Kolorum Klasrum

Kolorum Klasrum

By Kolorum KlasrumSociety & Culture
Download on the App Store

Kolorum Klasrum episodes

  • Ano-anong mga nauso ang sinakyan mo?

    Team Zagu ka ba o Team Orbitz? Parte ka ba ng 1% ng population na di pa nakakapanood ng Game of Thrones? Buhay pa ba yung ipinundar mong air fryer? Nage-gets mo ba yung mga taong gumagamit ng salitang "Scoobs?"     

    Maglagay ka na ng reminder sa Starbucks planner mong mint-condition pa rin hanggang ngayon para di mo makalimutang makinig sa amin. China oil! Kung hindi naku, awit! Flex din lang pala namin na nasa Fresh Finds na kami sa Spotify. O-ha! Char. Ang dami naming sinabi, orb!    

    Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected].

    1 hr 1 min
  • Kailan mo naramdamang matanda ka na?

    Sumasakit na rin ba ang mga kasukasuan mo? Mas trip mo na bang mag-wine kaysa mag-Red Horse or gin pomelo? Nabibigkas mo na rin ba ang mga katagang "eh, kako," "antimano," at "nung araw"?

    Kung "oo" ang sagot mo sa mga tanong na iyan, eh ano pa ang hinihintay mo? Mag-asawa ka na! Joke! Makinig ka na sa episode na ito!

    Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at [email protected].

    50 min
  • Love din bang maituturing ang "puppy love"?

    Nabudol ka na rin ba ng mga tula ni Pablo Neruda? Naging spirit animal mo rin ba si Ogie Alcasid? Ano ang pinakanakadidiring bagay na nagawa mo para sa una mong pag-ibig? At kami na lang ba ang gumagamit ng salitang "puppy love"? Kilig na! Este, 'kinig na!  

    Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at [email protected].

    1 hr 7 min
  • Excited ka pa bang manood ng PBA?

    Magbabalik-tanaw tayo sa mga panahong sikat pa ang PBA --- mula sa miracle shot ni Rudy Distrito kontra Shell noong Game 7 ng 1991 PBA 1st Conference Finals, freethrow shooting form ni "Captain Lionheart" Alvin Patrimonio, at kung bakit masama ang loob namin kapag natatalo ang Ginebra noong dekada nobenta. Bakit di na masyadong nanonood ang mga Pinoy ng PBA? Ano nga ba ang puwede pang gawin ng liga para muling bumalik ang mga fans nito?    

    PS: Shout-out pala kay Tata Jawo ng AHS! Miss ka na namin!      

    Kung meron kayong mga tanong na gusto niyong talakayin namin, or kung gusto ninyong makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at [email protected].

    1 hr 9 min
  • Obligado ka bang mag-reply sa bawat taong bumati sa'yo ng "happy birthday" sa Facebook?

    Basehan nga ba ng tunay na pagkakaibigan ang yearly batian natin sa FB? Tamad lang ba ang mga bumabati ng "HBD"? Nakapag-congratulate ka na ba sa mga kaibigan mong naturukan na ng two doses of Pfizer? Nag-condolence ka na ba sa isang FB friend mo kahit di mo talaga alam kung sino ang namayapa na sa side niya?  

    Kung meron kayong mga tanong na gusto niyong talakayin namin, or kung gusto ninyong makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at [email protected].  

    47 min

About Kolorum Klasrum

From the publisher's feed

Ang podcast para sa mga masyadong matanong at mga masyado nang maraming nalalaman.