PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | August 1 2023

    A Thought A Day | August 1 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465



    6 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Ignatius of Loyola, Patron Saint of all Spiritual Retreats, Students and Military Men | July 31

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Ignatius of Loyola, Patron Saint of all Spiritual Retreats, Students and Military Men | July 31

     




    Ad majorem Dei gloriam” (For the greater glory of God.) Thus goes the overwhelming principle of the Company of Jesus. I am sure you know that the Company of Jesus are the Jesuits or the Society of Jesus, who through their powerful channels for education, ideals and inspiration are famous throughout the world. Our saint today, St. Ignatius of Loyola, was the Founder of the Jesuit Order. Ignatius or Inigo was born on October 23, 1491 to an illustrious family in Spain. At a very early age, he served as a royal page in the court of Spain.  He was rather a worldly teenager, ambitious, romantic, and chivalrous. Bored with court life, he went to his relative, the Duke of Najera, to become a soldier. He was engaged in minor battles but when he fought in Pamplona, he was wounded on the leg. He underwent several surgeries but in the end the broken leg left him lame and limping all his life. During his long convalescence, he was given two books to read: The Life of Christ and Flowers of the Saints. These books led to his conversion and inspired him to imitate the saints and become a knight of Christ. On the Eve of the feast of the Annunciation, Ignatius, dressed as a beggar, entered the church of Our Lady of Montserrat, hung up his sword and dagger at the foot of Our Lady’s statue and vowed to observe chastity in her honor. He spent the night in prayer and in the morning went to Manresa for a retreat. Then he made his general confession to a Benedictine monk. He stayed for some time in a cave of Manresa and God communicated to him choicest gifts, and kindled in his heart a spiritual fire for sanctity and for the salvation of souls. It was here where he wrote The Spiritual Exercises, a set of meditations, contemplation and prayers to help those making retreats. In 1524, at the age of thirty-three knowing that more education was necessary for his new life and work, he began to study. He went to different colleges in Spain and in France and at the age of forty-four, obtained his Master’s degree. In Paris, he met Francis Xavier, James Lainez, Peter Fabre, Simon Rodriguez and others who later helped him to establish the Jesuit Order. On August 15, 1534, he and six companions took the vows of chastity and poverty. In the spring of 1537 they had an interview with Pope Paul III who blessed them and had them ordained. On Christmas night in 1538, Ignatius and his companions said the first Mass in the subterranean chapel of St. Mary Major in Rome. The “Company of Jesus” was officially recognized on September 27, 1540 with Ignatius as the first superior general. For eighteen years he labored tirelessly and twice asked to resign from the generalship of the Order but his members refused. Early in 1556, Ignatius fell ill, exhausted through years of intense apostolate, and penance. He had high fever and died unexpectedly on July 31. As he lay dying, he was heard saying: “Jesus, Jesus.” He was sixty-five years old. Ignatius was beatified on July 27, 1609 by Pope Paul V and canonized on March 12, 1622 by Pope Gregory XV. He is the patron saint of all spiritual retreats, of students, and of military men.

    Virtues: obedience to Christ, poverty, generous service

    Let us pray with St. Ignatius: "Take, Lord, receive all my liberty, my memory, my understanding, my whole will, all that I have and all that I possess. You gave it all to me, Lord; I give it all back to you. Do with it as you will, according to your good pleasure. Give me your love and your grace; for with this I have all that I need."

    ·       

    Reflection: Do I obey the Commandments for the greater glory of God and my sanctification?

     

     

                                                                                

     


    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes

    Lunes ng Ika – 17 Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: MATEO 13:31-35

    Binigyan ni Hesus ang mga tao ng isa pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay at parang isang puno—dumarating ang mga ibon ng Langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Hesus ang iba pang talinghaga: “Naikukumpara ang

    Kaharian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Hesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: ‘Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.’


