Sign up to save your podcastsEmail addressPasswordRegisterOrContinue with GoogleAlready have an account? Log in here.
"Pads" - short term for Father or Padre. Samahan sina Pads sa mga kwentuhan at kulitan about life, faith, pop culture, pati na yung mga bagay na baka nahihiya kayong sabihin kina Pads. No judgment, n... more
FAQs about PadsCast:How many episodes does PadsCast have?The podcast currently has 136 episodes available.
November 26, 2023Ep 96: Sinong Belong? (On Inclusivity in Catholic Church)Mahal naman ng Diyos ang lahat diba? Pero bakit may mga tao o grupong tila bawal sa Simbahan?Sakto sa pagdiriwang natin kay Kristong Hari ang iba't ibang balita ngayon tungkol sa relasyon ng simbahan sa mga FreeMasons, LGBTQIA+, at iba pang communities na may "irreconcilable" beliefs with Church teaching. Here's a candid conversation that offers not really answers but questions—questions that we hope can help us walk the line between God's universal love and the conditions of discipleship....more52minPlay
November 10, 2023Ep 92: Does Chastity Still Matter? (Usapang Gender, Body, at True Love with the LivePure Movement)Purity, chastity—meganon pa ba ngayon? These days tila tanggap at normal na sa majority ang casual sex, "my body, my choice," at pati gender ideologies. Pero bilang mga Katoliko, paano ba tayo dapat lumugar sa lahat ng fast-paced changes na ito ng ating lipunan? At the forefront of these crucial conversations is the Live Pure Movement, at kasama nila ating aalamin kung bakit mahalaga pa rin maging chaste at paano natin ito pwedeng buhayin muli sa ating sarili, sa kapwa, at sa lipunan....more49minPlay
November 10, 2023Ep 95: Paano Kung Mali ang Na-Discern Mo? (with Bro. Randel Serrano)Ilang beses na tayo nakarinig ng vocation journey ng isang pari, pero paano naman yung hindi pala pag di ka naman natuloy? Sure na sure si Bro. Randel Serrano na magiging pari sya nung pumasok siya sa seminaryo. Pero iba pala ang plano ni Lord sa kanya. May second chance ba sa pagtugon sa tawag ng Diyos? Paano kung mali pala ang narinig mong tawag? Pwede ba yun?! At paano mo malalaman at matatanggap na may ibang daan palang nakalaan para sa'yo si Lord?All that and even more laughter in episode 95 of the PadsCast....more47minPlay
October 27, 2023Ep 94: Full of Mysteries: Answering Some of Your Rosary QuestionsBago matapos ang rosary month, talakayin muna natin ang dasal na paborito ng mga Katoliko at mga kritiko ng ating Simbahan! Nasaan ba yan sa Biblia? Pwede ba pampatulog ang rosaryo? Ok lang ba gawin itong kwintas? Bakit ba hindi na lang tayo dumeretso kay Jesus? Balik OG tambalang Pads Khris at Albert sa isang episode na sana makakabawas sa mga misteryong bumabalot sa ating pagrorosaryo....more47minPlay
October 20, 2023Ep 93: Guilt to Believe: How to Best Lead People to the ChurchOk lang ba i-guilt trip ang tao para mapalapit sa Diyos at sa Church? Eto ang naging usapan dahil sa isang viral video na tila hinihinya ang mga taong nawala na sa simbahan. Some questions discussed in this episode: - How do we best attract people to Jesus and his Church? - Pwedeng personal faith lang? Bakit kailangan ng simbahan?- How do we make everyone feel welcome and loved in the Church?Nagbabalik at magpapasikip sa ating studio sina Pads Edong at Bro AJ para sa kwentuhang tunay na siksik sa saya at pagninilay. ...more41minPlay
September 22, 2023Ep 91: Usapang Crushes at Callous Hearts: The Pads Answers YOUR QuestionsNagbabalik kami with an episode that answers two questions in response to our two most recent episodes. Ang mga tanong: 1) Ok lang ba ma in-love or magkacrush sa pari? 2) Anong dapat natin gawin sa mga taong hindi nagso-sorry o nakikita ang maling kanilang ginagawa?Mga sagot nina pads kasama ng nakagawiang asaran at kulitan in this comeback episode of PadsCast. :) ...more45minPlay
August 04, 2023Ep 90: Pwede Usap Muna? Dialogue With Those Who Offend UsNakapag-comment na ba ang lahat? Mag-iisang buwan na rin mula nung bumugso ang damdamin ng marami dahil sa drag performance ni Pura Luka Vega. Pero ngayong (sana) humupa na ang initial reactions natin, pwede na ba natin pag-usapan ito ng kalma at may pag-unawa? Isang kwentuhang tutuhog sa discipleship, dialogue, reactions, atbp sa pinakabagong episode ng PadsCast. ...more55minPlay
June 18, 2023Ep 89: Does God Manipulate Our Choices? Pads Reacts to I Love LizzyNakanood na ba ang lahat? Marami ang natuwa, naiyak, at na-in love sa vacation romance ng seminaristang si Jeff at ng tour guide niyang si Lizzy. Pero marami ding katanungang binuksan ang film na ito, such as: 1. Pwede ba talaga magkagirlfriend kapag seminarista?2. Ano yung regency?3. Ok lang ba mang ghost sa ngalan ng sakripisyo? 4. May tama at mali bang dahilan sa pagtugon sa calling mo? 5. Lahat ba ng seminarista kasing gwapo at kisig ni Carlo Aquino?Fine, guni guni lang namin yung panghuli. Pero gamit ang pelikulang I Love Lizzy, isang magulo pero malamang episode na naman ang dala nina Pads Albert and OG cohost Pads Khris. NOTE: We apologize for the poor audio quality between the 25–41 min. mark due to some technical difficulties. Bawi kami sa sunod!...more55minPlay
April 29, 2023Ep 88: Ha-ha-ha-HABIT! More Laughter and Lessons from Your Favorite SistersBreak is over and we're back! At para makabawi kasama ni Pads Albert ang pinakahinahanap ng lahat. Yes, the SISTERS ARE IN DA HOUSE!Di namin inaasahan na ang tambalang pads at sis ang magiging pinakamalaking episode ng aming podcast (and by a looooong mile too!) So after lots of convincing, we finally got them back on the show, bringing as many laughter-laced lessons and stories for all of you. They will also answer some of the burning questions and even criticisms from their first episode with us. Kaya maging masaya tayong lahat with Sisters Laura, Daisy, and Jane of the Daughters of St. Paul....more52minPlay
March 17, 2023Ep 87: 10 Years Na Ang Lolo Mo! (A Decade of Pope Francis with Pads Khris)Si Lolo Kiko, naka sampung taon na! Kasabay ng ating mga panalangin at pagbati para sa ating minamahal na Santo Papa, samahan kaming balikan ang aming mga favorite moments, quotes, and actions of Pope Francis, pati na rin ang ilang mga points na feeling namin ay pwedeng mas pagbutihin pa. ...more50minPlay
FAQs about PadsCast:How many episodes does PadsCast have?The podcast currently has 136 episodes available.