Sign up to save your podcastsEmail addressPasswordRegisterOrContinue with GoogleAlready have an account? Log in here.
Umuusad ang araw sa bawat buwan na dumaraan, pagpapanumbalik ang natitirang paraan kasabay ng paglaban natin sa buhay. Sa mga panahong malakas ang pang-uusig, sabay-sabay tayong gagaling at kukuhain a... more
November 30, 2021EPISODE 9: DIARY (Season Finale)Ako yung bata na laging napapalo ng magulang dahil bigla na lang mawawala o tatakas dahil nga gusto kong maglaro. Iba kasi yung laya kapag nasa loob ka na ng screen. Hindi mo kailangang magpanggap o pakialaman ang nangyayari sa labas pero ayun mapapalo at mapapalo pa rin talaga ako. Pasaway nga naman kasi talaga ako....more10minPlay
June 30, 2021EPISODE 8: DORMITORYOKaya siguro ganito na lang ang inggit ko sa mga taong nakakasalamuha ko, e. Alam mo ‘yun, hindi nila kailangan umiwas sa mga tao kasi tinuturing naman silang normal dahil hindi sila kasapi sa amin. Hindi nila kailangan humingi ng pag tanggap sa iba dahil una pa lang naman tanggap na sila agad....more25minPlay
June 26, 2021EPISODE 7: LUGAWANSa bahay ni Lola ako lumaki. Doon ko naranasan ang aking kabataan. Pinagluluto niya ko palagi ng napakasaraw na lugaw, lalo na kapag bagong luto ito. Iyon na yata ang pinakamasarap na lugaw na natikman ko sa buong buhay ko. Kumpleto na ang araw ko basta makakain lang ako ng lugaw ni Lola....more18minPlay
March 31, 2021EPISODE 6: WAITING SHEDNanghina ako sa lahat ng aking narinig, hindi ko kinaya. Hindi ko kinaya, na yung pangakong pinanghawakan ko sa loob ng ilang taon, wala na, tinangay na ng hangin. Na yung kwentong matagal-tagal ko ding hinintay ay hindi na matutuloy....more14minPlay
March 27, 2021EPISODE 5: WATCHTOWER"Para bang inaawitan ng kislap ng ngiti. Dama ang paghilig nang yumakap nang mahigpit. Ang buwan na nagsilbing liwanag. Hiwaga, karapat-dapat ba, ako sa liwanag ng pag-asa. Hiwaga sa ‘yong mga mata, tila sikat ng araw sa umaga"...more20minPlay
January 31, 2021EPISODE 4: SEVEN ELEVENPangarap at panaginip – dalawang salita sa Tagalog na iisa lang ang katumbas sa ibang wika. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa? Siguro, para kay Owen, wala. Oh, na-curious ka ba? Ako nga pala si Tommy. Tara, kwentuhan muna tayo – may alam akong magandang tambayan....more34minPlay
December 29, 2020EPISODE 3: DISCOMFORT ROOMHindi palaging pagkabuhay ang inaalala tuwing disyembre, paminsan ay ang mga multong gumagambala sa atin, at ang takot na dala-dala nito. Mga bagay na hindi madaling harapin o limutin. Ito ang kwento ni Dona, 20 years old at ang salaysay ng kaniyang pag-iwas sa multo ng kanilang banyo....more17minPlay
November 30, 2020EPISODE 2: PLAZAWala akong dapat katakutan, kasi ang nangyayari kahapon, ay mangyayari ngayon at mangyayari kinabukasan. Pero paano kung sa isang hindi inaasahang pagliko ng bus na sinasakyan ko ay biglang magbago ang lahat ng aking inaasahan?...more18minPlay
October 30, 2020EPISODE 1: TELEPONOWhy can't we grow together? Why should we grow apart? Is it really necessary to become better as a person when he made you feel like you're the best? Why should it matter when I have lived and got used to him almost half of my life?...more7minPlay
October 29, 2020PROLOGUE: Kanlungan St.Singkwenta pesos...kapalit ng ilang oras na kaligayahan.Singkwenta pesos...kapalit ng panandaliang kalayaan.Dumilim ang kalangitan. Lumamig ang haplos ng hangin. Marahan pa rin naman ang pagtapik ng ambon. Iisang lugar lang talaga siguro ang pinupuntahan ng mga gusto ng katahimikan....more10minPlay