PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Hulyo 17, 2023 – Lunes

    Mabuting

    Balita l Hulyo 17, 2023

    Lunes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 10:34—11:1

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. Dumating akong taglay ang paghihiwalay: ng

    tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. At magiging kaaway ng bawat isa ang kanyang mga kasambahay. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin. At hindi karapat-dapat sa akin ang sinumang hindi nagpapasan sa kanyang krus at
    sumusunod sa akin. Nawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagpapahalaga nito, at matatagpuan naman ito ng nawawalan ng kanyang sarili. Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumatanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may
    tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sasabihin kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.” Nang matapos si Hesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan.

    Pagninilay:

    Sa unang pandinig tila hindi Mabuting Balita ang Ebanghelyo ngayon.  Akalain mo, hindi kapayapaan ang dala ng Panginoon kundi paghihiwalay.  Parang taliwas ito sa mga natutunan nating aral na ang Panginoon tagapaghatid ng kapayapaan at pagkakaisa.  Bakit sa Ebanghelyo ngayon sinasabi Niya na hindi kapayapaan kundi tabak

    ang Kanyang dala.  Mga kapatid, nais ipaunawa sa atin ng Panginoon na kapag sinikap nating panindigan ang Kanyang mga turo – magdudulot ito ng pagkakahati-hati ng opinyon maging sa’ting mga kamag-anakan. Dahil ang Salita ng Diyos, higit na matalas kaysa alinmang tabak
    na may magkabilang talim. Nakasusugat ito ng budhing namumuhay nang taliwas sa kalooban ng Diyos; pero nakapagpapagaling din ng kaluluwang napapalayo sa Diyos.  Susubukin nito ang ating pananampalataya at mga pinahahalagahan; ang ating mga pinagkakaabalahan at gawaing binibigyan ng maraming panahon. 
    Kung susuriin natin kung paano natin ginagamit ang bawat araw na
    pinapahiram ng Diyos – kasama ba ang Diyos sa hanay ng ating pinaglalaanan ng panahon?  Kung hindi pa, panahon na para
    unahin Siya sa hanay ng ating prioridad.  Dahil kung uunahin natin ang Diyos at lagi nating sisimulan ang bawat araw sa pagdarasal at paghabilin sa Kanya nang lahat ng mangyayari sa buong araw, mamumuhay tayong mapayapa ang puso, laging umaasa na di tayo pababayaan ng Diyos.

    5 min
  • A Thought A Day | July 17 2023

    A Thought A Day | July 17 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo

    Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 13:1-9

    Umalis sa bahay si Hesus at naupo sa may dalampasigan. Ngunit maraming tao ang natipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao. At marami siyang ipinahayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. At sinabi ni Hesus: "Lumabas na ang maghahasik para maghasik. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog

    ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyot ito. Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. Makinig ang may tainga!

     

    Pagninilay:

    “Ang magtanim ay hindi biro”, sabi ng isang tradisyunal na awitin.  Totoo din ito sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos!  Hindi biro o hindi

    madali ang magpahayag ng Mabuting Balita dahil hindi ito laging tinatanggap ng mga tagapakinig.  Sa ating Mabuting Balita
    ngayon, ikinuwento ni Hesus ang talinghaga ng isang magsasaka na naghasik ng mga binhi na napadpad sa iba't ibang dako. May mga binhing hindi nagawang lumago dahil nahulog sila sa mga lupang hindi mainam para sa mga halaman.  Pero may mga binhing naging mabunga dahil nahulog sila sa matabang lupa, kung saan sapat ang mga sangkap upang lumago ang isang halaman. Mga kapanalig, hindi biro ang mga biyayang inihahasik ng Panginoon Diyos para sa atin.  Kaya naman
    dapat nating pagsikapang gawing “matabang lupa” ang ating puso, isipan at kaluluwa – ang ating buong pagkatao.  Alisin natin ang anumang magiging balakid upang matanggap natin ng maayos ang mga aral ng Mabuting Balita.  Huwag nating sayangin ang mga “binhi” o Salita ng Diyos na itinatanim sa atin.  Magbunga nawa ang mga aral nito sa atin.  Makita nawa ang mga bunga nito sa ating pag-iisip, pananalita at paggawa.

