May mga taong dumaan sa kabigatan na higit pa sa mararanasan ng karamihan, ngunit lahat tayo ay nakaranas na o dumadanas ng trahedya sa ating mga buhay. May mga sumasakay na lang at minamanhid ang sarili sa mga pangyayari, at may mga hindi na rin muling nakakabangon at nananatiling bagsak o nakatali. Meron din namang mga muling bumabangon dahil sila'y may kaya sa buhay o maraming suporta, ngunit may mga hindi natitinag sa pagkakatayo at lumalakad sa tagumpay na hindi dala ng lakas loob o tiwala sa sarili, kundi dala ng kapangyarihan ng Diyos na may akda, at may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay. Samahan niyo kaming pagusapan ang kaibahan ng mga taong nagtatayo ng bahay sa buhangin, at ng mga taong nagtatayo ng bahay sa bato.