Sign up to save your podcastsEmail addressPasswordRegisterOrContinue with GoogleAlready have an account? Log in here.
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for mor... more
FAQs about I-Listen with Kara David:How many episodes does I-Listen with Kara David have?The podcast currently has 85 episodes available.
July 15, 2026Ice Seguerra, dumaan sa iba't ibang transitions sa buhay kabilang na ang pagpanaw ng ina | i-ListenMula sa pagiging child star sa edad na tatlo, singer-songwriter at ngayo'y direktor, marami nang 'transition' sa buhay ang pinagdaanan si Ice Seguerra. Pero isa sa pinaka naging maingay na balitan tungkol sa pagbabago sa buhay niya ay nang siya'y maging isang transman. Kailan nga ba napagtanto ni Ice na bahagi siya ng queer community? At paano nga ba ito tinanggap ng kanyang magulang? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....more38minPlay
July 14, 2026Rep. Gerville Luistro, hinimay ang impeachment case ni VP Sara | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastIMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE, TINAWAG NA "POLITICAL" AT INIUUGNAY UMANO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION. LEAD HOUSE PROSECUTOR REP. GERVILLE LUISTRO, HINIMAY ANG MGA REKLAMO LABAN SA BISE PRESIDENTE.Gumugulong na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Habang iginiit ng prosekusyon na may sapat na batayan ang Articles of Impeachment, naninindigan naman ang kampo ng Bise Presidente na ang proseso ay ginagamit lamang bilang isang political tool.Sa #KMJS Podcast, ipinaliwanag ni Lead House Prosecutor Rep. Gerville Luistro ang mga batayan ng Articles of Impeachment, kabilang ang usapin ng confidential funds at iba pang reklamong kinakaharap ng Bise Presidente.Sinagot din ni Luistro ang mga puna ng mga kritiko na nagsasabing may kaugnayan ang impeachment sa pagtakbo ni Vice President Duterte sa pagkapangulo sa 2028.Bukod dito, inisa-isa rin ni Luistro ang mga isyung ipinupukol laban sa kanya.Panoorin ang buong panayam....more30minPlay
July 14, 2026Atty. Michael Poa, ipinaliwanag ang panig ng kampo ni VP Sara | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastTAGAPAGSALITA NG DEFENSE TEAM NI VP SARA DUTERTE NA SI ATTY. MICHAEL WESLEY POA, IBINAHAGI ANG KANILANG PANIG KAUGNAY NG KINAKAHARAP NA KASO NI BISE PRESIDENTE. KUMUSTA RIN BA SI VP SARA DUTERTE SA GITNA NG ISINASAGAWANG PAGLILITIS SA KANYA?Sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, mainit ang naging palitan ng argumento ng prosekusyon at ng kampo ng depensa.Sa #KMJS Podcast, inilahad ni Atty. Michael Poa ang panig ng depensa kaugnay ng mga alegasyon laban kay VP Sara Duterte.Mula sa usapin ng mga bank records hanggang sa mga alegasyon ng pagbabanta umano sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, tinalakay ang mga isyung bumabalot sa kasalukuyang impeachment proceedings.Panoorin ang buong panayam....more23minPlay
July 08, 2026Mimiyuuuh, dating pinapalayas sa inuupahan, ngayo’y may sarili nang bahay at kotse! | i-ListenIT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE!Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events.Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....more30minPlay
July 01, 2026Batang sinaksak sa Navotas, pumanaw na matapos ang 41 araw na pakikipaglaban sa ospital | i-ListenBabala. Sensitibo ang paksa.Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata.Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Francis.Sino nga ba ang nasa likod ng krimen na ito? Kumusta na nga ba ang unsad ng hustisya para kay Francis?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....more24minPlay
June 26, 2026Batang nagnakaw ng itlog, nakulong; lalaki, nanirahan sa kalye nang bigong magkatrabaho | i-ListenMatapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng halos limang oras makarating lamang sa papasukan na trabaho. Ang kuwento ng pagbabago at pagpupursigi nina Nestor at George, muling pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....more34minPlay
June 24, 2026Mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia, nagsalita na! | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastMGA MAGULANG NG YUMAONG ATLETANG SI RENE “BOBET” BATERBONIA, NAGSALITA NA!Sa panayam ng #KMJS, ibinahagi ng mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia—isa sa mga atletang pumanaw mula sa Ateneo de Manila University—ang kanilang mga hindi nila malilimutang mga alaala ng kanilang anak.Ikinuwento rin nila kay Jessica Soho ang pagnanais nilang malaman ang buong katotohanan sa imbestigasyon. Panoorin ang video....more33minPlay
June 17, 2026BJ Forbes aka Tolits, pinalayas sa sariling bahay na naipundar niya mula sa pag-aartista | i-ListenHindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits.Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tolits. Pinalayas din sila sa naipundar niyang bahay dahil sa pag-arte!Kumusta na nga ba ang dating child star ngayon? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....more32minPlay
June 15, 2026Chinese actress na gumanap bilang si Linda Walker, kilalanin! | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastCHINESE ACTRESS NA GUMANAP BILANG SI LINDA WALKER NA SI ZHANG YINGFEI, KILALANIN!Ang Chinese actress na si Zhang Yingfei na sumikat bilang si Linda Walker sa Chinese micro-drama na ‘The Genius Heiress’ at naging bahagi ng trending meme, nasa #KMJS na! Ano kaya ang reaksyon niya sa kasikatan ng kanyang vertical drama sa Pilipinas? Kumusta ba siyang estudyante sa totoong buhay? Kumasa rin siya sa isang surprise quiz. Anong score kaya ang kanyang makukuha?...more26minPlay
June 11, 2026Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastSEN. ERWIN TULFO, NAGSALITA SA GITNA NG TINAGURIANG "SENATE WARS"Habang patuloy na umiinit ang hidwaan sa liderato sa Senado, kasama na ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects, at sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara Duterte, Sen. Erwin Tulfo, ibinahagi kay Jessica Soho ang kanyang mga pananaw sa usaping ito. Ano ba ang epekto ng tensyon na ito sa mandato o trabaho ng Senado?At, sa eksklusibong panayam, sinagot din ng senador ang iba't ibang isyung ibinabato laban sa kanya tulad ng pagkakasangkot niya umano sa sex trafficking?Ang buong panayam, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast....more51minPlay
FAQs about I-Listen with Kara David:How many episodes does I-Listen with Kara David have?The podcast currently has 85 episodes available.