Tommaso Espressini Machiatini

Tommaso Espressini Machiatini

By Sarahmenrickdylan MenNews
Download on the App Store

Tommaso Espressini Machiatini episodes

  • 24 Oras Podcast: Semana Santa 2026, Mt. Mayon lava fountaining, PAGASA records extreme caution level of heat index
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, April 2, 2026.
    • U.S. Pres. Trump sa kanilang layunin sa giyera sa Iran - It’s nearing completion
    • State of local emergency, idineklara sa Bongao, Tawi-Tawi dahil sa kakulangan sa supply ng diesel at gasolina
    • Nawalang batang 5-anyos, natagpuang duguan; kritikal ang lagay sa ospital
    • 2, patay sa pagbagsak at pagsabog ng isang air cargo plane
    • Mga biyahero, tuloy-tuloy ang pagdagsa sa PITX; mas maluwag na ang sitwasyon kompara noong mga nakaraang araw
    • Mga commuter sa EDSA, pahirapan ang biyahe dahil walang operasyon ang MRT-3; nagsiksikan sa EDSA bus carousel
    • PHIVOLCS - Bulkang Mayon, muling nagkaroon ng lava fountaining
    • Manila Cathedral, dinagsa ng mga nag-Visita Iglesia
    • Mga last-minute bumiyahe paakyat ng Baguio, dagsa ngayong Huwebes Santo
    • 3 magkakapitbahay, patay matapos mabangga ng pickup ang sinasakyan nilang tricycle; 3 iba pa, sugatan
    • Iba’t ibang aktibidad, ine-enjoy ng mga turista sa Boracay
    • NASA spaceship sakay ang 4 astronauts, lumipad na patungong buwan; target ikutin ang buwan sa loob ng 10 araw
    • Isang taong hindi pag-bill ng Manila Water, inireklamo; napagpalit ang impormasyon ng dalawang metro
    • Ilang namamanata sa Antipolo Cathedral, nagsimula nang mag-alay lakad
    • P3.4-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Singkamas; 2, arestado 
    • Inasahang dagsa ng mga turista tuwing Huwebes Santo, pinaghandaan ng Puerto Galera LGU
    • Mga paghahanda para sa Senakulo at pagpapapako sa krus bukas sa Brgy. San Pedro Cutud, nakalatag na 
    • Daan-daang siklista, lumahok sa Bisikleta Iglesia para sa panata at pagsusulong ng active lifestyle
    • Mensahe nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte ngayong Semana Santa 
    • Nakapagtala ang PAGASA ng extreme caution level na heat index o damang init 

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    49 min
  • 24 Oras Podcast: Trump estimates Iran war done in 2 to 3 weeks, NLEX records slight rise in motorists, Iran willing to help PH tankers passi
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, April 1, 2026.
    • 2 magazine ng M16 at 65 live ammunition, nakumpiska sa pasahero sa Puerto Princesa Airport
    • 1 sugatan sa pagbagsak ng crane lift sa ginagawang gusali
    • Maraming humabol mag-chance passenger; PITX — sapat ang bus sa dagsa ng mga biyahero
    • P17-P36/KG na pagtaas ng presyo ng LPG, masusundan pa ng taas-presyo sa susunod na lingo
    • Ilang pasahero, naninibago sa pagkuha ng ticket online
    • Grade 6 pupil, sumulat sa pangulo dahil sa mga kaso ng rape sa kanilang lugar
    • Pinangangambahang pagtumal ng mga pasahero sa mga bus terminal, hindi nangyari
    • Maliliit na negosyo sa Baguio City, hirap kumita dahil sa taas-presyo sa langis
    • Alden Richards, grateful sa success sa isang triathlon, naghahanda sa next race
    • Dumaan sa NLEX ngayon, mas marami na vs daily average; counterflow lane, binuksan
    • Ilang bakasyunista sa Boracay, magninilay-nilay rin; malakas na tugtog, bawal muna sa isla
    • Mga sasakyan sa SLEX, mas kakaunti kumpara noong mga nakaraang Semana Santa
    • Military campaign ng US sa Iran, tatapusin ni Trump sa loob ng 2-3 linggo
    • Iran, handang tulungan ang Pilipinas sa hiling na padaanin sa Strait of Hormuz ang mga barkong may kargang langis para sa bansa, ayon sa Malacañang
    • 21 kabilang ang 4 na Indian National, arestado dahil sa umanoý panloloko
    • Ruben Enaje, hindi muna tuloy ang pagreretiro sa pagpapapako sa krus habang inihahanda ang kapalit
    • 8 sa 18 luxury vehicles ni Zaldy Co, inilipat sa BOC mula sa ICI
    • Pahayag ng Grab Philippines tungkol sa ayuda para sa TNVS drivers
    • Malaking bahagi ng bansa, makakaranas ng maaliwalas na panahon ngayong Semana Santa
    • Ilan sa "Huwag Kang Titingin" cast, may out-of-town pero meron ding "Team Bahay"
    • Max Collins, gaganap bilang island girl sa "The Master Cutter"; Jo Berry, mixed emotions sa pagbabalik-primetime

