Mabuting Balita l Enero 10, 2024 – Miyerkulis l Unang Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: MARCOS 1:29-39
Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang
biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Hesus. Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masamang espiritu.
Nasa may pintuan nga ang buong bayan. Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na
lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong
Galilea at nagpalayas ng mga demonyo.
Sa pelikulang “Nanny Mcphee”, may tanyag na linya na sinasabi
siya, “When you need me, but do not want me, then I must stay. When you want me, but no longer need me, then I have to go.” Sa Tagalog, “Kung kailangan mo ako pero di mo ako gusto, dito lang ako sa tabi mo. Pero kung gusto mo na ako at di naman na talaga kailangan, dapat na akong umalis.” Tulad ni Nanny Mcphee,
si Hesus ay inayawan din ng mga tao sa simula. Pero nang
makita nila ang mga milagrong ginawa nya tulad ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas sa mga demonyo, hinahanap-hanap na nila siya at ayaw na nilang paalisin. Pero, sinabi ni Hesus sa mga apostol, “Kailangang pumunta rin tayo
sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko.” Sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, dapat tayong maging “detached” sa lahat ng bagay, tao at lugar upang malaya tayong makatugon sa mga taong higit na
nangangailangan ng ating tulong. Mga kapanalig, ang
“detachment” na tinutukoy ko ay hindi tulad ng indifference o
kawalan ng pakialam sa nangyayari sa paligid natin. Sa halip, hinihikayat tayong lumabas sa ating mga “
comfort zones” at ibahagi sa iba ang mga biyayang ibinigay din naman ng Diyos sa atin.
Manalangin tayo: Panginoon tulungan Mo po kaming
maging malaya. Itinataas po namin sa Inyo ang lahat ng bagay, tao at lugar na pumipigil sa amin sa pagtugon sa kalooban Ninyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo. Amen.