PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | July 26 2023

    A Thought A Day | July 26 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 - Martes

    Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023

    Martes ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Mateo 20:20-28

    Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n’ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s’ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n’ya para makiusap. Tinanong s’ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n’yo alam ang

    inyong hinihingi, maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.”  “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag
    sila ni Hesus at sinabi, “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s’ya ang maging lingkod n’yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s’ya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang Buhay bilang pagtubos sa marami.”  

     

    Pagninilay:

    Ipinagmamalaki natin sa buong mundo na ang Katoliko Kristyano ang pinaka-malaki at may pinaka-maraming miyembro. Ipinagmamalaki natin

    na tayo ay Kristyano.  Oo Kristyano tayo pero ang tanong: “Kristyano ba tayo sa pangalan lang o Kristyano tayo kasi tunay tayong tagasunod ng ating Panginoong Hesukristo?” Sa ating Mabuting Balita, ito rin ang tinatanong ng ating Panginoong Hesukristo: “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?”  Mga kapanalig, ang pagsunod sa ating
    Panginoong Hesukristo ay hindi parang Insurance Company, na kapag sumunod tayo sa Kanya ay ligtas na tayo sa mga paghihirap. Alalahanin natin na kung ang ating Panginoon ay hinarap ang hirap, asahan natin na tayo din, ay hindi ligtas na harapin ang mga ito. 

     Ang isa pa sa mga tanda ng pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo ay ang pagsisilbi. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal lang natin ang Panginoon pero hindi natin mahal ang ating kapwa.  Hindi na natin kasama ang ating Panginoong Hesukristo ng pisikal, pero pinaalalahanan niya tayo sa kanyang mga turo na siya ay nananahan sa bawat isa sa atin. Kaya naman matatagpuan ang presensya ng ating Panginoong HesuKristo sa mga buhay natin. Dito natin maiintindihan ang mensahe ng ating Panginoong Hesukristo na kailanma’y hindi pwedeng paghiwalayin ang Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Parehong dakila ang mga kautusang ito. Nawa ang ating pagsamba sa Diyos, hindi lang manatili na pagsamba o kaya maging lip service. Sa halip, ang ating pagsamba sa Diyos ang siyang mag udyok sa atin sa pagsisilbi sa kapwa. Sa madaling salita, ang tunay na Kristyano ay hindi lamang sa salita, kundi nakikita ito sa kanyang kilos at gawa. Naipapamalas niya ang kanyang pagiging alagad ng ating Panginoon sa pagpapakita ng Awa, Habag at Pagmamahal sa kapwa. Amen.

     

    - Fr. Sebastian Gadia, SSP l Society of St. Paul

     



    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Christina, the Astonishing, Patron Saint of those Suffering Mental illness | July 24

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Christina, the Astonishing, Patron Saint of those Suffering Mental illness | July 24

     

     

    Our saint for today is St. Christina, the Astonishing. Just why she is called “astonishing” is what we shall discover in today’s episode of “WALKING WITH THE SAINTS.” St. Christina’s life story is credible

    as they were confirmed by Bishops, Cardinals and some saints. Born in a small town in Belgium in 1159, Christina was orphaned early in life and when she was a teenager, she worked as a shepherdess. One morning, when she was in her early 20’s, she had a massive seizure and remained lying on the ground. Those around her pronounced her dead.
    Soon, they brought her to the local parish for her funeral. In the middle of the funeral service, she suddenly woke up, stood straight erect as if nothing had happened.  Then she started levitating up to the ceiling. When she stopped levitating, she explained that she had really died. When her soul separated from her body, she was privileged
    to see a glimpse of the sufferings of Purgatory. God gave her a choice: either to go to heaven or return to earth to make reparation for the sins of those souls who are suffering. Moved with pity for them, she chose the latter. Taking seriously her desire to make penance for the suffering souls, she voluntarily lived in poverty, left her home and as a mendicant lived on the streets, wearing ragged clothes. She avoided any human contact and sought more penances and deprivation. Some thought she was mentally ill. People would see her throw herself intentionally into fires. While those around could hear her shrieks, when she got out from the fire, she would be completely unscathed. She intentionally run through thickets and thorn bushes, and her cry due to pain could be heard, but when she came out of those thorns, she had no bruises at all. During winter time, she would remain in the freezing water for hours even for an entire day. She would always look for occasions to
    harm herself but after that event, she always looked seemingly unharmed. Another thing which was so astonishing about her was her levitation. She said that her levitation were occasioned by the presence of sinful people whose spiritual stink she could not bear.

