
Sign up to save your podcasts
Or


Tapos na ang unang half ng aming semester kaya may time na kami makapagrecord ulit ng bagong episode! Ngunit sa episode na to, tinry namin pagusapan ang tatlong bagay na naganap at trending ngayong March at yun na nga ay ang lockdown anniversary, change oil incident, at ang famous line na get that thirty bro. Alamin ang aming mga naging reaksyon dito kasama sila Daddy Deku, Daddy Munge, at Daddy Lemon!
Naranasan mo na bang maging kulelat sa laro? Matalo sa rank game o kahit anong competition? Or matalo sa lahat ng bagay? Well, kagaya mo rin kaming mga Daddies na nakaranas din ng pagkatalo! Pero paano nga ba namin nalagpasan at tinanggap ang aming defeats in our lives? Ano ang mga memorable naming pagkatalo sa buhay? Pakinggan na aming pang-13th na episode kasama sila Daddy Deku, Daddy Munge, at Daddy Lemon!
Isang taon na simula nung sinuspend ang klase na akala nating lahat ay isang linggo lang pero ngayon, isang taon na pala! Isa sa mga pinaka-namimiss nating lahat ay gumala o mag-travel. Ano nga ba ang memorable travel experience mo? Saan mo gustong pumunta after pandemic? Sino ang gusto niyong kasama? Pakinggan na ang aming 12th episode kasama sila Daddy Deku, Daddy Munge, at sa wakas, si Daddy Lemon na nagbalik!
Miss mo na ba mga kaibigan mo? Miss mo na bang makipag-daldalan sa kanila kahit may klase at kumain ng sabay sabay pagkagaling sa eskwela? Sa episode na to, pinag-usapan namin ang kagandahan ng mga salitang "tropa", "barkada", at "bestfriends" kasama sila Daddy Deku at Daddy Munge. Alamin kung ano ba ang tips namin sa isang long-lasting tropahan pero, nasaan nga ba si Daddy Lemon? Alamin sa aming pang-11th na episode ng Smoll Dicc Energy!
Congratulations sa lahat dahil naka-abot na kami ng sampung episodes! Bilang celebration at our way of thanking you, we will do something new for you! Maglalaro lang kami sa episode na to para alamin kung sino nga ba ang "Best Daddy" sa aming tatlo at etong episode na to ay nasa YouTube na rin! Ikaw bahala kung papakinggan mo kami dito o papanoorin mo kami sa kabila para makita ang aming mga itsura for the very first time!
Dahil laging gine-generalize ng iba na ang mga batang pinanganak ng 2000 ay hindi raw naabutan ang Gameboy, Backstreet Boys, Slam Dunk, at iba pa, pinag-usapan namin sa episode na to kung ano bang point of view namin as Daddies na pinanganak ng 2000. Alamin kung ano ang paborito naming binibili sa mga sari-sari store, nilalaro sa PlayStation 1, at ano ang mga nilalaro namin noong hindi pa tayo sinasakop ng maraming gadgets!
Buwan na naman ng pag-ibig so it means, pag-uusapan natin ang mga bagay bagay about love in general! Let's talk about our ideal dates, the beauty of romantic and platonic love, and love advices na sakto sa situation natin ngayon! Isa rin sa mga pag-uusapan dito ay kung bakit chocolates ang pambansang regalo sa Valentine's Day. Feel the warmth of love with us now by listening to our new episode!
From the publisher's feed