
Sign up to save your podcasts
Or


O ano? Quota na kayo sa takutan? Kaya lipat tayo sa tawanan!
We close the rosary month of October with an inspired sharing about art, controversy, and the rosary. Bilang artist, ang mga likha ng aming guest ay bunga ng panalangin at malalim na debosyon kay Mama Mary. Pero hindi ibig sabihin nito na gusto ng lahat ang kanyang mga gawa. Kakwentuhan at katawanan natin ngayong episode ang isang paring kilala ang obra sa buong mundo: si Fr. Armand Tangi, SSP.
Maliligtas ka ba? Weh? Sure na ba yan?!
Nakakatuwang makita na bigla na lang concerned ang karamihan sa kanilang eternal life—salamat sa isang viral clip ng batikan (at isa sa paborito kong) Filipino podcaster na si Ms. Joyce Pring.
Kaya eto't let's make patol sa isyung ito tungkol sa salvation with our special guest (and long lost twin brader ata) na si Fr. Marion Noel "Bong" Bayaras. Kaya chill, makinig, at magnilay sa abot langit naming tawanan at kwentuhan dito lang sa The PadsCast!
Worship is essential, at para sa ating mga Katoliko, nasa banal na liturhiya ang ating pinakamataas na pamamaraan para magdasal at sumamba. Pero kung ganun e bakit tila kulang ang karamihan sa kaalaman pagdating sa liturgy?
We welcome to the show Rev. Viel Bautista of the Archdiocese of Manila, na hindi lang insights to liturgy ang baon, kundi mga kwentong minor seminary at inside scoop sa pagdalaw ni Pope Francis sa bansa noong 2015.
Siksik na siksik kami este sa karunungan ang episode na ito with our two Pauline deacons: ang nagbabalik na si Rev. Edong at ang (very-soon-to-be) Fr. Samy John, Torrefranca, SSP!
At kasama nila sasagutin namin ang nagbabagang tanong: How do we deal with delays in life? Does the Lord's plan for us go through setbacks? At ano naman ang gagawin natin pag feeling natin nahuhuli na ang pangako ng Diyos sa atin?
Yan at marami pang kaalaman at kulitan kasama si Pads. :)
It's time for Pari Tales, everyone!
Para sa mga di pa nakakaalam, ang Pari Tales ay isang recurring show format namin kung saan makikinig tayo sa mga kwento at candid kwentuhan ng mga pari at relihiyoso.
And this time we have a young Pauline priest na madalas sa likod ng camera, but now makes his on-cam debut: Fr. Lawrence de Peralta, SSP.
Kasama kong makikinig sa kakaibang kwento ng bokasyon ni Pads Lawrence ay ang aking OG partner, si Pads Khris! Kaya listen, learn, and laugh with us here at The PadsCast
Ang mga ibon . . . na lumilipad . . .
Kinanta mo no? With actions pa?
Ganyan pa yung mga religious song na natutunan ko noong araw. Pero ngayon marami nang nagbago sa mga sa tunog at style ng mga religious at worship songs natin. But what makes a song for worship? How does one compose a prayer with music? And how does one "train" to be a worship leader?
Ang Ina na binigay ng buong-buo ang kanyang anak sa Diyos at sa tao, marami tayong matututunan sa mga "galawang ina" ni Maria para tayo din ay maging epektibong daan para sa iba pabalik kay Hesus at sa kanyang Simbahan.
But wait, there's more! May SPECIAL announcement si Pads Albert para sa inyo sa episode na ito. Kaya makinig ng maigi sa kanila ni Pads Pao para sa natatanging Marian episode na ito.
Want to evangelize, pero di mo alam saan magsisimula?
Perfect ang kwento ng ating kasama ngayon. Our first ever lay guest, si Bernz O Caasi ng Unboxing Catholicism ay may dalang kwento, gabay, at bagong pamamaraan paano natin pwede mas maipakilala sa iba ang yaman ng ating Catholic faith and tradition.
Bilang Katoliko, dapat ba tayong nakikipag online "bardagulan"?
Nagbabalik ang ating kaibigan, Mr. Pop Monk himself, Fr. Michael Dacalos, MSC! Known for his fiery posts online, huhugot si Pads Myke mula sa mga experiences niya bilang paboritong target ng mga online trolls at mga natutunan niya in being an online prophet in an increasingly toxic platform.
From the publisher's feed