PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: MARCOS 10:13-16

    May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo

    silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila.

    Pagninilay:

    Viva Sto. Nino!!!  Naglalakad ako noon sa loob ng simbahan nang

    aking nadaanan ang isang mag-ina, na kung saan ang anak ay nag-iingay at naglalaro. Sabi ng nanay sa anak, “Anak punta ka dito. Behave ka. Magagalit si Father!” Naku! ginawa pa akong panakot upang tumahimik ang bata. Aminin, marami
    sa atin ang ginagawa ito!!!  Sa ating Mabuting Balita, pinapakita sa atin na hindi dapat katakutan si Hesus. Sa katunayan, dinala pa nga ng mga nakatatanda ang mga bata para basbasan ng
    Panginoon. Pero ano ang nangyari? Hinarang ng mga alagad ang mga taong may tangan-tangang mga bata. Ayaw ng mga alagad na maistorbo si Hesus sa pagtuturo,dahil na rin marahil likas sa mga ito ang pagiging maiingay at magugulo. Pero ano ang nangyari? Sa halip na hindi pansinin ang mga ito, nagsalita si Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.” 
    And wait—papunta na tayo sa most exciting part—dagdag pa ni Hesus, “may Karapatan din ang mga bata sa kaharian ng Diyos … at sana tularan ang mga ito sa pagtanggap sa kaharian.” Ang ganda naman noon!!! Hindi lang kinilala ni Hesus ang karapatan ng mga bata, itinaas pa niya ang dignidad ng mga ito. Paano
    nga ba ang maging bata noon? Tinuturing silang the last, the least; and the lost – walang karapatan, walang silbi at tinig sa lipunan. Binago ni Hesus ang ganitong pananaw. Para kay Hesus, maging sino ka man; matanda ka man o bata, lahat tayo ay anak ng Diyos—may dignidad, may silbi at may tinig sa kaharian ng
    Diyos.  Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino, muli tayong pinapa-alalahanan na si Hesus ay tunay na naging tao. Siya din ay naging bata, hanggang siya ay lumaki.
    Pangalawa, ang kaharian ng Diyos ay walang pinipili na lahi, edad, kulay, kasarian at estado sa Lipunan. Lahat ay may karapatan, kahit bata. Tayo ay mga anak niya at iyan ang mahalaga at hindi magbabago. Amen.

    6 min
  • A Thought A Day | January 21, 2024

    A Thought A Day | January 21, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    4 min
  • Mabuting Balita l Enero 20, 2024 – Sabado l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 20, 2024 – Sabado

    Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Marcos 3:20-21

    Pagkauwi ni Hesus kasama ang kanyang mga alagad, nagsidating ang mga tao kayat hindi na sila nakakain. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kamag-anak, lumabas sila para hulihin siya. Sinasabi nga nilang “Nababaliw siya.”

     

     

    Pagninilay:

