Random Boy Noise

Random Boy Noise

Download on the App Store

Random Boy Noise episodes

  • Random Kwentuhan #14: Sadboi Callers

    Wala kaming nabudol na guest sa episode na ito kaya nag-eksperimento na lang kami. Sinubukan naming mag-imbita mula sa listeners namin na sumama sa episode at magbigay ng kanilang mga saloobin. Tatlo ang nakausap namin sa episode na ito. Pakinggan ninyo kung anong mga rant nila sa buhay at kung may naibigay ba kaming matinong payo sa kanila. Masaya 'to! Tara samahan niyo kami!

    3 hr 3 min
  • Random Kwentuhan #13: Apply Ako Work Eh

    Sa episode na ito, pinag-usapan namin ang mga bagay-bagay may kinalaman sa pag-aapply. Binigyan tayo ng guest ng mga tip sa pagsulat ng resume, paano sasagot sa interview at kung malaking factor ba talaga kung saang school ka nanggaling. Sa sobrang random ng usapan, napunta rin kami sa usapang bangkay. Alamin sa episode na ito bakit kami napunta sa usapang cadaver. Tara, kwentuhan tayo!

    3 hr 7 min
  • Random Kwentuhan #12: Contact Tracing

    Ang guest namin sa episode na ito nagtatrabaho sa city health department. Ibinahagi niya sa episode na ito ang mga karanasan niya sa trabaho. Binigyan din niya tayo ng ideya kung anong maaari mong matanggap na mensahe kung sakaling ikaw ay kokontakin for contact tracing. Isa ring rider ang guest namin kaya napunta rin kami sa usapan tungkol sa pagmomotor at pagkuha ng lisensya at marami pang ibang random na topic. Kaya samahan niyo kami sa kwentuhan namin na ito!

    2 hr 46 min
  • Random Kwentuhan #11: Nag-compose Kami ng Kanta (Season Finale?)

    Back to basic muna tayo. Kaming tatlo lang muna ulit. Pakinggan niyo lang muna ulit kaming magkulitan at magpaka-random. No topic, no pressure. Sa sobrang random ng episode na ito, nag-song making challenge pa kami, gusto mo yorn? Ah Basta, salamat sa mga walang sawang nakikinig at nanonood sa'min. Pagbubutihan pa namin sa mga susunod na episode. Ciao!

    2 hr 31 min
  • Random Kwentuhan #10: Usapang Engineering

    Engineer ang guest namin sa episode na ito. Pinag-usapan namin ang mga misconception may kinalaman sa propesiyon na ito. Nag-show-and-tell din ang aming guest ng mga gamit niya sa trabaho. Nakumbinsi rin tayo ng guest na i-consider ang pag-eengineer. Tara, samahan niyo kami sa kwentuhan namin!

    2 hr 35 min
  • Random Kwentuhan #8: Usapang Gaming
    Sa episode na ito, tinanong namin ang aming mga guest kung paano nila napagsasabay ang gaming at pag-aaral. Nagbigay rin sila ng mga payo sa mga gustong magsimula sa gaming at streaming industry. Pinatunayan din sa atin ng episode na ito na hindi naman nakasasama ang gaming sa mga kabataan, basta samahan lang ng tamang disiplina, gabay, at suporta ng mga magulang.
    2 hr 31 min
  • Random Kwentuhan #6

    Sa episode na ito pinagkwentuhan namin kung bakit may ilang mga government employee na masungit. Marami rin tayong natutuhan tungkol sa pag-aalaga ng mga manok at kuneho. Binigyan din tayo ng ideya ng guest natin tungkol sa sustainable way of living. Napag-usapan din namin ang naging alitan sa pagitan nina Kiko Matos at Rendon Labador. Marami pa kaming napag-usapan sa episode na ito! Kaya samahan niyo kami!

    2 hr 10 min
  • Random Kwentuhan #5

    May guest kami sa episode na ito. Mahilig siyang manood ng mga TV series kaya pinag-usapan namin kung sino ang mga pinaka ayaw naming characters sa ilang series na napanood namin. Bukod diyan, marami pa kaming napagkwentuhan. Kasal. Pagong. Vaccine. At marami pang iba! Tara samahan niyo kami sa kwentuhan namin!

    2 hr 19 min

About Random Boy Noise

From the publisher's feed

Samahan niyo kami sa aming kwentuhan tungkol sa kung ano-anong mga bagay sa ilalim ng araw!