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 20 min
  • 24 Oras Podcast: Pres. Marcos to DFA - Discuss Strait of Hormuz with Iran, ICI concludes operations, Russian and Filipina behind bogus recru
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, March 31, 2026.
    • Mga pasaherong piniling magcommute kesa magdala ng sariling sasakyan ngayong Semana Santa, dagsa sa mga bus terminal
    • 1.3M pasahero ang inaasahan sa NAIA; ilang airline, inilipat ng mga terminal
    • Hanggang 30% na pagtaas ng pasahe at singil sa mga barko, aprubado ng MARINA
    • Pagmahal ng ilang pangunahing bilihin, hindi mapipigilan pagsapit ng April 16
    • City Hall: Dating ng mga turista ngayong Semana Santa, nangalahati
    • Utos ni PBBM sa DFA: Makipag-dayalogo sa Iran na padaanin sa Hormuz ang oil vessels pa-Pilipinas
    • Driver na 'di nagbayad para sa full tank, sumuko; graduating umano ang anak kaya kailangan ng pera
    • Bahagi ng Central Luzon Link Expressway, binuksan kanina; libre ang pagdaan sa ngayon dahil wala pang toll
    • Halaga ng Piso kontra dolyar, bumagsak pa lalo sa P60.748
    • PBB Collab 2.0 Kapuso boys, featured sa lifestyle mag
    • Online system (ORAS) para sa ticket reservation, 'di ok sa ilang senior, 'di techie o walang internet
    • Discounted o libreng sakay, target ipatupad sa April 15
    • Ilang Kapuso at Sparkle stars, nag-flex ng 'summer' beach body
    • P38.7M halaga ng ilegal na droga, nabisto sa mga abandonadong parcel galing abroad
    • DOE: Posibleng April 12 o 13 iutos ng pangulo ang pagsuspinde o pagtapyas sa oil excise tax
    • Half-day WFH, ipatutupad sa mga empleyado ng gobyerno bukas, April 1
    • Truck, sumalpok sa poste
    • Ruso at kinakasamang Pinay na nasa likod ng bogus umanong recruitment agency, arestado
    • David Licauco, 9th placer sa isang 10 km run at 1st sa kanyang age group; Barbie Forteza, proud 10km finisher sa isang women's month event run
    • P20/kg taas-presyo sa LPG, ipatutupad ng Petron simula April 1
    • 4 na menor de edad na ibinubugaw umano ng kani-kanilang ina, sinagip
    • ICI, tinapos na ang operasyon matapos ang anim na buwang imbestigasyon sa flood control scandal
    • Paalala sa mga may lakad ngayong Semana Santa: Unti-unti nang tumitindi ang init at alinsangan
    • Shuvee Etrata, masaya nang matupad ang dream collab with photographer BJ Pascual
    • Paghihigpit imbes na total ban sa Roblox, isinusulong ng ilang grupo
    • Lalaking nagmamay-ari ng 'di lisensyadong baril, huli
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 10 min
  • 24 Oras Podcast: Peso to Dollar all-time low, NAIA passenger bookings rise to 1.3M, China website claims oil exploration
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, March 30, 2026.
    • 8 bus company na nagtaas-pamasahe kahit 'di awtorisado, pinagpapaliwanag
    • Isang online system (ORAS) para sa available na biyahe sa Batangas at Lucena ports, inilunsad
    • LPGMA: Posibleng P110 ang taas-presyo sa 11kg na LPG tank sa April 1
    • Kita ng convenience store, nilimas;customer, kinaladkad
    • DSWD: Ilang transport network company, 'di isinumite ang kumpletong listahan ng mga tsuper dahil mabubukong sobra-sobra sa pinapayagan
    • Bagong CAVITEX-C5 link na binuksan ngayong araw, libre ang toll sa buong Abril
    • Halaga ng Piso kontra-Dolyar, bumulusok sa panibagong all-time low na P60.69
    • Allen Ansay, EA Guzman, at Shaira Diaz, nakisaya sa 25th Kisi Kisi Festival
    • Lalaking nagbebenta umano ng tinging gasolina kahit walang permit, huli
    • Ex-Usec. Adrian Bersamin at Ex-Usec. Trygve Olaivar, sinampahan ng reklamong graft atbp sa Ombudsman
    • Matagal na paghihintay ng masasakyang jeepney sa City of Pines, lumala pa
    • Libreng website para makahanap ng makakasabay sa carpool, inilunsad sa gitna ng mega OPH
    • Pasahero sa NAIA, dumami ngayong 2026;1.3m ang confirmed holy week bookings
    • Proceedings para sa mga reklamo, tuloy hanggang walang SC TRO
    • PAGASA: Walang bagyo o sama ng panahon na nagbabadya ngayong Semana Santa
    • Operator ng sasakyang 'di nagbayad para sa full tank na langis, natunton na; nangakong ihaharap ang driver
    • Carpio: Oil na makukuha, itinuturing ng China na kanila ayon sa kanilang website
    • Panibagong big-time oil price hike, ipatutupad bukas
    • Pamunuan ng gaming platform na Roblox, iginiit na may mga proteksyon sila para mapangalagaan ang mga naglalaro nito
    • Fit body ni Bianca Umali, kapansin-pansin sa kanyang balisong technique performance
    • Basketball player na si Mark Cardona, inaresto dahil sa pambabastos at pananakit sa isang bar
    • Suspek sa kasong murder, arestado
    • Kompanyang "Indrive," nilinaw na isinumite nila ang buong listahan ng kanilang partner drivers alinsunod sa panuntunan ng LTFRB at ibang may kaugnayang ahensya
    • Ligtas at 'walkable' na Metro Manila, kampanya ng grupong 'Chinito Walkers'
    • Kapuso Big Winner Caprice Cayetano, na-surpresa sa handog ng fans
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 13 min
  • 24 Oras Podcast: State of national energy emergency "largely performative" — IBON Foundation, No price increase up to April says DTI, Earth
    Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, March 29, 2026:
    • 5 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur
    • No price increase up to Apr. 16—DTI Sec. Roque
    • Lider umano ng grupong pumasok at nanakit sa isang bahay sa Pasig, arestado
    • Ilang Pinoy, tuloy ang pamamasyal sa Baguio kahit mahal ang petrolyo
    • Mga Katoliko, hinikayat na isuko sa Diyos ang pinagdaraanan
    • Nakainom na rider na bumangga sa nakatigil na truck, nagwala nang i-rescue
    • 2 nangongolekta ng investment money kahit 'di rehistrado sa SEC, arestado
    • Mga pasahero, dumagsa sa NAIA bago tumaas ang fuel surcharge sa April 1
    • Pamasahe sa barko, nagtaas dahil sa oil price hike
    • Beach at nature tripping, plano ng ilang Kapuso celebrities this Holy Week
    • Farm machine sa Marinduque, tila sumasayaw habang umaandar
    • Ruru Madrid at Bianca Umali, kinilalang Filipino Martial Arts ambassadors
    • Ilang pasaherong maaga namang nag-book, idinaing ang mataas na pamasahe sa PITX
    • Pilipinas at iba pang lugar sa mundo, nakiisa sa Earth Hour 2026
    • “Community paw-ntry,” binuo ng PAWS para sa mga alagang hayop ng mga tsuper
    • State of national energy emergency, walang ngipin—IBON Foundation

