PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes

    Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Marcos 5:21-43

    Pagkatawid ni Hesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika

    para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Hesus kasama n’ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Hesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng
    sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniistorbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s’yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n’ya ang kaguluhan, may mga
    nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Hesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Hesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa
    kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.’ At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Hesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.

     

     

    Pagninilay:

    Muling pinatunayan ng Mabuting Balita ngayon ang kahalagahan ng pananampalataya sa ating Panginoon Hesus. Hinihikayat tayo nito na manatili ang ating pagtitiwala sa Diyos. Ang ating malalim na relasyon sa Diyos ay lalaging nagbibigay sa atin ng pag- asa. Mga kapanalig, ang babae na labindalawang taon nang inaagasan ay gumaling dahil sa kanyang pananalig. Hindi ba’t sinabi ng Panginoong Hesus sa kanya “Anak, iniligtas ka

    dahil sa iyong pananampalataya.” Ang anak ng Puno ng Sinagoga na si Jairo ay nagpatirapa sa paanan ng ating Panginoong Hesus upang pagalingin ang kanyang Anak, pero ito palang anak niya ay patay na. Ang ating Panginoong Hesus mismo ay nagsabi sa kanya “Huwag kang matakot, sumampalataya ka lamang.” 

    Mga kapanalig, ang pintuan ng tulong ng ating Panginoong Hesus ay nakasalalay sa lalim ng ating pananampalataya, pagtitiwala at pag-asa sa Kanya. Ito ang pinanghahawakan ko sa tuwing may pinagdadaan ako sa buhay, katulad ng karanasan ko at ng aking pamilya, kamakailan.  Ang kapatid naming bunso ay mga apat na taon nang may sakit sa puso. Dumadalas na ang paninikip ng kanyang paghinga. Nakiusap siya sa amin na kung maaari, maipagamot na sya. Dahil kailangan na siya’y sumailalim

    sa ‘angiogram procedure,’ upang malaman kung ano ang status ng kanyang puso, buong pagmamahal namang nagpadala ng tulong ang aming ate. Matapos ang ‘angioram procedure,’ sinabi ng doktor, na mangangailangan ang kapatid namin ng bypass heart surgery. Parang lumaki ang aking ulo at napaiyak ako habang kausap ang doktor. Sinabi ng doktor na gagawan ng paraan, at hahanapan ng tulong ang kapatid naming, para maisagawa ang bypass heart surgery.  Sa ngayon, buo ang aming tiwala na magbubukas ang pintuan ng awa at habag ng Panginoong Hesus. Darating ang tulong ng Panginoong Hesus sa tamang panahon. Amen

     

    6 min
  • A Thought A Day | January 30, 2024

    A Thought A Day | January 30, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    8 min
  • Mabuting Balita l Enero 29, 2024 - Lunes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 29, 2024 - Lunes

    Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Marcos 5:1-20

    Dumating si Hesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Sa mga puntod siya nakatira at di siya

    maigapos kahit na ng mga kadena. Madalas nga siyang ikinakadena at ipinuposas ang mga paa ngunit nilalagot niya ang mga kadena at sinisira ang mga posas sa paa kaya walang makasupil sa kanya. Nasa kaburulan siya araw gabi, sa mga
    libingan. Nagsisisigaw siya at sinasaktan ang sarili sa mga bato. Pagkakita nito kay Hesus sa malayo, patakbo itong lumapit at nagpatirapa sa harap niya at sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa akin Hesus na Anak ng Diyos? Hinihiling ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na huwag mo akong pahirapan. Hukbo nga ako marami kasi
    kami.” At hiningi niya kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: ''Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyon.'' At pinahintulutan sila ni Hesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo'y pumasok ang mga
    ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao upang alamin ang
    nangyari. Kaya pinuntahan ng mga ito si Hesus at nakita nila ang dating inaalihan ng demonyo na nakaupo at nakadamit, matino na siya na sinapian ng hukbo. Kaya natakot sila.    Ibinalita naman sa
    kanila ng nakakita kung ano ang nangyari sa inalihan ng demonyo at pati sa mga baboy. Kaya't hiniling nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain. Pagsakay ni Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Hesus, kundi sinabi niya: ''Umuwi ka sa iyong
    mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo. ''Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat.

     

    Pagninilay:

    Lahat ba ng inaalihan ng evil spirit ay masasamang tao?  

    Meron akong isang kaibigang madasalin, mabait at mapagkawanggawa.  Napasukan siya ng evil spirit habang nag-aatend sa isang meeting. Pansinin ninyo, mga kapanalig, hindi lang mga masasamang tao ang nilalapitan ng evil spirit; pati ang mga madasalin at nagsisikap na magpakabait.  Alam ninyo kung paano na-set free ang aking kaibigan?  Sa loob ng ilang araw, ni-recite niya: “Jesus, I love you,” tuloy tuloy araw gabi!  And the mighty name of Jesus freed her!   Tayo ay alipin ng ating mga masasamang hilig, at tinutukso palagi ng mundo at ng demonyo.

