Tommaso Espressini Machiatini

Tommaso Espressini Machiatini

By Sarahmenrickdylan MenNews
Download on the App Store

Tommaso Espressini Machiatini episodes

  • 24 Oras Weekend Podcast: U.S., Iran peace talks paused, ‘Chinese rockets’ seen around the Philippines, Pres. Marcos and First Lady go on din
    Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, April 12, 2026:
    Rollback sa Martes hanggang Php 21/L sa diesel at nasa Php 4/L sa gasolina—DOE
    Iran at Amerika, bigong magkasundo sa peace talks sa Pakistan
    2 menor de edad, kabilang sa 3 nasawi sa sunog sa QC; away bago ang sunog, 'di pa malinaw
    Bus, nahulog sa bangin sa Sipocot, Camarines Sur
    Ramil Madriaga, tinawag ng kampo ni VP Duterte na "weakest link"
    Clearing operation sa labas ng isang pamilihan, nauwi sa girian
    50 bahay sa Mandaue City, nasunog; nasa 200 residente apektado
    Kakaibang liwanag na baka Chinese rocket daw, namataan sa iba't ibang lugar sa bansa
    Ilang nagtapos sa junior high, humakot ng awards at medals
    Ilang taga-Tondo, naligo sa bulwak ng tubig mula sa nasirang tubo ng Maynilad
    2 motorsiklo, sumalpok sa bus sa Tagaytay; 1 rider patay, 1 kritikal
    Hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan, dumumi dahil sa Navotas landfill fire
    Mga jeepney driver sa Metro Manila, magkakaroon ng Php 10/L na discount
    PBBM at First Lady, nag-post ng magkasama sa gitna ng espekulasyong may sakit ang pangulo

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    38 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Artemis II completes historic mission, Birthday cake modus, Kyline Alcantara gives free diesel to PUV drivers
    Narito ang mga balitang tinutukan ng 24 Oras Weekend ngayong Sabado, April 11, 2026:
    • Mahigit 20 oras nang sunog sa Navotas landfill, patuloy na inaapula
    • Dose-dosenang itlog, nabulok at itinapon na lang ng isang farm sa Pampanga
    • 16 arestado sa naka-livestream na sabong kahit bawal
    • Posibleng rollback sa diesel at gasolina, lumaki pa batay sa 5-day trading
    • Batang namitas ng mangga nang walang paalam, patay sa hambalos ng dos-por-dos ng may-ari ng puno
    • QC LGU, pinag-iingat ang publiko sa "birthday cake" modus
    • Artemis II crew, ligtas na nakabalik sa daigdig matapos ang 10-day lunar flyby
    • Miguel Tanfelix, excited na sa pag-host travel show na "Planet XP"
    • Mahigit 250 poodle-cross na nadiskubreng nagsisiksikan sa isang bahay, nasagip
    • Pagkamatay ng 2 batang nakulong sa loob ng kotse, iniimbestigahan
    • E-trike drivers, pumapasada sa gitna ng mahal na petrolyo kahit walang permit
    • ‘Di basta-basta bababa ang presyo ng mga pagkain kahit magmura ang petrolyo—DA
    • Suspek sa panloloko sa mga negosyante at opisyal ng gobyerno, arestado
    • Pinoy na data controller sa NASA, bahagi ng Artemis II mission
    • Rider, kritikal matapos sumalpok sa papalikong truck
    • Patay na dugong, natagpuan sa Coron, Palawan
    • 4 patay sa pagsalpok ng 10-wheeler sa brgy gymnasium sa Davao City
    • OFWs sa Lebanon, hinihikayat ng DMW na magpa-repatriate
    • Kyline Alcantara, namigay ng libreng diesel sa mga jeepney at tricycle driver
    • Ilang bahagi ng Quezon City, nabalot ng haze
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    44 min
  • 24 Oras Podcast: PBBM’s Day of Valor message, Meralco hikes power rate by 53 cents this April, Alleged hazing reported in PNPA
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, April 10, 2026.
    • GPS, kailangan para ma-monitor ang biyahe ng mga tsuper; ilang transport group, umalma dahil dagdag-gastos sa tsuper
    • Sumosobra umanong paghihigpit at kawalan ng abiso o warning sa pagpapatupad ng safer Metro Manila plan, inireklamo ng ilan
    • 3 sangkot sa umano'y hazing sa 20 underclassmen sa PNPA, inaresto at maaaring matanggal; 7 iba pa ang iniimbestigahan
    • Sigurado na ang rollback sa langis sa susunod na linggo pero wala pang pinal na halaga — DOE
    • Hope envelopes at isinumiteng affidavit ni dating Education Usec. Gloria Mercado, pina-subpoena ng House Justice Comm.
    • Rep. Gloria Arroyo, mariing itinanggi na may kinalaman siya sa mga ugong na planong pagpapatalsik sa pwesto kay Speaker Bojie Dy III
    • Pagtitipid ng ilang Kapuso stars sa gitna ng mahal na langis
    • Iba't ibang branch ng isang grocery store, pinagnakawan; e-tap machines, puntirya
    • P0.53/kWh dagdag sa singil ng Meralco ngayong Abril
    • 303 namatay sa pinakamatinding pag-atake ng Israel sa Lebanon; inaasahang dadami pa
    • Running at biking hobby ni Alden Richards, malaking tulong sa pagtitipid at makamit ang kanyang beach body para sa 'Love, Siargao'
    • Malacañang, tinawag na 'fake news' ang alegasyong inulit na video lang ang pagpunta ni PBBM sa 'Araw ng Kagitingan' event kahapon sa Bataan
    • Dita Angara-Mathay, itinalaga ni Pres. Marcos bilang secretary ng Department of Tourism
    • Lalaking kinuha ang sensitibong videos ng kaibigan at saka ipinakalat, arestado
    • Mga magsasaka sa Ifugao, nananawagang magtakda ng minimum price sa mga ibabagsak na gulay para magkaroon sila ng kita
    • Bagyong nasa labas ng PAR, lalo pang lumakas; posibleng pumasok sa susunod na linggo
    • Michelle Dee, tuloy ang adbokasiya sa pagtulong sa individuals with autism spectrum disorder o ASD
    • Magpinsang 4-anyos, natagpuang patay sa loob ng kotse
    • Mahigit 340 Pilipino mula sa Middle East, nakabalik na ng bansa
    • Makatindig-balahibong experience ni Sofia Pablo sa set ng 'Huwag Kang Titingin,' nahulicam
    • 2 Japanese na sangkot umano sa malaking int'l online scamming syndicate na nag-o-operate dito sa bansa, inaresto
    • Benilde Blazers at Letran Lady Knights, kampeon sa Men at Women's Volleyball Finals
    • Mahigit 600kg ng gulay, libreng ipinamigay sa mga driver ng jeepney at tricycle