    Tinatalakay sa Ikatlong kapitulo ng Mabuting Balita ayon kay San

    Marko ang pagpapagaling ni Hesus sa mga maysakit, ang kanyang pangangaral sa mga tao, at ang pagtawag niya sa labindalawang alagad. Nakarating sa malalayong lugar ang mga himalang ginawa ni Hesus, ang kanyang pagpapagaling sa mga
    maysakit, ang pagpapalayas sa mga demonyo, kung kaya nagsidatingan ang napakaraming mga tao, hindi lamang upang makinig sa kanyang salita, kundi upang mapagaling din ang mga may karamdaman. Sinasabi sa Mabuting Balita na hindi na
    makuhang kumain ni Hesus, dahil sa dami ng mga tao na pumupunta sa kanya. Pero sa tindi ng kanyang awa, hindi niya maitaboy ang mga taong ito, kahit na wala na siyang oras para sa sarili niya. Hindi nakapagtatakang maging ang kanyang
    mga kamag-anak ay nag alala sa kanya. Wala na ba siyang isip? Nasisiraan na ba siya? ‘Di ba't ganito rin ang ating karaniwang reaksyon pag ang isang mahal natin sa Buhay ay sobrang ibinubuhos ang sarili sa paglilingkod sa kapwa? Sinasabi natin, ‘di man lang bigyan ng panahon ang sarili. Buhos buhos ang paglilingkod.  Mga kapanalig, kapag ang nag-uudyok sa isang tao na maglingkod, ay taos na pag-ibig
    para sa kapwa, ang hinanakit at pagod ay walang puwang sa puso. Isipin na lang natin ang ating mga magulang, na buong sipag na nagtatrabaho at nagsasakripisyo ng matindi, para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Ang
    isang ina na inaalagaan ang kanyang sanggol 24/7 hanggang sa paglaki nito. Ang mga doktor na nagpupunta sa mga baryo at liblib na pook, para gamutin ang mahihirap nating kababayan, na di makapunta ng ospital. Ilan lamang ito sa maraming halimbawa, na nagpapakita sa atin ng tunay na paglilingkod, na nagmumula sa kaibuturan ng puso. Mga kapanalig, si Hesus ang ating huwaran sa paglilingkod sa kapwa. Nawa'y hindi tayo magsawang tumulong sa ating kapwa at laging ipakita ang ating pagmamahal sa mga nangangailangan.

    6 min
  • Walking with the Saints l Feast of St. Sebastian, Patron Saint of Soldiers l January 20

    Walking with the Saints l Feast of St. Sebastian, Patron Saint of Soldiers l January 20


    Our saint for today is the patron saint of soldiers, athletes and those who desire to die a saintly death. He was Sebastian,

    a Christian youth from southern France, born about 256 A.D. He was reared as a Christian and was sent by his parents to study in Milan. When he came of age, he joined the Roman Army, and discovered how fiercely the Christians were being persecuted by the Emperors of the Roman Empire. He, therefore, decided to
    secretly help the persecuted Christians. As a soldier, he distinguished himself for his excellent service and was at once promoted to the rank of Praetorian Guards who were tasked to guard and protect the Emperor. While serving in this capacity, he tried to convert the pagans around him and helped the imprisoned Christians. Instead of beating them, he preached secretly to them about Jesus Christ.

    Once, two Christian brothers, who were deacons, were arrested and imprisoned for not offering sacrifices to the Emperor. Their parents came to convince them to give up Christianity but

    Sebastian stopped them from this foolish idea. He instructed them and they too, were converted to Christianity. Those who heard Sebastian’s preaching, including the Prefect of Rome and his son, were also converted. Many people came to Sebastian in secret to hear him preach.

    But this activity led to the discovery that Sebastian was a Christian. The Emperor called for him, gave him a nice

    scolding, reproached him for being ungrateful to him, and since Sebastian could not follow his command to deny his faith, he ordered that Sebastian be tied and brought to the training field of the soldiers to be used as the target for shooting practice. Tied to a tree, Sebastian was punctured with many arrows and thinking that he was dead, he was thrown into the open field.  Fortunately, he was discovered by Irene, wife of Diocletian’s servant, who was earlier martyred. Irene took care of him, and soon his wounds were healed and his health was restored. Sebastian went to
    Emperor Diocletian to surprise him that he was alive. He met him at the stairwell and reminded him about his sin in persecuting the Christians. The Emperor got frightened but gaining his composure, he told other guards to tie Sebastian, beat him with clubs until death and throw him into the sewers of Rome. The order was immediately executed and Sebastian’s body was pierced with many arrows that he looked like an urchin, a sea creature with hard and long spines. His dead body was found by a certain Lucina, who gave it a proper burial at the entrance of the catacombs of Rome. Some 80 years later, his body was
    transferred to a basilica in Rome and his relics were claimed by many believers. St. Sebastian was proclaimed patron of soldiers. He is also patron of athletes due to the fact that his first punishment from the emperor was to make him a target for soldiers learning to shoot an arrow. It was like a game
    which amused the pagan soldiers. He is usually depicted tied to a tree and pierced by arrows. Because of his holy life, he is also invoked as protector against bubonic and other plagues. His feast day is January 20.