    Gusto natin ang victory? Let’s call on Jesus. Siya lang ang may kapangyarihang makapagpalaya sa atin.  Speak the mighty name, na ayon kay San Pablo, ang pangalang higit sa anumang pangalan at niluluhuran ng lahat sa langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa at ipapahayag ng lahat na dila na si Hesukristo ang Panginoon sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Amen. Jesus, I love you!

     

    6 min
  • A Thought A Day | January 29, 2024

    A Thought A Day | January 29, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Enero 28, 2024 – Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 28, 2024 – Ikaapat na Linggo sa

    Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Marcos 1: 21-28

    At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa

    Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Hesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka
    dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka’t lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit
    maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea.

     

     

    Pagninilay:

    Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang National Bible

    Sunday, isang okasyon na nagbibigay-pugay sa kahalagahan ng Banal na Kasulatan sa ating mga buhay.  Sa Mabuting Balita, narinig natin ang kwento ng pagtuturo ni Hesus sa sinagoga sa Capernaum. Ang mga tao ay namangha sa Kanyang turo, dahil nagtuturo Siya nang may awtoridad at hindi katulad ng mga eskriba. Pero hindi lamang ang awtoridad ni Hesus ang kinikilala ng mga tao, kundi pati na rin ang katotohanan ng Kanyang mga aral. Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay-buhay at nagpapalakas sa mga puso ng mga nakikinig. Mga kapanalig, ang Salita ng Diyos ay nagdadala ng liwanag sa kadiliman, ng pag-asa sa kawalan, at ng buhay sa mga patay na kaluluwa. Sa pagdiriwang natin ng National Bible Sunday,
    inaanyayahan tayo na magbalik-tanaw sa kahalagahan ng Banal na Kasulatan sa ating mga buhay. Ang Biblia ay hindi lamang isang libro; ito ay isang biyaya mula sa Diyos, isang gabay sa ating paglalakbay sa buhay.  Sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, natutunan natin ang mga aral ng Diyos, ang Kanyang
    pagmamahal, at ang Kanyang plano para sa atin. Ipinapahayag nito sa atin kung paano maging tapat na mga alagad ng Diyos. Kaya naman basahin natin ang Biblia, aralin natin ito, dalhin natin sa panalangin ang ating mga natutunan, isabuhay ang mga aral nito at ibahagi ito sa ating kapwa.

    6 min
  • Walking with the Saints l Feast of St. Thomas Aquinas, The Angelic Doctor, Patron Saint of Universities and Scholars l January 28

    Walking with the Saints l Feast of St. Thomas Aquinas, The Angelic Doctor, Patron Saint of Universities and Scholars l January 28


    St. Thomas Aquinas besides being a theologian is called The Angelic Doctor because of his angelic wisdom, angelic piety, and his writing on Angels. Thomas, son of Landulph, Count of Aquino, was born in 1224 in Roccasecca, Kingdom of Sicily, Italy. At five years of age, he was place at the Monastery in Monte Casino for his Education. Later, he was sent to the University of Naples where he studied philosophy. While studying, he kept himself pure and virtous. At age seventeen, he entered the Dominican

    Order, but his parents opposed it, since the order live in absolute poverty and renunciation. He was abducted and was kept at home for two years. Once, his brothers, who wanted to dissuade him from becoming a priest, brought a prostitute I his room. But Thomas refused to touch her and immediately drove her out with a torch.  In 1245, when he was set free, Thomas went to Paris and studied Theology and Philosophy at a Dominican Monastery under the future Saint albert the Great (Albertus Magnus).  “In 1252, he obtained his doctorate in Theology. Due to his modesty, he was often silent called him the “dumb ox,” Albert the great came to his defense and said: “You call this young man a “dumb
    ox” but his writings in due time will resound throughout the world. “Thomas was able to reconcile theology and philosophy (faith and reason), saying that they are compatible and collaborate with each other in proving the existing of  God. One morning in 1273 he had a vision. He heard a voice coming from the Crucifix saying: “Thou hast written well of me, Thomas, what reward wilt thou have? “He answered: “None, other than thyself, Lord.” In January 1274, he travelled to Lyon, France, on foot, to serve at the
    Second Council, but he fell ill and lodged at the Cisterian Monastery in Fossanova, Italy, where he died on March 7, 1274.

    St Thomas wrote some 60 important and popular works. Foremost among his books are: Summa Theologiae and Summa

    Contro Gentiles. There are about 6,000 written commentaries about hid works. He also wrote a Beautiful Eucharistichymns. St Thomas is also called the Universal teacher for the breathed and depth of his teachings. He was canonized by Pope John XXll on July 18, 1323. His Feast day is January 28.