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    40 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: FPRRD’s 81st birthday, Fully booked trips at PITX, Tiger Woods arrested on DUI charge
    Narito ang mga balitang tinutukan sa 24 Oras Weekend ngayong Sabado, March 28, 2026:
    • Babae, patay sa pananaksak ng live-in partner dahil umano sa selos
    • Ilegal na pagawaan ng dugyot na sabon, sinalakay
    • Posibleng 3% lang ang madagdag sa mga daraan sa NLEX sa Semana Santa—NLEX Corp.
    • 2 magkapatid na menor de edad, patay nang ma-trap sa nasunog na bahay sa Negros Oriental
    • Mga rider, madaling araw pa pumila para sa ayuda sa Maynila; may ilang 'di nakatanggap
    • 81st birthday ni FPRRD at Araw ng Dabaw, ipinagdiwang sa Davao City
    • 2 photojournalist, nasawi nang tangayin ng ilog ang sinakyang SUV
    • Mga biyahe sa PITX fully booked; mga bus nabawasan dahil mahal ang petrolyo
    • Ilang tsuper at rider 'di pa rin nabibigyan ng ayuda; masterlist outdated umano
    • Paaralang tapunan daw ng mga kick-out o drop-out, hinahangaan ngayon sa sports
    • Tiger Woods, inaresto dahil sa driving under the influence
    • Mga taga-Pag-Asa Island, nagpasalamat sa itatayo roong Catholic church
    • Libreng serbisyo medikal, handog sa ilang taga-QC ng mga volunteer health worker
    • Unang delivery ng diesel na binili ng Pilipinas, nasa Luzon na ayon kay Sec. Garin
    • Sasakyang tumakas matapos magpa-gas, tinutunton pa
    • Dame Sarah Mullally, naluklok bilang first woman Archbishop of Canterbury
    • Easterlies, umiiral ngayon sa bansa
    • JenDen, naghanda ng fun activity para sa mga kabataang nasa autism spectrum
    • Grade 2 pupil, naka-33 medals sa kanilang recognition day
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    39 min
  • 24 Oras Podcast: Possible oil price rollback, Peso sinks further to new all-time low, Artists speak out against AI use in music
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, March 27, 2026.
    • Driver, tinakasan ang gasolinahan matapos magpa-full tank ng mahigit P5,000
    • Driver ng sasakyang hindi nagbayad ng kanyang pina-gas, tinutugis
    • Presyo ng gasolina, posibleng may hanggang P2/l na rollback ayon sa source; pero may nagsasabi ring posible ang taas presyo ng hanggang P3/L
    • Suplay ng langis ng PH, tatagal na hanggang June 30 ayon sa pangulo
    • Ebidensya vs nagre-repack ng pekeng bakuna kontra rabies, kinalap para maaresto sila
    • Maynilad, may balik-bayad sa ilang customer na naapektuhan ng water interruption noong Pebrero
    • P60.55=$1 na palitan ngayong March 27, 2026, bagong all-time low
    • 2 arestado dahil sa pananakit umano at sobra-sobrang interes sa pautang
    • PITX — mga bus operator, nagbawas ng mga bibiyaheng unit dahil sa mahal ng gasolina
    • NAIA1 at Manila North Port, maluwag maghapon
    • Mga mahilig sa social media, makaka-relate sa horror twist ng "Huwag Kang Titingin"
    • Mga abandonadong kable sa poste ng kuryente, pinagtatanggal ng Meralco
    • Ramon Ang, muling inilutang ang alok na ibenta sa gobyerno ang Petron Philippines, ang kaisa-isang oil refiner ng bansa
    • Camago-3, makatutulong sa suplay ng kuryente sa humigit-kumulang 1 milyong bahay — PCO
    • PISTON, hihilinging ibalik ang naudlot na dagdag-pasahe
    • Regalo ng Iran sa Amerika ang pagpapadaan nito sa 10 oil tanker sa Strait of Hormuz — US Pres. Trump
    • Mainit pero mayroon pa ring tsansa ng ulan ngayong weekend — PAGASA
    • Anton Vinzon, emosyonal sa first lead series niyang "Kamao;" pagsali ng amang si Roi Vinzon sa cast, dagdag-inspirasyon para sa kanya
    • BRP Benguet ng PHL Navy, nilapitan at ginitgit ng barko ng China
    • Pag-aaralan pa ang price freeze para may balanse sa lahat ng sektor — Palasyo
    • Number coding, suspendido mula April 1 (12 noon) hanggang April 3
    • Pinaikling mall hours, ipapatupad simula March 30
    • Mga abugadong kaalyado ni VP Duterte, hiniling sa SC na pigilin ang pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment ng bise
    • Ilang 'di nabigyan kahapon, naabutan na sa Day 2 ng payout pero may wala pa ring nakuha
    • Tugon sa oil crisis, inaasahang matalakay ng PH at China sa Bilateral Consultation Mechanism
    • Mga tawag na gumagamit ng AI, posibleng kumuha ng impormasyon para maloko kayo o mag-record ng boses para manloko ng iba
    • Kita ng mga jeepney driver sa Maynila, sasagutin ng LGU para magbigay ng libreng sakay
    • FILSCAP at ilang music artist, nanawagan sa tamang paggamit ng AI