    Among those who witnessed her behavior were the Cardinal-historianl Jaques de Virty, and Thomas of Cantimpre, writer and theologian and student of St. Albert the Great. Lastly, here is what St. Robert Bellarmine, a Cardinal and Doctor of the Church said about her: “We have reason

    for believing our witness. Everyone could see that she was in the midst of flames not being consumed, had wounds which disappeared a few moments afterwards. But more than this was her marvelous life, forty years after she was raised from the dead, with God clearly showing the wonders wrought by her virtues.” Someone may ask why God allows a person to do these extreme things? That is for God’s own purposes so that people may believe in the existence of Purgatory.
    The many conversions she effected and the miracles she performed proved the finger of God, and the truth about the other life. The incredulous are inexcusable, those who believe but do not do penance are still more to be condemned.”

    Virtue: piety, humility integrity, charity, bravery, perseverance, poverty, consistency

    “St. Christina, help us to follow the Commandments so as to avoid Purgatory.”

    Reflection: Do I believe in Purgatory and do I pray for the suffering souls?

     

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 24 2023

    A Thought A Day | July 24 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 24, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Hulyo 24, 2023

    Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 12:38-42

    Sinabi ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng tanda mula sa iyo.” Sumagot si Hesus: “Isang palatandaan ang hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas. Kung papaanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng balyena si Jonas noon, gayundin naman tatlong araw at tatlong

    gabing mananatili sa ilalim ng lupa ang Anak ng Tao. Sa paghuhukom, babangon ang mga taga-Ninive kasama ng mga taong ito at hahatulan ang salinlahing ito sapagkat nagpanibagumbuhay sila sa pangangaral ni Jonas. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog, kasama ang mga taong ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon, at dito’y may mas dakila pa kay Solomon.”

     

    Pagninilay:

    Ikaw ba ay nabibilang sa mga taong naniniwala lamang kung may makikitang tanda o patunay?  Sa ating Mabuting Balita ngayon, sinabi kay Hesus ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo, “Guro, gusto naming makakita ng tanda mula sa iyo.” Pero hindi sila pinagbigyan ni Hesus, sa halip, binanggit niya ang naganap kay Jonas at sa Reyna ng Sheba. Kung ang mga taong taga Ninive ay naniwala at nagbalik loob sa Diyos dahil sa mga babala ni Jonas, at ang Reyna ay dumating pa mula sa malayong lugar para masaksihan ang karunungan ni Haring Solomon, bakit hindi sila naniniwala sa taong mas dakila pa kay Jonas at Haring Solomon, si Hesus?  Sabi nga ni St. Thomas Aquinas, “Sa isang may pananampalataya, walang paliwanag ang kailangan. Sa isang walang pananampalataya, walang paliwanag na posible “To one who has

    faith, no explanation is necessary. To one without faith, no explanation is
    possible.” Mga kapanalig, lagi sanang ipagdasal, higit pa sa materyal na bagay na pagkalooban tayo ng malalim na pananampalataya sa Diyos, dahil iyon ang makapagliligtas sa atin at magdadala sa atin sa buhay
    na walang hanggan. Amen.

     

    - Sr. Tina Madrigallos, fsp l Daughter’s of St. Paul


    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023 - Linggo

    Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023

    Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 13:24–30

    Binigyan ni Hesus ang mga tao ng isa pang talinhaga. “Naihahambing ang kaharian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masasamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis. Nang tumubo ang mga tanim at nag-simulang mamunga ng butil, naglitawan din ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabu-buting buto ang inihasik mo sa bukid, saan galing ang mga damo?’ Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng kaaway.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga damo?’ Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga damo, mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang tumubo hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin ninyo muna ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin sa aking kamalig.

