"Nakabili kami ng bahay na sobrang mura para sa sukat nito kaya tuwang tuwa kami ng asawa ko. 8 months ago nang mabili namin Ito dahil sa naipundar namin na negosyo na para sa amin ay mas sinuwerte mula ng mabili namin ang bahay. Halos dumoble kasi ang kita namin kaya inisip namin na suwerte ang bahay. Pero almost 3 months ago ay may iba akong nararamdaman sa bahay na parang may ibang nakatira. Madalas akong nagigising sa madaling araw dahil sa anak namin na 2 years old na lagi nang umiiyak sa ganung ora's na hindi naman mangyare dati. May mga pagkakataon pa na tulala siya habang umiiyak. Minsan naman ay may narinig akong mga yapak sa hagdan tuwing dis oras ng Gabi. Pina bless naman namin ang bahay pero bakit Kaya nagiba ang aura nito. Swerte nga sa negosyo pero nagkaron naman ako ng takot dahil sa bahay. Ano Kaya ang ibig sabihin nito? Dapat ko bang ipaalam rin sa asawa ko o hindi na? - Mark"