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 7 min
  • 24 Oras Podcast: Dept. of Energy eyes oil rationing, Philippines and China oil exploration, Iran sets 5 conditions to end war
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, March 26, 2026.
    • Maraming commuter, stranded o naglakad dahil walang pampublikong sasakyan
    • Pagrasyon ng petrolyo, puwedeng gawin ng DOE 'pag naging kritikal ang supply ng langis
    • April 12 o 13 pa ang pinakamaagang maaaring suspindihin o bawasan ng pangulo ang excise tax sa langis pagkatapos ng 15-day publication rule
    • Rep. Zamora: Dahil sa hiling ng VP sa SC na mabigyan ng due process kaya siya pinapadalo
    • 7 bahay na umano'y drug den, sinalakay; 66-anyos na lola at 30 iba pa, huli
    • China Embassy: May malalim nang pag-uusap ang PH at China para sa joint oil development
    • Suspek sa kasong carnapping, arestado habang pauwi ng probinsya
    • Josh Ford at Kira Balinger, excited sa screening ng pelikula nilang 'Huwag Kang Titingin'
    • 2 klase ng service contracting o pag-arkila sa public transpo drivers, pinag-aaralan ng LTFRB
    • Batas na nagre-reset sa BARMM Elections sa Sept. 14, pirmado na ng pangulo
    • Presyo ng karneng baboy, pinangangambahang lumagpas sa P500/KG
    • Maraming lugar sa bansa, makakaranas ng mainit na panahon pero may tsansa pa rin ng ulan
    • Iran, naglatag ng 5 kondisyon kabilang danyos at pagtiyak na 'di mauulit ang giyera
    • PPA: Posibleng mas marami pa ring pasahero sa mga pantalan vs. 2025 kahit mas mahal ang pamasahe
    • Lolo tsuper na 'di nakuha ang ayuda: naiyak habang humihingi ng solusyon
    • Lalaking nagbebenta ng maseselang video ng anak, arestado
    • Ombudsman sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng flood control scandal: "Ngayong tag-init, iinit"
    • Bagong cold storage facility para sa sibuyas, pinasinayaan sa Isabela
    • Imbentaryo ng langis ng ilang kumpanya, sapat hanggang Abril at Mayo
    • LPGMA: Presyo ng LPG tank, posibleng umabot sa hanggang P1500 sa Abril
    • Liza Soberano at H.E.R., nagbigay-boses sa characters ng isang hollywood animated film tungkol sa Filipino folklore
    • Ilang community pantry, nagbukas para sa mga driver at rider na apektado ng OPH

