Tommaso Espressini Machiatini

Tommaso Espressini Machiatini

By Sarahmenrickdylan MenNews
Download on the App Store

Tommaso Espressini Machiatini episodes

  • 24 Oras Weekend Podcast: Taal eruption, DepEd wellness break, PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 housemates
    Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Oct. 26, 2025:
    • Taal ilang beses sumabog ngayong weekend; ilang bayan, apektado ng abo at amoy-asupre
    • Wellness break na inanunsyo ng DepEd, malaking tulong para 'di magsabay-sabay ang pag-uwi ng mga pasahero sa Undas
    • Ilang pasahero, maagang bumiyahe para makaiwas sa siksikan at makamura sa pamasahe
    • SALN ng Cabinet members, “available upon request”—Exec. Sec. Bersamin
    • Mga buto mula sa mga napinsalang bone chamber sa sementeryo sa Bogo, inilagak sa makeshift na puntod
    • Rice retailers, umaaray sa taas-presyo ng bigas mula sa suppliers; PBBM, pinatitiyak na mura ang mga pagkain
    • Ella Arcangel sa komiks, isasapelikula sa pangunguna ng GMA Pictures
    • Siklistang senior citizen, sugatan nang sumalpok sa kotse sa Rizal
    • Manila North at South Cemeteries, maagang dinagsa; paglilinis ng mga puntod, last-minute na
    • 20 housemates, ipinakilala na sa pasabog na PBB Celebrity Collab Edition 2.0
    • Timor-Leste, opisyal nang ASEAN member; PBBM nakipagpulong sa ilang lider at binigyang-diin ang ASEAN “centrality”

