PadsCast

PadsCast

By Fr. Albert Garong, SSPReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

PadsCast episodes

  • Tawanang Abot Langit with Romar Chuca

    Napapadaan siya palagi sa feed niyo dahil sa mga funny and witty posts niya, pero alam niyo ba kung bakit niya ito ginagawa? We are blessed to welcome to the show Mr. Romar Chuca, at walang joke: ang lalim ng hugot niya kung bakit siya nagpapatawa online. Ang kwento ni Catholic comedian Romar Chuca, dito lang sa PadsCast.

    1 hr
  • Goal-Grounding: Starting Our 2023 Goals Right with Bro. Migs Ramirez

    New Year's Resolutions—uso pa ba yan?! Whether we call it that or not, the new year is always an ideal time to look forward to the future. Pero WAIT, dahil sabi ni Bro. Migs, mas magandang balikan muna ang nakaraan bago tumingin sa paroroonan.

    In this episode, Bro Migs teaches us how to use the Examen to set our future goals. At syempre, nagbalik tanaw din siya sa kanyang vocation journey and discernment process. All this in this exciting new episode for a new you!

    59 min
  • Ha! Naka 2 Years na Tayo?! (Looking Back/Moving Onward with the Pads)

    Jan 6 2021—the first mini episode of this show was unleashed to the world . . . and  with 77 episodes and counting, kami ni Pads Khris at Pads Albert ay talagang napapaWOW na lang sa layo na pala ng ating nilakbay. In this simple kwentuhan magbabalik tanaw lang kami sa "graced history" ng aming munting palabas; pag-uusapan din namin ang mga pangarap namin para sa show, at syempre magpapasalamat dahil sa loob ng 2 taon ay binuhay ng Diyos at ninyong mga ka-PadsCast ang suntok-sa-buwang Podcast na ito.

    38 min
  • Bagong Pari x Simbang Gabi (with Pads Edward Dantis, SSP)

    It's our regular cohost and NEWLY ORDAINED PRIEST, Pads Edong's turn to be back on the show. At kung curious kayo kung ano ang karanasan ng isang inoordinahan, itong episode ay para sa inyo.

    BUT WAIT, THERE'S MORE! Pag-uusapan din namin ang isa sa pinakakilalang Filipino Christmas traditions natin: Simbang Gabi. Paano ito gagawing mas makabuluhan, at hindi simbang TABI lamang?

    Lahat ng yan sa isang masaya, malaman (at may paiyakan pa) na kwentuhan with the Pads!

    47 min
  • Immaculate (Mis)Conception with Pads Paolo and Albert

    Let's talk about one of the most misunderstood and maligned beliefs of the Catholic Church. Ang Imaculada Concepcion ay paboritong punching bag ng mga bumabatikos sa atin, pero bakit nga ba ito dapat paniwalaan? And are there practical lessons for everyday life we can pick up from this mysterious and mind-boggling truth about Mary?

    It's our regular cohost Pads Pao's turn to join us in this conversion on the many misconceptions about the Immaculate Conception.

    44 min
  • Aanhin Pa ang Adbiento Kung Meron Namang Pasko? (with Fr. Sebastian Gadia III)

    Ang season na sawi: yan ang tawag ni Pads Albert sa Advent. Paano ba naman, taon taon na lang itong hindi napapansin dahil sa ating "longest Christmas season in the world." In this episode, Pads Baste returns to help us reflect on how we can make Advent matter more in our lives. From insights to practical tips, dasal namin ay sana masmapalalim natin ang ating Adbiento, dahil ito ang susi para sa isang makabuluhang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

    38 min
  • Discipleship Amidst Differences (with Niko Capucion)

    Nasaan ang kabataan? At paano naman ang mga taong ayaw sa Simbahang Katolika? As Christians we are called to go out and be fishers of men to everyone, pero minsan parang imposible ito sa mundong napaka toxic at intolerant pagdating sa mga pagkakaiba natin sa pananaw at paniniwala.

    Helping us explore this topic is a man on the ground, armed with tons of experience with bridging divides and making connections in truth and love (at may baon pang musical number). Isang masayang PadsCast na naman, this time with youth missionary Bro. Niko Capucion.

    1 hr 5 min
  • Sinong Hari ng Buhay Mo? (with Pads Khris)

    NEWS FLASH: We're now on VIDEO on Spotify!

    Sa wakas, sa pagtapos ng panahon, si Hesus ang maghahari sa lahat. Sure na yan. Pero ang hindi sure: sa personal nating buhay, siya ba ang naghahari? O maraming naghahari-harian?

    Masaya tayong makasama muli ang original PadsCast tambalan nina Pads Khris at Pads Albert, sa kwentuhang puno ng pag-asa, saya, at katatawanan.

    44 min
  • Usapang Lalaki: On Christian Manhood with Jpaul Hernandez

    Toxic masculinity? Meganon ba talaga? At may maituturo ba sa atin ang pananampalataya kung paano isang mabuting Kristiyanong lalaki?

    Joining me is sought-after speaker, bestselling author, community leader, and a very good friend: Bro. Jpaul Hernandez. At sa aming kwentuhan iikotan natin ang impact ng mga lalaki sa ating buhay at sa mundo: mula sa mga tatay, lider, pari, potential life partners, atbp.

    47 min

About PadsCast

From the publisher's feed

"Pads" - short term for Father or Padre.