ang beshie beshie natin si Hana Beshie, minsan nang itinago ang pagiging drag queen sa kanyang mga magulang! Lumaki kasi siya sa kampo dahil sa pagiging sundalo ng kanyang ama.
Paano nga ba siya umamin sa kanyang magulang? At paano tinanggap ng kanyang pamilya ang pagsali niya sa drag race competition?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David!
00:00 INTRODUCTION
02:55 ANG BESHIE NG LAHAT
03:23 BUHAY NG ANAK NG SUNDALO
04:29 KASALANAN BA MAGING BADING?
06:37 AY BARBIE, SABI KO NA
08:15 A SCHEDULED COME OUT
12:44 ‘WAG MO MUNANG SABIHIN SA TATAY MO
15:34 AN OPEN SECRET
18:49 HANA BESHIE
23:49 MESSAGE NI HANA BESHY SA PARENTS
24:55 HANA BESHIE’S MESSAGE FOR HER MOM
25:59 FINDING STRENGTH IN THE COMMUNITY
28:04 ON YOUR OWN TIME, JUST FIND FREEDOM ON YOUR OWN WAY
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
KUYA KIM, EMOSYONAL NA IBINAHAGI ANG MGA ALAALA NG YUMAONG ANAK NA SI EMMAN
Nitong Oct. 24, marami ang nagulat nang ianunsyo ni Kuya Kim Atienza at ng kanyang asawa na si Felicia ang pagpanaw ng kanilang bunsong anak na si Emman.
Sa pag-uwi ng mga abo ni Emman sa Pilipinas, nakapanayam ni Jessica Soho si Kuya Kim.
Emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya at maging ang masasayang alaala niya sa kanyang bunsong anak.
Ang buong panayam, panoorin sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
Para sa mga nais kumonsulta o humingi ng tulong sa mga eksperto tungkol sa usapin sa mental health, tumawag sa mga sumusunod na hotline:
National Center for Mental Health Crisis Hotline
Smart: 0919-057-1553
Globe: 0917-899-8727
Tawag Paglaum - Centro Bisaya
0966-467-9626
0939-936-5433
0939-937-5433
Hopeline Philippines (Natasha Goulbourn Foundation)
02-8804-4673
0917-558-4673
0918-873-4673
In Touch: Crisis Line
0919-056-0709
0917-800-1123
0922-893-8944
#KMJS
FATHER EUGENE, IBINAHAGI ANG ILANG MGA NAKAKAKILABOT NA DIUMANO'Y PAGSAPI NG DEMONYO SA ISA SA MGA MAGKAKAIBIGANG NAGLARO RAW NG SPIRIT OF THE GLASS!
Si Father Eugene David na isa sa mga exorcist ng Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, nakapanayam ni Jessica Soho para sa #KMJSMulto. Sa panayam, ibinahagi niya ang ilan niyang nakakakilabot na mga karanasan sa pagsagawa ng eksorsismo.
Ano-anong aktibidad nga rin ba ng mga tao ang maaaring maging instrumento ng demonyo upang maghasik ng kadiliman sa mundo?
Ang buong kuwento ng kanyang pakikipagbuno sa kampon ng kadiliman para matulungan ang mga sinasapian, panoorin sa video.
From the publisher's feed
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for…