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 2 min
  • 24 Oras Podcast: Diesel and gas price rollback, China fires multiple flares near Philippine Coast Guard aircraft, Pres. Marcos to roll out P
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, April 09, 2026.
    • Rollback na hanggang P8/L sa diesel at P4/L sa gas, posible ayon sa ilang oil industry sources
    • Nasa 5,000 mangingisda, tumigil na sa pagpalaot; bangka, ibinibenta na ng ilan
    • VP Duterte sa mahal na langis -- "Tanungin natin ang ating pangulo, ano ba ang ginagawa niya?"
    • Pres. Marcos, tiniyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maibsan ang hirap ng mga Pilipino
    • 2 suspek, wanted din pala sa rentangay; mga sasakyang ginagamit pang-outing, puntirya
    • China, ilang beses nagpaputok ng flare habang lumilipad ang PCG aircraft malapit sa Mischief at Subi Reef
    • Mga pananim na gulay sa Atok, Benguet, nanganganib mabulok na lang dahil sa pagtitil sa pag-ani ng mga magsasaka
    • Aabot sa 10-toneladang mangga sa Laoag, nabulok at itinapon na lang dahil 'di maibenta pa-Maynila
    • Israel, nagsagawa ng matinding pag-atake sa Lebanon
    • Mga isdang tamban, nagkamatayan na lang sa pampang dahil sobra-sobra ang huli ng mga mangingisda
    • Lalaking pinagbantaan ang dating live-in partner na ikakalat ang pribadong video at larawan kung 'di makikipagbalikan, huli
    • PBBM: Service Contracting Program para sa mga PUV sisimulan sa April 15; may diskwento din sa mga pasahero at fuel subsidy sa mga tsuper
    • DILG Remulla: Atong Ang, nasa bansa pa rin
    • Kapuso stars and personalities spotted sa 'Arirang' World Tour ng BTS sa Goyang, South Korea
    • Libreng pampublikong swimming pool, binuksan sa ilang lugar sa Manila
    • Watch seller, hinoldap at ninakawan matapos banggain ang sinasakyang SUV; 4 suspek, arestado
    • Kamara, itutuloy ang pagdinig sa impeachment complaint vs. VP Duterte dahil walang TRO na inilabas ang SC
    • Bagyong mino-monitor sa labas ng PAR, posibleng lumakas habang papalapit ng bansa
    • Cooking oil, hinahalo ng isang engineer sa diesel para makatipid; babala ng eksperto, maaari itong makasira ng sasakyan
    • Demolisyon, inalmahan ng mga residente; may nagbatuhan at nagtulakan
    • Sofia Pablo, aminadong nasasaktan kapag bina-bash ang kanyang pagkatao
    • Libreng bigas, meryenda atbp pagkain, ipinamahagi ng ilang good Samaritan sa mga driver