     

     

    Pagninilay:

    May dalawang magkaugnay na reyalidad ang nais sabihin ng talinhaga sa ating Gospel ngayon: UNA, NA TAYO’Y PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN SA KASALANAN; AT IKALAWA, NA SA HULI’Y MANANAIG ANG KABUTIHAN. WALANG MAKAHAHADLANG SA PLANO NG DIYOS UPANG MAGING GANAP ANG KANYANG PAGHAHARI DITO SA MUNDO. Ikakalat at ikakalat ng Diyos ang kanyang salita at gawa sa mundo upang maging ganap ang kapayapaan, katarungan, at pag-ibig, kahit na anupaman ang maging pagtanggap natin dito. Pero, huwag kang pakampante dahil sa araw ng paghuhukom, tanging ang mga nanatiling tapat ang siyang makakasama ng Diyos.

    Kapanalig, ano ang dapat mong gawin habang may panahon ka pa dito sa mundo? Huwag kang pagagamit sa kasamaan, piliin mo lagi ang kabutihan. MAGING MATATAG KA AT HUWAG PAPADALA SA UDYOK NG KASALANAN.

    Sa pang araw-araw nating buhay, kinakailangan nating mag desisyong pumili sa pagitan ng pang-aapi o pagtulong? Galit o pagmamahal? Poot

    o pagpapatawad? buhay o kamatayan? At alam natin kung alin sa mga ito ang magdadala sa atin patungo sa Diyos: Pagtutulungan, pagmamahalan, pagpapatawad, at buhay.

     Manalangin tayo: Panginoon, nawa’y lagi akong gabayan ng Iyong Espiritu, na piliin ka lagi sa anumang oras at anumang pagkakataon. Makapiling nawa kita sa huling sandali ng aking buhay.  Amen. 

     

    - Fr. Oliver Par, SSP l Society of St. Paul

     



    5 min
  • A Thought A Day | July 23 2023

    A Thought A Day | July 23 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 22, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Hulyo 22, 2023

    Sabado ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Jn 20:1-2,11-18

    Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta sa libingan si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay

    Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama’y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus. Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon
    ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito,
    tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo?” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya, “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n’yo sa akin kung saan n’yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni”, na ang ibig sabihin ay Guro. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mo akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaka-akyat
    sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: ‘Paakyat ako sa Ama ko at sa Ama n’yo, sa Diyos ko at Diyos n’yo.’” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.”

     

    Pagninilay:

    Si Maria Magdalena ay kilala bilang isang mapagmahal na tagasunod

    ni Hesus. Sa kanyang mga karanasan, maaaring makapulot tayo ng ilang aral na makapagbibigay-inspirasyon at patnubay sa ating sariling buhay:  Ang una ay tungkol sa kapatawaran at pagbabago. Ang kuwento ni Maria Magdalena ay nagpapakita na walang kasalanan o nakaraan na hindi kayang linisin at patawarin ng Diyos.  Ang isa pang mahalagang aral mula kay Maria Magdalena ay ang kahalagahan ng pananalig at pag-asa sa pagkabuhay. Siya ang unang nakasaksi sa muling pagkabuhay ni Hesus matapos ang kanyang pagkamatay sa krus.
    Sa pamamagitan ng kanyang pananalig at pag-aasam, naging bahagi siya ng isang dakilang kaganapan sa kasaysayan ng kaligtasan.  Mga kapanalig, sa pamamagitan ng mga aral na ito mula kay Maria Magdalena, matutuhan natin ang kabutihan ng kapatawaran,
    pagbabago, pananalig, at pag-asa. Ang kanyang kuwento ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa lahat ng mga nagnanais na maging tapat sa kanilang pananampalataya at magpakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos at kapwa.  Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo
    kami.  Amen.

     

    - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

     

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 22 2023

    A Thought A Day | July 22 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to:

    G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.