     

    - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 16 2023

    A Thought A Day | July 16 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    5 min
  • A Thought A Day | July 16 2023

    A Thought A Day | July 16 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 15, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Hulyo 15, 2023

    Sabado ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 10:24-33

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi hihigit sa kanyang guro ang alagad, o higit sa kanyang amo ang utusan. Hangad lamang ng alagad na tularan ang kanyang guro, at ng utusan ang kanyang amo. Kung tinawag na Beelzebul ang may-ari ng bahay, ano pa kaya ang kanyang mga kasambahay! Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang tinatakpan na hindi nabubunyag at walang natatago na hindi

    nahahayag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong. Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. Nabibili ang dalawang maya kahit na sa ilang sentimo, wala isa mang bumabagsak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. Kaya huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya. Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.”

     

    Pagninilay:

    “Huwag kayong matakot!” tatlong ulit na sinabi ng Panginoong

    Hesus sa Mabuting Balita ngayon. Habang naghahanda para sa bagong taon 2023, isang mensaheng naglalaman ng video ang pumasok sa aking messenger. Maya-maya pa, sunod-sunod nang pumasok ang parehong video galing sa ibat-ibang contacts, babalang may darating na malakas na bagyong higit na makakapinsala kesa sa Yolanda. Dumating ang isang kakilala, na nagpaalalang bumili na, nang mga kinakailangang pagkain, gamot, rechargeable lamp at iba pa, upang maging handa
    sa parating na kalamidad. Mga kapanalig, napakabilis magsiwalat ng takot sa social media. Isang press lang, matatanggap na ng mga contacts natin ang mensaheng ipinadala, pinag-isipan man o hindi. Naihasik ang takot sa isang iglap!  Marahil, paraan ito ng kaaway
    upang tuluyan tayong mawalan ng tiwala at pananampalataya sa Panginoong Hesus. “Huwag kayong matakot,” Tatlong daan animnapu’t limang (365) beses itong sinabi ng Panginoon sa Banal na Biblia upang maisapuso natin araw-araw, at magtiwalang hindi Niya tayo pababayaan. Yung videong nag-viral? CNN News pala noong December 4, 2014, pa. Kaya i-verify po muna bago magsiwalat, para maiwasan nating maging spreader ng fake news.

    Manalangin tayo: Panginoong Hesus, tulungan Mo po kaming kumapit ng mahigpit sa Iyong pangakong, “huwag matakot.” Nawa’y Sa’yo lamang kami magtiwala; at patuloy na manalig at makinig. Ang mapayapang yakap N’yo po ang makapagpapalaya sa aming mga takot sa buhay. Taos pusong itinataas po namin ito Sa’yo, aming Poong Mapagmahal at Tagapagligtas. Amen.

     

    - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 15 2023

    A Thought A Day | July 15 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of ST. CAMILLUS DE LELLIS, Patron Saint of the Sick and of Nurses | July 14

    Walking with the Saints Podcast | Feast of ST. CAMILLUS DE LELLIS, Patron Saint of the Sick and of Nurses | July 14

     

     “To serve the sick, even with danger to our own life.” This is the fourth vow professed by the Camillians, priests, brothers and nuns whose work is to take care of the sick. Our saint for today is St. Camillus de Lellis, Founder of the Camillians. St. Camillus was born on May 25, 1550 in Abruzzo, Naples. His father was an army officer and his mother died while he was still young, so he grew up a neglected child. He was addicted to gambling. He joined his father when he was 16 and they fought against the Turks, where he received a wound in the leg which would not heal. When his unit was disbanded, being of an aggressive nature, he gambled all his possessions and lost everything.