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 5 min
  • 24 Oras Podcast: US-Iran ceasefire, VP Duterte files Supreme Court petition, Diocese of Caloocan apologizes for viral Easter salubong
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, April 08, 2026.
    • Ceasefire o tigil-putukan, napagkasunduan ng Amerika at Iran sa loob ng dalawang linggo
    • Presyo ng krudo sa world market, bumaba matapos ideklara ang tigil-putukan at buksan ang Strait of Hormuz
    • DOE: 'Di pa tiyak ang epekto ng 2-week ceasefire sa presyo ng krudo sa bansa; posible pa rin ang P200/L ng diesel
    • Kampo ni VP Duterte, naghain ng petisyon sa SC para pigilan ang impeachment proceedings ng House Committee on Justice
    • Lalaking naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga, patay nang tumakas at tumalon mula 2nd floor; 4 kasamahan, huli
    • Ilang ani ng mga magsasaka sa Benguet, bagsak-presyong ibinebenta o ipinamimigay na lang
    • Lalaking nagnakaw umano ng motorsiklo, natuklasang wanted sa kasong rape at pagpatay sa 5-anyos
    • Halaga ng Piso, lumakas kontra Dolyar kasunod ng anunsyong tigil-putukan
    • Pagkikita ng karakter ni Ahtisa Manalo bilang Bathalumang Haliya at ni Gargan, pinag-usapan
    • Mga Pilipino sa Lebanon, hinihikayat na umuwi at sumama sa mga repatriation sa gitna ng pag-atake ng Israel
    • Isang bagyo, nabuo at mino-monitor ngayon sa labas ng Philippine Area of Responsibility
    • House Deputy SecGen Sofonias Gabonada, Jr., person of interest sa fact-finding ng Ombudsman
    • PBBM: Sasamantalahin ang tigil-putukan para pagalawin ang mga natenggang supply sa Strait of Hormuz; umaasang mapapababa ang presyo ng langis
    • Ilang magsasaka, ayaw na umanong magtanim dahil lugi sa produksyon; bantay-bigas: direct intervention ang kailangan 'di P5,000 na ayuda
    • Malabon Parish, nag-sorry sa paraan ng paggamit nito ng kalapati sa Easter Salubong; Diocese of Kalookan, humingi rin ng paumanhin
    • Sally Santos, sinabing nag-deliver siya ng P1.7B kay Brice Hernandez mula 2024-2025
    • Mga magtatayo ng inflatable pool sa kalsada, huhulihin na ng pulis-Maynila
    • Mga Pilipinong walang trabaho ngayong 2026, pinangangambahang pumalo sa halos 500,000
    • Kyline, planong tumulong sa mga apektado ng mahal na langis; inspirasyon ang kanyang lolo na jeepney driver noon
    • Money bouquet na puro barya, sorpresa ng kuya sa Grade 10 completer na bunso
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 2 min
  • 24 Oras Podcast: Inflation rate reaches 4.1%, Trump threatens to bomb Iran power plants and bridges, Artemis II breaks distance record
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, April 07, 2026.
    • Gasolinahan, hinoldap; isa sa dalawang nasakoteng suspek, menor de edad
    • U.S. Pres. Trump, nagbantang sisirain ang power plants at mga tulay sa Iran kapag 'di ito nakipagkasundo bago ang deadline bukas 8AM (PH time)
    • DOE: Mahigit 100% ang itinaas ng produktong petrolyo sa loob ng isang buwan; 'di inaalis ang posibilidad na magmahal pa
    • Kakarampot na kita sa mahal ng krudo, malaking pasakit sa mga jeepney driver
    • 87 lumabag sa curfew at iba pang ordinansa, huli
    • Atong Ang, namataan umano sa Vietnam; DILG, mag-a-apply ng formal extradition kung makumpirmang totoo
    • Roblox, hindi ipagbabawal sa Pilipinas; mahigpit na safeguards, ipatutupad para tiyaking ligtas ang mga kabataan
    • Sanya Lopez, grateful sa magkakasunod niyang projects; health and wellness, priority niya ngayon
    • 2 Tsino na ikinulong, binugbog, at pinagtrabaho umano ng ilegal, sinagip; 5 suspek na kapwa nila Tsino, arestado
    • Inflation rate noong Marso nasa 4.1%, pinakamataas sa loob ng halos 2 taon
    • FB page na nagpapakalat ng fake news, inireklamo ng PCO sa DOJ
    • 65,000 litro ng diesel na nagkakahalaga ng P9.7M, nakumpiska; 9, arestado
    • Taga-COA, BIR, at ang nag-notaryo ng affidavit ni Ramil Madriaga, pina-subpoena ng House Justice Committee
    • Hybrid electric vehicles, gagawin na sa Pilipinas
    • Ilang residente, nagluluto sa kumukulong hot spring
    • Heat index sa Dumangas, 3-araw nasa danger level; mga residente, kanya-kanyang pampapresko
    • Prosecution team, naniniwalang posibleng sadyang maling coordinates ang ibinigay ng DPWH para iligaw ang imbestigasyon
    • Ashley Rivera, pinipilit na magpakatatag para sa inang lumalaban sa cancer
    • Tatlong lugar sa bansa, nakapagtala ng danger level na heat index o damang init ngayong araw
    • DFA: Isa pang Pinay, nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel
    • Pinakamalayong distansyang naabot ng tao sa kalawakan, na-break ng Artemis II
    • 2 Suspek, arestado sa pangho-holdup sa babaeng rider sa gitna ng kalye sa Maynila
    • Legalidad ng unprogrammed appropriations sa 2024, 2025 at 2026 nat'l budget at iba pang isyu, tinalakay ng SC
    • Kalapating itinali at inunat ang pakpak sa selebrasyon ng Easter SUnday, pinalagan ng animal rights groups