     Virtue: Angelic piety, angelic purity, modesty, fortitude, wisdom.

     Prayer: Let us pray the prayer of St Thomas. “Grant to me, O Lord God,

    vigilant heart that no subtle speculation may ever lead me from You; a noble heart that no unworthy affection may draw me from you;  an upright heart that no evil purpose may turn me from you.”

    5 min
  • A Thought A Day | January 28, 2024

    A Thought A Day | January 28, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Enero 27, 2024 – Sabado l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 27, 2024 – Sabado

    Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Marcos 4:35-41

    Kinahapunan ng araw na iyon, sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.”  Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Hesus sa bangkang inuupuan niya.  At may iba pang mga bangka na kasabay nila.  At nagkaroon ng malakas na ipuipo.  Hinampas ng mga alon ang bangka

    at halos lumubog na samantalang tulog siya sa kutson sa hulihan.  Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at balewala sa iyo!”  Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tumahimik, huwag kumibo.”  Nabawasan ang hangin at nagkaroon ng ganap na kapayapaan.  At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo!  Bakit?  Wala pa ba kayong paniwala?” Ngunit lalo silang nasindak at nag-usap-usap: “Sino ba ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?”

     

     

    Pagninilay:

    Bakit kayo natatakot?” Takot magtiwala. Takot magmahal. Takot masaktan. Takot umasa. Takot magkamali. Takot mamatay. At marami pang uri ng takot na maaaring totoo o kathang-isip

    lang. Kaakibat ng takot ang kawalan ng pag-asa, depresyon, at labis na pag-aalala. Dahil sa takot, mailap para sa atin ang kapayapaan at kapanatagan ng puso at isipan. Sa isang banda, may kabutihan din naman ang takot. Dahil sa takot, nakakaiwas tayo sa mga bagay, tao, o sitwasyon na makakapagpahamak sa
    atin.  Dahil sa takot, naaalala natin na sa lahat ng bagay, kinakailangan natin ang tulong ng Diyos. Sa kanya lang tayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan. Tulad ng mga alagad, lapitan natin si Hesus sa tuwing binabayo ng matinding hangin at unos ang ating buhay. Huwag nating sabihing: “Simple lang
    naman ang problema ko. Busy ang Diyos san mas malalaking bagay.” Para sa Diyos, walang malaki o maliit na problema kung buong kababaang loob na idudulog sa kanya. Kapanalig, importante ka. Importante tayo. Agad babangon si
    Hesus at sasabihin sa hangin ang ating mga alalahanin, “Tigil!” at sa lawa ng naguguluhan nating puso, “Tumahimik ka!”. “Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?”

    Manalangin tayo: Panginoon, maging lakas ka namin sa tuwing nakakaramdam kami ng takot at panghihina ng loob. Maramdaman nawa namin ang iyong presensya sa kabila ng dilim ng kawalan ng pag-asa. Patibayin po ninyo ang aming pananampalataya. Amen.

    6 min
  • A Thought A Day | January 27, 2024

    A Thought A Day | January 27, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Marcos 4:26-34

    Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit

    pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila
    nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.

     

     Pagninilay:   

    Ipinagdiriwang natin ngayon ang memorial nina San Timoteo at San Tito, mga kasamahan ni San Pablo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.  Sina Timoteo at Tito ay pawang mga naging Obispo ng Santa Iglesya. Kilala natin sila, dahil sa mga ginawang sulat ni San Pablo para sa kanila. Sa diwa ng Mabuting

    Balita, sina Timoteo at Tito, ay kabilang sa pitumpu’t-dalawang hinirang ni Hesus at sinugong dala-dalawa sa mga bayan-bayan ng Israel. Sila rin ang kasagutan sa panalangin ni Hesus na: Idalangin n’yo sa panginoon ng ani na magsugo siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Ngayong araw, hinihikayat tayo
    ng Santa Iglesiya, na tularan sila sa kanilang masigasig na pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Bagama’t kapos sa mga material na bagay: carry no money bag, no sack, no sandals, patuloy pa rin sila sa kanilang misyong gabayan, ang mga
    komunidad na itinatatag ni San Pablo. They bear their share of hardship for the sake of the Gospel.  Gayon din ang ginawa
    ni San Pablo. After establishing a new Christian community, Paul would move on to a new area to share the Gospel. He often asked Timothy or Titus to stay behind to support and encourage the new community in living their faith. Marahil pinili ni San Pablo sina Timoteo at Tito bilang kanyang mga katulong, dahil nakita niya kung gaano sila katiyaga sa kanilang gawain, at nakikiramay sila sa mga tao. We can also pray to these two saints, asking them to help us to become more patient and considerate in our daily lives, as they were. Amen.


    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.