Ishishare ko sa inyo ang tungkol sa word na witness. What it means and how it's used throughout Scriptures.
Yung word na witness e, isang interesting word dahil may mga ilang paraan to kung pano natin to ginagamit ngayon. Sa christian circle, yung word na witness e, it has to do something with sharing the good news about Jesus with others. Minsan, and unfortunately, meh, dala-dala tong connotation na being argumentative or pushy. Isa pang common use neto e, sa legal setting, di ba? Yung witnesses e, inaanyayahan sa korte para isalaysay nila yung nasaksihan nila.
Sa Bible, parehong bitbit niya yung dalawang components na yun, yung sharing the good news about Jesus saka pagsalaysay sa nasaksihan nila. Syempre, di kasali yung pagiging argumentative or pushy, of course.
Sa kabuuan ng Scripture, yung pagiging witness e, generally to see or experience something tapos you talk about what you've seen or experienced.
Habang nagdedevelop yung biblical story, yung word na witness e, patuloy siyang nagamit para tumukoy sa mga experiences nila sa Panginoon and specifically, para idescribe ng mga eyewitnesses yung life, death, and resurrection ni Jesus tapos shinishare nila yung naexperience nilang yon.
Sa Hebrew Bible o yung Old Testament, ito yung grupo ng Israelites, yung family ni Abraham na naexperience nila yung Diyos sa napaka-unique na paraan. Si LORD don e, kumbaga gumawa ng partnership or covenants with people. Nagperform si LORD non ng mga miraculous works sa kanila; nagspeak Siya sa fiery clouds tsaka nagappear Siya sa mga prophets in dreams and visions.
Dahil sa mga unique experiences nila kay Yahweh, yung family ng Israel, yun yung naging witness ng Panginoon.
Pero may tanong. Witnesses nino? Tsaka witnesses ng ano?
May significant passage sa Exodus 19. Yun yung habang binibigay ni Yahweh yung law sa Israel sa mount Sinai. Yung Israelites non e, kakawitness palang nila kay Yahweh as the powerful King na nagligtas sa kanila from slavery sa Egypt. Sabi ni Yahweh, pick-up at verse 4-6 sa Exodus 19.
May mga importanteng bagay na dapat tayong mapansin sa passage na to. Una, yung Israel e, tinawag ng Diyos as God's own possession. Kung titingnan mo sa una baka mapansin mo, "Teka, si LORD parang meh favoritism dito, a; Ui, si LORD may partiality kasi yung Israel lang yung pinili Niya e, ang dami-daming mga nation na non e." Pero kung magpapatuloy ka sa pagbabasa, yung pagpili ni LORD e, para sa purpose. May purpose Siya: yung nation e, maging kingdom of priests and a holy nation. In other words, sila yung magmemediate between Yahweh tsaka sa lahat ng nations. Isasalaysay nila kung sino si Yahweh tsaka kung ano Siya sa pamamagitan ng pamumuhay nila bilang isang community ng love and justice na sumasamba kay LORD at wala nang iba. Ito e, para ang lahat ng nations e, mabless through this one nation, yung Israel nga, gaya nung promise ni LORD kay Abraham sa Genesis 12.
Yung naexperience ng Israel na kapangyarihan ni Yahweh at yung rescue na ginawa Niya e, naglagay sa kanila sa position para maging witness ni LORD sa buong mundo. Pero, yun nga, lagi silang sablay sa task na yon. Worship sila sa ibang diyos, nagparticipate sila sa mga injustices tsaka mga oppression...