    • Ahtisa Manalo, gaganap na Bathalumang Haliya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' 
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 6 min
  • 24 Oras Podcast: Palace confirms health condition of Pres. Marcos, Magnitude 5.9 earthquake in Cebu, Iran allows PH-flagged vessels in Strai
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, April 06, 2026.
    • Mag. 5.1 na lindol, yumanig sa Bogo
    • Kasong plunder laban kina ex-Speaker Romualdez at ex-Senate Pres. Escudero, inihahanda ng Office of the Ombudsman
    • MAg-anak na sakay ng elf truck papuntang graduation celebration, sumalpok sa multicab; 4 patay
    • Mabilis na pila sa mga naka-online appointment, inireklamo ng ilang nag-walk-in at madaling araw pumila
    • Ombudsman Remulla, pinapaharap ng House Justice Comm. para ipasa ang certified true copies ng SALN ni VP Duterte; Remulla, susunod sa subpoena
    • Mga nag-iinuman sa kalye, nagbi-videoke na lagpas 10PM, mga walang damit pang-itaas at mga kabataang lalabag sa curfew, huhulihin na ayon sa DILG
    • Community pantry, binuksan para sa mga jeepney driver sa Jaro, Iloilo
    • 'Jusa' Joy Barcoma, pinakabagong UH host-mate ng 'Unang Hirit'; Heath Jornales, mapapanood na mamayang gabi sa 'Never Say Die'
    • P3M halaga ng mineral ore, nabistong ibinibiyahe nang walang permit; truck driver, arestado
    • PBBM, maayos ang kalusugan ayon sa Palasyo; wala daw basehan ang mga kwestyon sa social media
    • Mga maliligo sa inflatable pool, tiyaking walang fungal at bacterial infection para hindi makontamina ang tubig
    • Kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez, sinabing handa silang sumunod sa proseso ng Office of the Ombudsman kapag sinimulan na ang pormal na proseso
    • Tagal ng proseso at pagpapabalik-balik para sa requirements sa BIR, inireklamo
    • Mga OFW na 'di makabalik sa Middle East dahil sa giyera, bibigyan ng ayuda at tutulungang magnegosyo
    • Maalisangang panahon, magpapatuloy sa halos buong bansa bukas
    • Diesel, aabot na sa mahigit P170/L; halos P120/ sa gas at P178/L sa kerosene
    • PH-flagged vessels, barkong may dalang krudo para sa Pilipinas o may lulang Pinoy crew, papayagan ng Iran na dumaan sa Strait of Hormuz
    • 80, nakaranas ng jellyfish sting sa Tondaligan Beach sa Dagupan; pagtatampisaw, pansamantalang ipinagbawal
    • Flood control project sa Bulacan idineklarang halos kumpleto na kahit iilang steel bars lamang ang nakatayo, ayon sa saksi sa malversation case vs. ex-Sen Revilla
    • EDSA-Magallanes flyover sa Makati City, nadaraanan na muli matapos isara para sa pagkukumpuni
    • Mga taga-Brgy. Sacred Heart, QC, nagpetisyong tanggalin ang tangkeng pinagsalinan ng langis sa isang compound
    • Naiulat na pag-deliver at pag-iimbak ng litro-litrong diesel fuel sa isang bahay sa Brgy. Sacred Heart, iniimbestigahan na ng Quezon City LGU
    • Malawakang transport holiday, pinaplano ng samahan ng transport drivers at operators
    • Sinaunang pashnea o mga spirit animal, magiging katuwang ng mga sang'gre
    • Mika Salamanca at Will Ashley, enjoy sa Bangkok vacation; Ashley Sarmiento at Rave Victoria, nasa South Korea
    • 45 araw na ceasefire sa pagitan ng Iran at Amerika, itinutulak ng mediators; Iran, naglatag ng kanilang position at demands
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 4 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Jellyfish attacks tourist in Dagupan City, Vatican calls for peace and justice, Diesel prices may hit P165/L
    Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, April 5, 2026:
    • Oil tanker na may kargang nasa 20,000L langis, nabistong nagsasalin ng langis
    • 162 pasahero at 7 crew, nasagip mula sa sumadsad na barko sa Occ. Mindoro
    • Trapiko sa ilang bahagi ng NLEX, nagsimulang bumigat bandang hapon
    • 15-anyos na biktima at amang suspek sa pananaksak sa Angono, nagpapagaling na
    • 4-anyos, sinagip mula sa umano'y pambubugbog ng amain
    • Truck, sumalpok nang madulas sa kalsada dahil sa langis; driver sugatan
    • 4 kabilang ang bata, patay habang 29 ang sugatan sa pagbangga ng truck sa center island
    • Malay Tourism: 56,000 turista ang dumayo sa Boracay ngayong Holy Week
    • Mga nagtitinda ng lechon sa Talisay, Cebu, buhay ngayong Linggo ng Pagkabuhay
    • Lalaki, 12 oras sinagip matapos mahulog mula sa talon sa Negros Oriental
    • 58 naligo sa Tondaligan Beach sa Dagupan City, inatake ng dikya; 5 naospital
    • Presyo ng diesel, posibleng umabot sa P165/L sa Martes
    • Langis 'di agad magmumura kahit payagan ng Iran na dumaan ang Pilipinas sa Strait of Hormuz—DOE
    • NCAA Women's Volleyball Finals Game 1: Letran Lady Knights, wagi vs Benilde Lady Blazers
    • Kapayapaan at katarungan, panawagan ng mga lider ng Simbahang Katolika
    • Ilang driver sa Baguio, posibleng 'di na bumiyahe sa susunod na mega OPH
    • Puerto Princesa police chief, ni-relieve kasunod ng pamamaril kung saan patay ang 2 pulis at isang BuCor personnel
    • Dantes family, magkakasamang nagnilay ngayong Pasko ng Pagkabuhay