    Virtue: piety, humility, courage, fortitude, charity and patience

    Prayer: “St. Sebastian, you showed your great fortitude in witnessing to your Christian faith, pray for us that we

    may have the courage and joy to live as true Christians.”

     

    5 min
  • A Thought A Day | January 20, 2024

    A Thought A Day | January 20, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    4 min
  • Mabuting Balita l Enero 19, 2024 – Biyernes l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Enero 19, 2024 – Biyernes l Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Marcos 3:13-19

    Umakyat si Hesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya.  At lumapit sila sa kanya. Sa gayon niya hinirang ang labindalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral at magkaroon ng kapangyarihan

    upang palayasin ang mga demonyo. Kaya itinalaga niya ang Labindalawa at tinawag na Pedro si Simon, at si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi'y “Sina-Parang-Kulog”; at saka si Andres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.

     

     

     

    Pagninilay:

    Mahalagang kilalanin ang mga apostol ni Hesus, dahil kahit

    nabuhay sila noong unang panahon, maaari pa rin nating kapulutan ng aral ang kanilang buhay espiritwal. Mahabang talakayan kung iisa-isahin pa natin ang labindalawa, kaya pumili lang ako ng tatlong apostol: Sina Pedro, Mateo, at Tomas. Si Simon na tinawag na Pedro ay kilala sa pagiging “impulsive” at
    “emotional”. Mabilis siyang mag-react at magsabi ng kanyang opinyon nang hindi lubusang napag-iisipan. Dahil dito madalas siyang magkamali pero mabilis naming tumanggap at magtuwid ng kanyang pagkakamali. Si Mateo naman, tulad natin, nais
    niya ring maranasan ang tanggapin at mahalin. Kaya nang makilala niya si Hesus, tinalikuran nya ang marangyang buhay at sumunod kay Hesus. Para sa kanya, si Hesus ay higit na mahalaga sa anumang materyal na bagay sa mundo. Tinanggap siya ni Hesus sa kabila ng kanyang mga kasalanan at kahinaan. Binigyan siya ng pagkakataon upang magbago. Kilalanin naman natin ngayon si Tomas, ang mapagdudang si Tomas. Kaiba siya sa mga apostol na nagdududa rin naman kay Hesus bilang Mesiyas, dahil si Tomas ay prangka. Sinasabi Niya ang kanyang mga pagdududa at saloobin. Hindi nya ito tinatago, at di rin niya alintana kung ano
    ang magiging tingin sa kanya ng iba, ang mahalaga, mabigyang linaw ang anumang pagdududa sa isip niya. Tingnan natin ang ating sarili: Ako ba si Pedro? Ako ba si Mateo, o Ako ba si Tomas?

    Manalangin tayo: Panginoong Hesus buksan nyo po ang aming puso’t isipan upang makilala namin ang aming sarili at bukas-palad na maialay ito sa paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. Amen.


    6 min
  • A Thought A Day | January 19, 2024

    A Thought A Day | January 19, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Enero 18, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Taon

    Mabuting Balita l Enero 18, 2024 – Huwebes

    Ikalawang Linggo ng Taon       

    Ebanghelyo: Marcos 3:7-12

    Lumayo si Hesus na kasama ang kanyang mga alagad papunta sa dagat.  Maraming taga-Galilea ang sumunod sa kanya. Mayroon din namang mga taong galing sa Judea at Jerusalem, at sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa Tiro at Sidon. 

    Maraming-marami ang nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang lahat niyang ginagawa. Kaya tinagubilinan niya ang kanyang mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa kanya dahil maraming tao, at baka nila siya maipit.  Marami na siyang pinagaling kaya pilit siyang inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo siya.  Sinusugod siya ng mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita sa kanya.  Nagpapatirapa sila sa kanyang paanan at pasigaw nilang sinasabi: “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang ibunyag.