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 3 min
  • 24 Oras Podcast: Pres. Marcos' emergency powers over oil excise tax, VP Sara Duterte skips impeachment hearing, Pres. Marcos open to "reset"
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, March 25, 2026.
    • VP Duterte at mga abogado niya, wala sa House Justice Committee hearing
    • DA: Posibleng lumampas ng P300/kg ang manok kung magpatuloy ang oil price hike; possible ang 49% increase sa bigas
    • Pagbuo ng pangulo ng crisis committee para sa state of national energy emergency, huli na ayon sa ilang senador
    • Maraming commuter, stranded dahil kaunti ang pumasadang jeep; DOTr: Nataon lang dahil sa pamimigay ng ayuda
    • Ilang may sasakyan, nagko-commute na; MMDA: Kumonti ang sasakyan sa EDSA
    • 2 sangkot umano sa panloloob sa bahay ng mga online seller at pagnanakaw ng alahas, huli
    • Tambalang RaStro o Rhian Ramos at Glaiza de Castro, magbabalik sa big screen
    • CICC, nagbabala vs murang room rate online na scam pala
    • Hurisdiksyon ng komite na talakayin ang mga reklamo, kinuwestyon ng defense team
    • Pagsigurong sapat ang suplay ng enerhiya, mabawasan ang epekto ng gulo sa Middle East atbp, layunin ng binuong UPLIFT Committee na pangungunahan ni PBBM
    • 44°C heat index, naitala sa Iloilo; mainit na panahon asahan pa rin bukas
    • Paolo Contis at Polo Ravales, excited nang mapasabak sa "The Master Cutter" na reunion project nila kasama si Dingdong Dantes
    • Batas para sa emergency powers na tapyasan ang oil excise tax, nilagdaan na ni PBBM
    • Petisyon para ipadiskuwalipika si Sen. Erwin Tulfo dahil sa kanyang citizenship, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal
    • Pres. Marcos, bukas na 'i-reset' ang relasyon ng Pilipinas sa China
    • Ice cream na lasang suman, kakanin o may sili, ilan sa mga patok na pampalamig
    • Acting HPG director na nanghipo umano at nagbanta sa babaeng pulis, inireklamo
    • 2 Nagbebenta ng nakaw umanong kalapating pangkarera, arestado
    • Journalist-host Kara David, kabilang sa 9 na babaeng kinilala ng isang magazine
    • Jeepney driver, nangisay sa pila sa ayuda
    • PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big 4, abala sa iba't ibang projects matapos ang kanilang PBB journey; magkakaroon din ng fan meet ang ilan

