SEASON 3, EPISODE 1.
Naghahanap ka ba ng totoong nakakakilabot na kwento? Sa episode na ito ng KLWP Podcast, uupo tayo kasama ang matapang na solo paranormal investigator na si Maisog Girl para alamin ang katotohanan sa likod ng kanyang mga nagva-viral na live streams sa mga sementeryo at abandoned buildings. Peke nga ba ang mga anino at boses na naririnig sa live, o totoong may nagpaparamdam?
Ibinunyag niya ang mga sikreto sa likod ng camera, paano niya hinaharap ang mga nag-aakusang scripted ang content niya, at ang pinaka-nakakatakot na karanasan na muntik na siyang mapatakbo palabas ng lokasyon. Pag-uusapan din natin ang mahigpit na pagsunod sa tradisyong "pagpag" para walang sumamang ligaw na kaluluwa pag-uwi.
Kwentuhan lang, walang personalan—pero baka hindi ka makatulog pagkatapos ng episode na ito!
🔍 Sa Episode na Ito:
Fake vs. Real: The truth behind viral paranormal live streams
Behind the Scenes: The reality of being a solo female ghost hunter
Scariest Encounters: Unexplained voices and shadows in abandoned locations
Filipino Superstitions: Why you should never skip the "Pagpag" tradition