Ang
sabong ay isang uri ng madugong paglalaban o "madugong palaro" sa pagitan ng dalawang tandang
na pansabong, na isinasagawa sa loob ng isang bilog na pook pangtunggalian o
sabungan, na tinagurian ding
simburyo. Natatangi ang pagpapalaki, pangangalaga, at pagsasanay na ginagawa para sa mga
manok na pansabong upang magkaroon ito ng sapat o higit pang resistensiya at lakas sa oras ng sagupaan. Karaniwang ginugupit ang mga palong ng mga lalaking manok na inihahanda sa pagsasabong. Mayroong likas na galit ang mga tandang laban sa kapwa tandang.