Anong gagawin mo kapag nagka-COVID si bebe tapos malayo kayo sa isa't-isa? Sa episode na 'to, pag-uusapan natin ang Long Distance Relationships o LDR. Maraming hindi bilib sa LDR pero paano nga ba ito magwowork--lalong lalo na sa gitna ng pandemya? Halina't pakinggan natin ang mga payo ng ating guests tungkol sa kanilang LDR experience sa gitna ng pandemic, mga kuwento ng isang COVID-19 survivor, at syempre, ang letter sender na humihingi ng payo tungkol sa kanyang long distance relationship.