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    34 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Pope Leo XIV leads first Holy Week, DOH debunks COVID-19 “Cicada variant” lockdown claims, wife killed by husband
    Narito ang mga balitang tinutukan ng 24 Oras Weekend ngayong Sabado, April 4, 2026. 
    • Misis patay sa pananaksak ng mister | suspek at nadamay na anak kapwa kritikal
    • Car for rent, tinangay at chinop-chop; natunton dahil sa GPS tracker
    • Mas malaki na sa minimum wage ang buwis sa diesel kung papalo ito sa P170/L—PISTON
    • Mga 'IG-worthy' na pasyalan sa Baguio City, patok sa mga turistang Gen Z
    • Ilang bahagi ng Puerto Galera, nawalan ng kuryente
    • Umano'y lider ng ilang nanggulo sa Trillion Peso March, arestado sa ibang asunto
    • Nigerian nat'l, patay sa pamamaril sa Taguig | 2 sa mga suspek na Pinoy, arestado
    • Ilang water sports activities sa Boracay, nagmahal
    • Biyaheng buwan ng Artemis II Mission, nangangalahati na—NASA
    • Ilang nakainom, muntik malunod nitong Semana Santa
    • 18 turista, inilikas mula sa Mt. Kabunian dahil sa grassfire
    • Alden Richards, goal na i-level up ang kaniyang triathlete journey
    • Alay Lakad, ginagawa bilang paggunita sa ligtas na pagbabalik ng Mahal na Birhen
    • Magnitude 5.9 quake, naitala sa dagat sa Davao Occidental
    • Tulay sa Iran, pinasabog ng US at Israel | 2 fighter jet ng US, pinabagsak ng Iran
    • Bitbit River na 2 hours away from QC, dinarayo ngayong tag-init
    • Thea Astley, nagpapagaling matapos madisgrasya bago ang kanyang solo show
    • Pope Leo XIV, pinangunahan ang kanyang unang Semana Santa
    • Jimuel Pacquiao, wagi kontra Darrick Gates via round 2 knockout
    • Umano'y emergency lockdown dahil sa COVID-19 Cicada variant, 'di totoo—DOH
    • Magkakahiwalay na sunog sa Maynila at Cagayan de Oro City
    • 2 pulis at isang BuCor personnel, patay sa pamamaril
    • Tips para mapreskuhan ang pets sa tag-init, alamin
    • Sweet moments nina Katrina Halili at Kris Lawrence, nagpakilig ng fans

