
Sign up to save your podcasts
Or


Minsan, nabibigyan tayo ng pagkakataong makasalamuha ang ilan sa mga sikat na tao at personalidad ng ating panahon.
Bakit nga ba super lakas ng dating ni "Bossing"?
Anong klaseng "healing powers" ang mayroon si Lucy Torres- Gomez?
At posible nga bang bumili ng screen protector si Kim Jong-un sa Greenhills?
Huwag magpahuli! Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts.
Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected]. Kitakits!
Nilbre si Jerome ng kaniyang kaibigan sa isang restaurant.
Inorder ni Jerome ng pinakamahal na pagkain doon worth 6k (Para lang sa kaniya yun).
Kung ikaw ang nanlibreng kaibigan ni Jerome, ano ang mararamdaman mo?
a. Matinding pagnanais na sumabog at magsabi ng masasamang words.
b. Mahahabag na lamang sa sarili dahil magdidildil na naman kayo ng asin ng iyong pamilya sa mga susunod na linggo.
c. Masidhing pagnanais na mabawi ang nagastos mo kung kaya't mapapaisip kang isumbong siya kay Tulfo.
Paano nga ba dapat umorder ng pagkain 'pag ika'y ililibre ng iyong kaibigan?
'Yan at ilan pang unwritten social etiquette rules ang pag-uusapan natin sa masayang episode na ito.
Huwag magpahuli! Follow us on Spotify at kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected]. Kitakits!
Susubukan naming sagutin ang tanong ng isa nating letter-sender tungkol sa pagsunod sa "passion" at mga realidad ng buhay.
Pag-uusapan din natin ang ilan sa pinakatumatak na payo na ibinigay sa amin. Ikukuwento ni Jerome ang isang di-malilimutang heart-to-heart talk kasama ang kaniyang dating boss habang nagshoo-shoot sila sa isang disyerto sa Qatar.
Ibabahagi naman ng HR expert na si Jimmy ang importansiya ng pagiging isang "obsolete" na lider.
Si Rian naman, babalikan ang isang email exchange with a former teacher, na nagbigay sa kaniya ng isandaang porsiyentong kumpiyansa sa sarili.
Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected]. Matsala!
Pag-uusapan natin lahat ng mga nakakatakot na bagay na 'yan.
Mga nakakikilabot na dagang-pusa, mga palakang dina-dissect sa biology lab, ang pagtanda nang nag-iisa, maging ang pagkakakulong nang wala ka naman talagang pagkakasala...at siyempre special guest si Kamatayan (sino pa ba?)!
Welcome sa aming Halloween Special with a twist!
Talpakan na naman ng mga ideya at sentimiyento tungkol sa pagbabalik opisina ng ilan sa atin.
That's it. That's the tweet.
Para sa episode na ito, ibibida natin ang KK Fact or Fiction.
Dahil ilang kembot na lang at pasko na naman, pag-uusapan natin ang sikat na paniniwalang pinoy na ito upang matukoy kung ito nga ba ay mas nalilinya bilang "fact" or "fiction".
Bakit nga ba masamang tumanggi sa imbitasyong mag-ninong/ninang? Kailan mo huling kinamusta ang iyong inaanak? Kapag binibigyan ka ba ng aguinaldo ng ninong/ninang mo tuwing pasko, ang sinasabi mo ay "kulang" at hindi "salamat po"?
Ambabait ninyo, tenkyu!
Masayang kuwentuhan lang tungkol sa mga lugar at karanasan na nagbibigay sa atin ng ligayang walang katulad. :)
Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected]. Takits!
Nag-feeling Francis Kong at Chinkee Tan kami sa episode na ito. Panay kaperahan ang pinag-usapan namin, mula sa mga unang naging sahod namin, mga novena sessions sa harap ng ATM, hanggang sa mga mumunting kaligayahan ng pag-upsize ng drink sa value meal.
Bakit nga ba kape ang iniinom ni Jerome nung bata siya? Anong hiwaga ang mayroon sa Chowking Lauriat na kinain ni Rian halos dalawang dekada na ang nakararaan? Ilan lang yan sa mga ibabahagi naming kuwento sa pagtatrabaho sa makulay na mundo ng media.
Uunahan na namin kayo. Tungkol ito sa iba't ibang pagtatangka nating makipag-unahan sa laro ng buhay. Bakit nga ba mas mainam na nauuna ka sa pila kapag may nilalakad kang papeles sa kahit na anong ahensiya ng gobyerno? Ramdam mo bang pinagpraktisan ka lang ng unang taong minahal mo? Kumusta na kaya yung mga nahuli sa biyahe sa "Final Destination"? Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected].
Nagbatuhan kami ng mga tanong na matagal nang bumabagabag sa amin kagaya ng “Paano ba ipinapasok ang mga display na kotse sa loob ng mall?”, “May driving school ba para sa mga LRT/MRT drivers?” at kung “Bakit hindi puwedeng magkatuluyan sina Beauty Gonzales at Paolo Contis?” (Joke lang! Clickbait lang ito!)
Kung meron din kayong mga ganyang tanong or kung gusto niyo lang makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected].
From the publisher's feed