Para bigyang tribute ang Pasikat Podcast at ipakilala ang dagdag na layunin ng PakiPodcast, balikan natin ang unang episode nito: Nagsimula si Ms. Mahalene a.k.a. Maki sa katuwaan pero parang gusto na niyang pagkakitaan. Para sa unang pasikat episode, nag-guest agad tayo ng maganda na, magaling pa sa pag-awit at pag-ukulele. Natagpuan sa isang katuwaang talent show at dito makikilala pa natin siya ng husto basta pakinggan ito ng buo.