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    51 min
  • 24 Oras Podcast: 7 hurt after part of NAIA 1 ceiling collapses, Diesel expected to hit P170/liter, and gasoline P120/liter next week, 6.6 mi
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, April 3, 2026.
    • 5 menor de edad at 10 iba pang magsisimba, sugatan nang araruhin ng police mobile
    • 7 sugatan sa pagbagsak ng kisame sa NAIA-1, DOTr, pinaiimbestigahan ang insidente
    • Hanggang P21/L na hike sa diesel at P7.50/L sa gasolina, asahan sa susunod na linggo
    • Rider, iniwang sugatan ng nakabundol na pumasok sa Malacañang park ayon sa mga saksi
    • Mahigit kalahating milyong deboto, dumalo sa 13 oras na prusisyon
    • Mga simbahan at religious activity, dinagsa sa City of Pines ngayong Good Friday
    • Lalaking nanloob sa isang bahay, nakipagbarilan sa may-ari nito
    • Resolusyong protektahan ang commercial shipping sa Strait of Hormuz, nakatakdang pagbotohan ng UN Security Council
    • Ilang nanood ng pagpapapako sa krus sa Brgy. San Pedro Cutud, hinimatay dahil sa init
    • Matinding init at biglaang pag-ulan, inaasahan sa ilang lugar
    • Mga nasa isla ng Boracay, nakiisa sa pag-obserba ng Biyernes Santo; pag-iingay, bawal muna
    • Taxing sobra umanong naningil kay TXT member Soobin, pinagpapaliwanag ng LTFRB
    • Quiapo Church, dinagsa para sa "Siete Palabras" at prusisyon ng Santo Entierro
    • Mahal na diesel, iniinda ng mga fire dancer sa Puerto Galera
    • Sunog, sumiklab sa residential area sa San Pascual St. sa Malate
    • Bushfire, sumiklab bunsod ng rockfall sa Bulkang Mayon
    • NASA — maayos ang lagay ng 4 astronauts at sinasakyan nilang Orion aircraft
    • Liwliwa beach, dinagsa ng mga turista
    • 34-anyos na lalaki na nag-picnic at nakipag-inuman, nalunod sa ilog
    • P1.5M halaga ng kush, nasabat mula sa 2 umano'y bigtime pusher
    • Totoong laban at 'di exhibition ang boxing match nila ni Mayweather sa Setyembre, ayon kay Pacquiao
    • 6.6M na deboto, lumahok sa Alay Lakad sa Antipolo nitong Huwebes Santo
    • Ilang Kapuso stars, sinulit ang Holy Week break para makapagbakasyon
    • Ilan sa mga nakakaantig na end-of-school 2026 memory 
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    49 min

About Tommaso Espressini Machiatini

From the publisher's feed

Meme