    Pagninilay:

    Paano’ng magiging puno ang isang butil? Bakit ang mumunting buto ng mustasa, inihalintulad sa Kaharian ng Diyos? Simulan natin sa katiting na binhi. Dahil pharmacist ang ina ko, alam niya ang benefits ng mustard seed. Tulad nang kapag naging mustard essential oil na, nakakapigil siya ng pagtubo ng harmful bacteria sa ating katawan, nakakabagal ng pagtubo ng cancer cells, nakakatulong sa pagpapaimpis sa mga namamaga, nakakagamot sa sintomas ng sipon. Sa murang pag-iisip, hindi ko iyon lahat naiintindihan, ang mahalaga para sa akin ang isang cute na butil marami ang makukuha kapag pinisil. Ngayong lumawak na at lumalim ang pananaw ko sa buhay, naliwanagan ako na ito ang mysterious mixture of the essence of the Cross. Ito ang pinaghalong kababaang-loob at kaluwalhatian. Pinagsamang kahinaan at lakas. Ang timpladong anghang, pait, at linamnam. Sa Krus naroon ang pagpapakasakit, kamatayan, kaligtasan at walang hanggang buhay.  Sa

    Krus din nababalot ang diwa ng Kaharian ng Diyos. Ang tuwa sa pag-aalay ng buhay. Tayong lahat, hinirang na ipalaganap ang Kaharian. Hindi nga ba: “Giving is the essence of living”? Makabuluhan ang pagbabahagi sa pamumuhay. Oo nga’t pinaghirapan natin ang ibinibigay natin, pero kung magagalak ang iba, isa na itong langit. Kapag pinagsikapan natin at ibinahagi natin sa nangangailangan, isa na itong kaharian. Panalangin ko, na sana maging masigasig tayo sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos. Be a single mustard seed everyday. Exert effort to offer
    acts of kindness in a very loving way.  

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 30, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Hulyo 30, 2023 – Linggo

    Ika – 17 Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: MATEO 13:44-52

    Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Naihahambing ang Kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid. Naihahambing din naman ang Kaharian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.” Naihahambing din naman ang Kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kong anu-ano. Nang puno na ang lambat hinila ito papunta sa pampang at saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kwenta, ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo, lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa Mabubuti at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kong saan may iyakan at pangangalit ng mga ngipin. At itinanong ni Hesus: “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat turo ng batas na tinuruan tungkol sa kaharian ay katulad ng ama ng tahanan na may tabihan at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.

    Pagninilay:

    Ano ang yaman mo? May mga kayamanan na higit sa iba, yung walang katumbas ang halaga. Ito ang mga kayamanang higit sa ano pa mang salapi o ginto, mga kayamanang gaya ng edukasyon, kagandahang asal

    at mabuting kalooban. Ito ang mga kayamanang mahirap matagpuan, at madalas taon ang binibilang upang unti-unting mahubog sa puso at isipan. Narinig natin sa Mabuting Balita ang yaman at perlas na di mamagkano lamang. The Pearl of Great Price – si Hesus mismo. Sabi nga ng isang awit. Ikaw ang aking Tanging Yaman na di lubusang masumpungan. Siya ang ating natatanging yaman na higit sa kahit anong
    salapi o bagay o ginto ang halaga. Pero hindi madali na matagpuan si Hesus, ang ating Tanging Yaman. Kinakailangan ang pagsisikap, sakripisyo, pagtalikod sa iba pa nating mga pinanghahawakan at kinakapitang yaman.  Mga kapanalig, handa ba tayong bitawan ang
    iba nating mga ginagawang kayamanan upang makapitan ang tunay na Kayamanan? Handa ba tayong talikuran ang ating mga nakasanayan at nakagawian upang makatagpo at masumpungan si Hesus mismo, ang Perlas natin at Tanging Yaman. Handa ba tayong mahalin ang ating kapwa upang mas makita natin si Hesus? Kung Oo ang ating kasagutan, nakatitiyak akong makikita at mahahanap natin si Hesus.