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 2 min
  • 24 Oras Podcast: Pres. Marcos declares state of national emergency, VP Duterte’s appearance in impeachment proceeding unsure, Respiratory tu
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, March 24, 2026.
    • Nangutang na pabalang umanong sumagot, pinatay ng naniningil
    • TNVS drivers, sinimulan nang bigyan ng P5K na ayuda pero may mga hindi nakatanggap dahil sa listahan
    • DOE: 1M litro ng langis, parating ngayong linggo; pandadag sa kasalukuyang 45-day supply ng bansa
    •  1 patay, 1 kritikal sa saksak nang umawat sila sa rambol
    • VP Duterte, 'di tiyak kung dadalo bukas; maaring dumalo hanggang 'di ito tapos
    • Panukalang magbibigay ng emergency powers sa pangulo kaugnay sa excise tax, nai-transmit na sa Office of the President
    • Reklamo, inihain ni Trillanes sa DOJ vs. 'ex-marines' at media hosts
    • P4.56B halaga ng ilegal na droga, sinira
    • Cast ng ‘Huwag Kang Titingin’, nagpasaya sa 89th 'Araw ng Dabaw'
    • Ilang dayuhang nagsasagawa ng hair transplant, inaresto dahil hindi lisensyado at walang permit
    • Mga oil tanker at truck na may kargang basic commodities, exempted sa coding at truck ban
    • Roro terminal fee, discounted simula April 15; airport terminal fee, discounted simula April 1
    • Ex-DPWH Engr. Alcantara, tumestigo sa kasong malversation vs. Zaldy Co atbp. kaugnay ng maanomalyang proyekto sa Oriental Mindoro
    • Pagiging fit, pinaghahandaan ni Dingdong Dantes para sa upcoming series na 'The Master Cutter'
    • Babaeng nagbugaw ng stepson at pamangkin online, arestado
    • Tag-init, sasamantalahin ng DPWH para paghandaan ang mga pagbaha pagdating ng tag-ulan
    • Maalinsangang panahon, magpapatuloy sa malaking bahagi ng bansa bukas
    • Mga senador, iginiit na krisis na ang epekto sa Pilipinas ng giyera sa Middle East
    • Estudyante, sugatan sa bundol ng motorsiklo
    • World oil prices, saglit bumaba nang sabihin ni Trump na nag-uusap na sila ng Iran pero tumaas ulit nang itanggi ito ng Iran
    • 'Roblox' officials, makikipagpulong sa DICT kaugnay ng planong ibawal ang laro
    • Aso, nabundol ng motorsiklo; asst. vet sa isang animal hospital na naroon, agad na tumulong
    • Gunman na pumatay sa dating close-in security ni Mayor Isko Moreno, arestado sa Laguna
    • Rider na bumangga sa siklista, sumuko at nakipag-areglo
    • Apat na klasipikasyon ng klima sa bansa, makatutulong sa pagpaplano ng pupuntahan
    • Japan, sasali sa Balikatan Exercises sa kauna-unahang pagkakataon
    • Paalala ng mga doktor para iwas-heatstroke at ibang karamdaman ngayong tag-init
    • Respiratory tuberculosis, pang-walong pinaka-nakamamatay na sakit sa mga Pilipino
    • Sanya Lopez, nag-aral mag-nihongo para sa pelikulang 'Midnight Girls'
    • Isang taong national energy emergency, idineklara ni PBBM
    • 77-anyos na lolo, proud na ga-graduate ng senior high school
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 2 min

About Tommaso Espressini Machiatini

From the publisher's feed

Meme