    Knowing nowhere to go, he presented himself at a Franciscan friary to work as a houseboy. The guardian of the friary tried to help him live a virtuous life and in 1575 he hada conversion and asked to become a novice of the Franciscans. But due to his incurable wound he was not accepted. He went to Rome and became a caregiver in a hospital for incurable diseases. He was promoted to a higher position and he began to live a strict ascetic life: praying, fasting, making other penances. He even wore a hairshirt. Fortunately, he met Philip Neri, another future

    saint, who became his spiritual director. Camillus wanted to improve the care for the sick, not only physically, but spiritually, so he planned to establish his own hospital. But to be able to do this, he needed to become a priest first. Philip Neri helped him find a benefactor who paid for all his expenses in his seminary studies.

    In 1584, he was ordained priest by a British Bishop. Then he began his foundation. He gathered followers and founded the Order of Cleric Regulars Ministers of the Infirm (M. I.), now known as Camillians. The Order had a Red Cross as symbol which is still used today. In 1601, while they were tending to the sick in the Battle of Canizza, their tent and all equipment got burned and only the Red Cross on a cassock, remained untouched. It was a sign for them that God is pleased with that symbol.  The Institute was approved by Pope Sixtus V in 1566. It was raised to the rank of an Order by Pope Gregory XV. IN 1591, they added a fourth vow “To serve the sick even with danger to one’s own life.”

    Meanwhile Fr. Camillus, who was general superior of the Order, continued to suffer due to his incurable wound and other ailments he got by serving the sick. In 1607, he resigned as superior general and a new one was elected. While accompanying this new superior on his visits, he got sick, was brought to Rome and died in 1614. He was buried in the church of St. Mary Magdalene in Rome. He was beatified in 1742 and canonized in 1746. He had the gift of healing and prophecy. From his

    spirituality were later born The Servants of the Sick of St. Camillus, the Daughters of St. Camillus, Institute of the Missionaries of the Sick Christ,
    Camillian Sisters and Lay Camillian Family. St. Camillus is patron of hospitals, nurses, physicians and gamblers.

    Virtue: zeal, charity, fortitude, courage, generousity

    Prayer: “O St. Camillus, who helped the sick in their temporal and spiritual needs, please pray that they may be patient and sanctify themselves through their suffering and obtain healing from God. Amen”

    Reflection: Do I visit the sick, give them some material help, and pray for their spiritual and physical healing?


    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes

    Biyernes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Mt 10:16-23

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay ng parang mga kalapati. Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag

    mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan n’yo. Ipapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas doon kayo maliligtas. Kung uusigin kayo sa isang bayan, tumakas kayo at pumunta sa kabilang bayan. Sinasabi ko sa inyo, bago ninyo matapos daanan ang lahat ng bayan sa Israel, darating na ang Anak ng Tao.”

     

    Pagninilay:

    Ang Ebanghelyong narinig natin ay karugtong ng Ebanghelyo kahapon at noong makalawa. Ang pagsusugo ng Panginoong Hesus sa mga alagad na ipangalat ang Mabuting Balita. At binigyan pa sila ng kapangyarihang magpagaling ng mga may sakit, ng mga inaalihan

    ng masasamang espiritu o demonyo, at kahit ang bumuhay ng mga patay. Sa madaling salita, isinugo ni Hesus ang Kanyang mga alagad para sa isang misyon.  Pero sa ating Mabuting Balita ngayon, nagbibigay ang Panginoon ng mga babala o warning sa kanilang isasagawang misyon. Tunay na hindi madali noon, at kahit sa panahon natin
    ngayon ang magsalita, tungkol sa katotohanan. Ilan ba sa atin ang naisasantabi o binabalewala, dahil sa pagsasalita ng isang bagay na tama o totoo, dahil hindi ‘yon matanggap ng iba, lalo na ng mga taong gumagawa ng mga bagay na taliwas sa turo ng Diyos? Mga kapanalig, sana’y hindi tayo panghinaan ng loob sa pagsasabi ng nararapat, at paggawa ng mabuti sa ating kapwa, kahit na may mga taong hindi
    sumasang ayon sa atin. Sabi nga ni Hesus, “Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang n’yong matatag hanggang wakas, kayo maliligtas.” Manalig tayo sa Panginoon. Amen.

     

    - SR. TINA MADRIGALLOS, fsp l Daughter’s of St. Paul

     

     


    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.