     

     

    Pagninilay

    Narinig natin sa Mabuting Balita, na isang malaking pulutong ng tao, mula sa iba't ibang lugar at rehiyon ang sumusunod kay Hesus. Malamang sila’y naglalakbay ng maraming araw,

    upang makita si Hesus. What was it that drew people to Jesus? Marahil, magkaka-iba ang sagot. Ang ilan sa kanila ay dahil curious, kaya gusting makita si Hesus. Ang iba nama’y naghahanap ng kagalingan. Gusto ng iba, na mapakinggan
    ang mga aral at turo ni Hesus. Mangilan-ngilan sa kanila, gustong malaman kung siya nga ba ang Mesiyas. Ang iba naman, humanap ng ebidensyang gagamitin laban sa kanya. Ikaw naman, kapanalig? Bakit ka naaakit kay Hesus? Ano ang iyong
    pangunahing layunin sa pagsunod sa kanya? Isa sa mga dahilan, kung bakit positibo ang tugon ng mga tao kay Pope Francis, ay dahil nakikita nila sa kanya si Kristo - sa kanyang kababaang-loob at pagiging simple. Ipinakita ni Pope Francis ang kanyang sarili sa mundo, bilang isang icon ng pagiging simple at mababang-loob.
    Iniiwasang gamitin ni Pope Francis ang papal limousine, at hindi siya tumira sa magarbong Apostolic Palace. At ang mga tao mula sa lahat ng dako, sa lahat ng antas ng pamumuhay, ay hinangaan at iginagalang siya. Isinasabuhay at sinusunod ni Pope Francis ang turo ng kanyang Gurong - si Hesukristo. Mga kapanalig, tayo
    din ay nahaharap sa isang malaking hamon na tularan ang Panginoong Hesus. Ang Kanyang pagpapakumbaba ay nagbibigay ng tamang landas at nagsisilbing-daan, upang maitanim natin sa iba ang katotohanan ng Mabuting Balita. Ano kaya ang magiging epekto, kung mas makikita ng mga tao si Kristo sa atin? Nawa'y ang ating presensya ay maging isang magnet, na umaakit sa mga tao upang maihatid natin sila sa Diyos. Amen.

     

     

    6 min
  • A Thought A Day | January 18, 2024

    A Thought A Day | January 18, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Enero 17, 2024 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Taon

    Mabuting Balita l Enero 17, 2024 – Miyerkules l Ikalawang Linggo ng Taon

    Ebanghelyo: Marcos 3:1-6

    Pumasok si Hesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na

    hindi maigalaw ang kamay, at may gusto ring isumbong si Hesus. Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Hesus sa Araw ng Pahinga. At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama,
    magligtas ng buhay o pumatay?” At hindi sila umimik. Kaya tiningnan niya silang lahat, na nagagalit at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso, at sinabi sa lalaki: “lunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling
    ito. Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.

     

     Pagninilay:

    Sa Sinagoga kung saan nagtitipon ang mga tao noong panahon ng ating Panginoong Hesus para sa kanilang pagsamba at pag-aaral, pinagmamasdan nila ang ating Panginoon kung siya ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang siya ay kanilang maisakdal. Mga kapanalig, narinig natin sa pagbasa na tinanong ng Panginoong Hesus ang mga taong nagmamasid sa kanya.  Aniya’y, “Ipinahihintulot ba ang gumawa ng mabuti sa Araw ng

    Pamamahinga o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay O pumatay? At lahat sila ay hindi nakaimik! Sa ating pang- araw- araw na buhay maaaring hindi tayo nalalayo sa karanasang tulad ng sa ating Panginoon Hesus.  Yung may nakamasid sa’yo
    habang ginagampanan ang iyong mga gawain, upang kung sakaling magkamali ka, tuwiran ka nilang pagsasabihan ng iyong pagkakamali. Sa isang banda, dapat din nating i-appreciate ang positibong dulot ng pagtutuwid ng mahinahon sa ating pagkakamali, para na rin sa ating ikabubuti.  Sa kabilang banda, mahalagang matanto natin, na hindi natin kayang maibigay ang lahat ng kagustuhan ng mga tao.” We cannot please everybody.” Ang mahalaga gumawa tayo ayon sa ating misyon.

     

     

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.