     

    - Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of St. Paul

     

     

     


    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 29, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Hulyo 29, 2023

    Sabado ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: JUAN 11:19-27

    Pag dating ni Hesus , apat na araw na palang nakalibing si Lazaro.Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang makiramay sa kanila dahil sa pagyao ng kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Hesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Subalit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hilingin mo sa Diyos, ibibigay ito sa iyo

    ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sumagot sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa muling pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Mabubuhay ang naniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay. Hinding-hindi mamamatay ang bawat nabubuhay sa paniniwala sa akin. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Naniniwala nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng
    Diyos na dumarating sa mundo.”

     

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ang kwento nina Marta, Maria at Lazaro - ang magkakapatid na kaibigan ng Panginoong Hesus, ay isa sa mga “familiar

    stories” sa biblia.  Isang kwento na nagbibigay sa atin ng pag-asa, sa ating muling pagkabuhay sa langit.  Sobrang kalungkutan at hapis ang nadama ng magkapatid na Maria at Marta sa pagkamatay ni Lazaro. Hindi agad sila naniwala sa ating Panginoong Hesus ng kanyang sinabi, “Muling mabubuhay ang iyong kapatid.” Sa pagpapatuloy
    ng kwento, binuhay nga ng Panginoon si Lazaro. Ang kamatayan ay isang realidad sa ating buhay na hindi natin matatakasan. Kailangan natin ang pananampalataya sa Panginoon upang lubos nating maintindihan at maisabuhay ang turo ng simbahan tungkol dito.  Paalala ito, na tayo’y mga “pilgrims” o pawang manlalakbay lamang dito sa lupa, at ang tunay nating tahanan ay ang langit, ang buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoon. Kaya sinabi niya – “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay”.  Kaya ang salitang sumakabilang buhay ay mas makahulugan para sa atin, kesa sa salitang namatay. Hangad natin na makamit ang
    buhay na walang hanggan, sa tulong ng grasya ng Panginoon kapag sumakabilang Buhay na tayo.  Kaya habang nabubuhay pa tayo
    sa mundo, sikapin nating mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos, sa pamamagitan ng pagtupad ng Kanyang utos na magmahal, sa Diyos nang higit sa lahat, at sa kapwa gaya ng sarili.  Ito ang magiging ticket
    natin pagpasok sa Kaharian ng Langit.    

    Manalangin tayo: 

    Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na
    mga biyaya! Salamat po sa aming buhay at sa iyong pangako na buhay na walang hanggan.  Hinihiling po namin na magingmalalim at matatag ang aming pananampalataya. 
    Tulungan mo po kaming maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.  Sa iyong mga biyaya, nawa’y maghari ang pagmamahal,
    pagpapatawad at pagpapakumbaba sa aming buhay. Amen.

     

    - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul

    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 28, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Hulyo 28, 2023

    Biyernes Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: MATEO 13:18-23

    “Kaya pakinggan ninyo ang talinhaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig sasalita ukol sa Kaharian ng Diyos ngunit hindi nakakaunawa ay tulad ng mga binhing nahasik sa tabing daan, dumating ang masama at inagaw ang nahasik sa kanyang puso. Ang binhing nahulog sa batuhan ay yaong nakikinig at masayang tumatanggap ng salita ngunit sa kawalan ng ugat ay hindi nagtagal at pagdating ng sakuna o pag-uusig ay nanghihina ang loob. Ang nahasik sa mga dawagan ay yaong nakikinig ng salita ngunit ito ay inilihis ng kabalisahan sa daigdig at ng hipo ngkayamanan kaya’t hindi nagbubunga.  Ang nahasik sa mabuting lupa ay ang nakikinig ng salita at nauunawaan ito; dahil d’yan ay may nagbubunga ng tig-iisang daan, ng tig-aanimnapu, ng tig-tatatlumpu.”

     

    Pagninilay:

    Nitong nakaraang buwan, umani ng daang-libong tonelada ng kalabasa ang mga magsasaka sa Nueva Ecija na halos itapon nila dahil sa binabarat ng mga middlemen. Mabuti na lang may mababait tayong mga kababayan sa Rural Rising Philippines na tumutulong sa kanila upang madala ito dito sa Maynila at karatig-pook at mabili ito sa tamang presyo.

    Ang Mabuting Balita sa araw na ito ay tinawag ni Hesus na Talinghaga ng Manghahasik o Parable of the Sower. Ipinaliwanag niya ang kahulugan ng iba’t ibang klase ng lupa na kumakatawan sa paraan ng pagtanggap ng tao sa binhi: nasa daan, mabato, may matitinik na halaman, at matabang lupa. 

    Madalas, tinatanong natin kung ano’ng klase ng lupa tayo. Pero sinasabi na ang binhi “äy namumunga nang sagana, may tig-iisang daan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.” Kahit na anong klase ng lupa, patuloy ang manghahasik na naghahasik, at sigurado ang ani dahil namumunga ito nang sagana. 

    Hindi talaga tungkol sa klase ng lupa ang talinghaga kundi tungkol sa Manghahasik. May nagsasabi nga na hindi raw mainam na magsasaka ang Diyos kasi nagsasayang siya ng binhi. Patuloy at walang-patumangga siyang naghahasik ng kanyangbiyaya, umaasa na may tutubo, kahit anong klase pa ng lupa tayo. 

    Pero ito

    ang nagbibigay sa akin ng pag-asa. Walang paborito ang Diyos: lahat tayo ay
    mahal niya at inuulan niya tayo ng lahat ng biyaya. Hindi niya tayo mahal dahil gumawa tayo ng mabuti. Hindi rin mababawasan ang kanyang pagmamahal gaano man kaitim ang ating kasalanan. At sinisiguro niya na mamumunga tayo nang sagana. 

    Gaya ng mga magsasaka ng Nueva Ecija, nagsikap silang maging masagana ang ani at hindi sila nawawalan ng pag-asa na ang kanilang pagsisikap ay magtatapos sa wala.

    Manalangin tayo: Mapagmahal naming Ama, manalig nawa kami sa iyong mapagpalang biyaya na hindi ka napapagod at walang sawang nagpapatawad sa amin.Amen.

    - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter’s of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 27, 2023 – Huwebes

    Mabuting Balita l Hulyo 27, 2023

    Huwebes ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Mateo 13: 10-17

    Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nag tanong “Bakit sa pamamagitan ng mga talinhaga ka nag sasalita sa kanila? Sumagot si Hesus: “Sa inyo ipinag kaloob ang malaman ang lihim ng kaharian ng langit, ngunit hindi sa kanila. Sapagkat bibigyan pa ang mayroon na, at sasagana siya. Ngunit kung wala siya, aagawin kahit na ano na sa kanya. Kaya nag sasalita ako sa kanila ng patalinghaga, sapagkat tumitingin sila pero walang nakikita, nakakarinig sila pero hindi nakikinig o

    nakauunawa. Sa kanila natutupad ang mga salita ni propeta Isayas. Makinig man kayo ng makinig, hindi kayo nakauunawa. Tumingin man kayo ng tumingin, hindi kayo nakakakita. Pinatigas nga ang puso ng mga taong ito. Halos walang naririnig ang kanilang mga tainga. At walang nakikita ang kanilang mata at kung
    makakakita ang kanilang mata at makarinig ang kanilang tainga at makaunawa ang kanilang puso. Upang bumalik sila at pagalingin ko sila. Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na Makakarinig. Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong makakita ang nakikita ninyo ngayon peru hindi nila nakita at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.

     

    Pagninilay:

    Bakit nga ba gumagamit si Hesus ng mga talinghaga? Mga kapanalig, walang intensyon si Hesus na iligaw tayo sa katotohanan, o di kaya’y maniwala tayo sa mga pekeng balita. Ang nais ni Hesus, maging open-minded tayo sa Salita ng Diyos. Pinuna niya ang mga may mata, pero bulag sa katotohanan, at ang mga nakikinig, pero hindi naririnig ang tunay na mensahe ng Mabuting Balita. Patunay nito, ang hindi nila pagkakilala kay Hesus bilang Mesiyas.  Naging bingi at bulag sila sa kanyang salita. Isa ito sa mga dahilan, bakit siya nagsasalita ng patalinghaga sa mga tao, pero hindi sa kanyang mga disipulo.  “Dahil

    ang kaalaman sa mga hiwaga ng Kaharian ng Langit ay ipinagkaloob sa mga disipulo, pero hindi sa lahat ng tao.”  Kapanalig, gaano ka kabukas sa pagtanggap ng katotohanang ipinapahayag ng ating Panginoong Hesus bilang ating Mesiyas at Tagapagligtas?  Binabago ka ba ng kanyang salita na iyong pinakikinggan at pinagninilayan araw-araw?

    Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, buksan Mo po ang aking puso at isipan upang manalig sa ipinahayag Mong katotohanan.  Hilumin Mo po ang aking

    pagkabulag at pagkabingi, na makita at marinig ang Iyong mahiwagang pagkilos sa kasalukuyang mundo.  Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya, lalo na sa mga pagkakataong ako din po ay nagdududa, na tunay kayong Buhay at nananatili sa aming piling, Amen.)

     

     

    - Clark Vincent – Gaas – Student of Southville International School and Colleges

     

     



    5 min
  • A Thought A Day | July 27 2023

    A Thought A Day | July 27 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 26, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Hulyo 26, 2023

    Miyerkules ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 13:16-17

    Mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tenga na nakakarinig. Sapagkat tunay na sinasabi ko nga sa inyo na

    hinangad ng  maraming propeta at matutuwid na  tao na makita ang inyong nakikita at hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig at hindi nila narinig.”

     

     

    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Deedee Alarcon ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Nakakaaliw panoorin ang nag-uusap na mag nanay sa isang terminal, gamit ang sign language. Napansin ko na nakapagsasalita ang maliit na batang, pilit na kinakausap ang kanyang nanay, gamit ang sign language. Ito lamang ang paraan upang maunawaan siya ni Nanay. Napakaingay sa terminal, kaya sa kanyang anak lamang siya nakatuon. Sa Mabuting Balita ngayon, narinig nating

    sinabi ni Hesus, “Pinagpala kayo, sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! Blessed, mapalad o pinagpala tayong mga nakakikita ng ganda ng mundo at nakaririnig ng huni ng ibon! Mga kapanalig, ilan sa mga nakapaligid sa atin, ang pisikal na hindi nakakakita o nakakarinig; at yung iba, nagbubulag-bulagan o nag bibingi-bingihan lamang. Naipagpasalamat na ba natin sa Panginoon, ang biyaya ng ating paningin at pandinig? Saan natin
    ginagamit ang ating mga mata, tenga? Ilang oras ba bawat araw ang ginugugol natin sa ating cellphone, sa pag-check kung ilan ang nag LIKE sa posts, sino ang nag message, o panonood ng videos sa youtube? Kung kaya’t nakakaligtaan na natin ang higit na pangangailangan, ng mga nakapaligid sa atin. Nakakalimutan na nating magdasal bago kumain, dahil kahit nasa hapag na tayo, nakatuon pa rin
    tayo sa ating gadgets. Naaayon kaya ito sa layunin ng Panginoon sa pagpapala sa atin ng malusog na mga mata at tenga?  Kapanalig,
    suriin natin ang ating sarili, ginagamit ba natin ang ating paningin at pandinig upang magbahagi ng pagpapala sa iba? Hilingin natin ang tulong ng Panginoong Hesus, na gamitin ang mga ito upang tunay nating makita at marinig ang kanyang kaloobang gamitin ang mga pagpapalang ito, upang maging handang maglingkod sa sino mang nangangailangan, Amen.

    - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter’s of St. Paul

    4 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.