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    33 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Mt. Kanlaon emits ash, Halloween-themed rally, PBB Celebrity Collab Edition 2.0
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Weekend ngayong Sabado, October 25, 2025.
    • Bangkay ng nakagapos na babae, nakita sa hotel room | Kasama niyang nag-check in, hulicam na tumakas
    • Lalaking nagligtas ng sanggol, nasawi sa sunog sa Marikina
    • DPWH, inatasan ni PBBM na pababain ang presyo ng overpriced construction materials
    • 15 barangay sa Negros Occidental, nabalot ng abo ng Kanlaon | Alert level 3, binabantayan
    • PBBM, nasa Malaysia para sa ASEAN Summit; isusulong ang ekonomiya, seguridad, at soberanya ng Pilipinas
    • Mga pamilya ng yumao, dumalaw na Manila North Cemetery | Nasa 2M bisita sa Undas, inaasahan
    • Taas-presyo sa petrolyo, nakaamba sa Martes
    • Babaeng nagpapanggap na abogado at nakatangay ng P5M sa kliyente, arestado
    • Matataas na baha, naranasan sa iba't ibang probinsiya
    • Shuvee Etrata at Dustin Yu, excited na para sa Gen Z housemates sa Bahay ni Kuya
    • Dagdag-singil sa CAVITEX, epekibo sa Oct. 28
    • Negosyante, arestado dahil sa pagbebenta umano ng mga bateryang nakaw sa cell towers
    • Grupo ng kabataan, idinaan sa mga nakakatakot na Halloween costume ang kilos-protesta 
    • Cursed dolls at iba pang nakakakilabot na gamit, tampok sa isang exhibit
    • Carlos Yulo, nakaginto sa Men's Vault Final sa 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships
    • ITCZ, shearline, at easterlies, nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa
    • Pinoy Big Brother House, magbubukas muli ngayong gabi para sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    37 min
  • 24 Oras Podcast: Carlos Yulo won bronze medal, Enrile and Napoles acquitted, Passing of Emman Atienza
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, October 24, 2025.
    • Driver ng SUV na walang plaka at gumamit ng blinker, sinita ng LTO chief; napag-alamang may warrant of arrest pala
    • Driver ng kotse, patay nang salpukin ng truck; anak na sanggol ng driver, kritikal
    • 30 Pinoy at 9 na dayuhan, arestado sa nabistong online scam hub
    • Pondo sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga silid-aralan, idideretso na sa mga LGU na may kapasidad imbes na i-budget sa DepEd
    • Presyo ng rosas, bahagyang tumaas sa papalapit na Undas
    • Olympic Gold Medalist Carlos Yulo, wagi ng bronze sa Men’s Floor Exercise Final
    • “The Veiled Musician Philippines,” mapapanood sa "All Out Sundays" soon
    • Enrile, ex-chief of staff niya, at Napoles, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa graft
    • Pangangalampag at mga kilos-protesta kontra katiwalian, nagpapatuloy
    • ICC, ibinasura ang pagkuwestiyon ng kampo ni ex-Pres. Duterte sa hurisdiksyon ng korte
    • Archie Alemania, hinatulang guilty sa kasong acts of lasciviousness
    • Ilang grupo, sumugod sa tanggapan ng ICI, iginiit na gawing mas bukas ang mga pagdinig
    • Complete ban sa online gambling, suportado ng DEPDev
    • Tsinong nagbebenta umano ng mga pekeng pera, arestado
    • "Parking fee," isa sa mga iimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng 'di umuusad na reklamo
    • Kasunduan para palakasin ang kakayahan ng mga mamamayang magsumbong, nilagdaan
    • Sen. Gatchalian, Sen. Pangilinan, at Rep. De Lima, dumagdag sa mga opisyal na naglabas ng SALN
    • Dasal, pangunahing stress reliever ng mga Pilipino batay sa SWS Survey
    • Social media personality Emman Atienza, pumanaw sa edad na 19
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    56 min
  • 24 Oras Podcast: PH nuclear power plant development, Remulla revives dismissal case vs Villanueva, PBB Celebrity Collab Edition 2.0
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 23, 2025.
    • Nasa 1,000 pamilya, nawalan ng tirahan sa pitong oras na sunog sa Brgy. Catmon
    • Sen. Villanueva: Harassment ang plano sana ng Ombudsman na ipa-dismiss siya sa serbisyo
    • Electrical failure, mitsa ng sunog sa 3rd floor ng Bureau of Research and Standards
    • Suspek sa pananambang sa presidente ng ABC ng Bulacan at kanyang driver, naaresto na
    • Umano'y gumagawa ng sumpak at ilegal na nagre-repair ng baril, arestado
    • Kahandaan ng NAIA para sa 1.35M na pasahero sa Undas, inalam ng DOTR sa inspeksyon
    • Gabbi Garcia, excited nang makasama ang iba pang host ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0; Mavy Legaspi, nag-hosting workshop pa
    • Labi ng mag-asawang senior na natabunan ng gumuhong Davao-Bukidnon Road, narekober
    • DOE: Kalat-kalat ang power plant kaya kinukulang minsan ng kuryente ang ilang lugar
    • Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera, itinanggi na sangkot siya sa anumang uri ng korupsyon
    • Ilang bahagi ng Mindanao, inulan at binaha dahil sa ITCZ
    • PAGASA: Hindi na nakikitang lalakas pa ulit ang LPA na dating Bagyong Salome
    • Ilang personalidad at kapuso celebrities, rumampa sa isang fashion show
    • Cellphone ng pasahero ng LRT1, umusok; LRMC: Walang aberya sa operasyon ng train line
    • Pres. Marcos, kumpiyansang maibabalik ang nawalang tiwala ng marami sa gobyerno
    • Ex-Ombudsman Gutierrez, itinalagang chairperson ng National Commission of Senior Citizens
    • Kampo ni dating Bamban Mayor Alice Guo, hiniling na payagan siyang umalis ng Pasig City Jail para personal na maghain ng reklamo sa Tarlac Prosecutor's Office laban sa BAOFU Land Development
    • Pag-uupload online ng SALN ng mga mambabatas, iminumungkahi para madaling ma-access ng publiko
    • 10 bahay sa Brgy. Pulang Lupa 1, natupok; 33 pamilya, tumutuloy muna sa covered court
    • 3 kongresista, tinukoy na 'persons of interest' sa pagkakaroon ng conflict of interest
    • Kulang na silid-aralan sa bansa, posibleng umabot sa 200K sa 2028 ayon kay Sen. Aquino
    • Senador Raffy Tulfo, ibinigay sa GMA Integrated News ng kopya ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN
    • Guro sa Camarines Norte, umapela matapos umanong gawing co-maker ng 'di niya kilalang guro sa utang nitong higit P300,000
    • Heath Jornales at Krystal Mejes, kani-kaniyang paghahanda bago pumasok sa Bahay ni Kuya
    • Marigold farm, dinarayo
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 7 min
  • 24 Oras Podcast: Smuggled carrots from China, PBBM deepfake used in investment scam, Pirena’s death in Sangg’re
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, October 22, 2025.
    • Gusali ng Bureau of Research Standards sa DPWH compound sa Quezon City, nasunog
    • DTI Sec. Roque: Marami pang contractors ang nanganganib matanggalan ng lisensya
    • Kongresistang presidente rin ng kumpanyang may mga infra project, misis niyang vice mayor at DPWH engineer, inireklamo sa Ombudsman
    • 2 patay, 5 sugatan sa pagsabog ng isang pagawaan ng paputok
    • Halos P5M halaga ng substandard na inidoro, bakal, atbp., sinira ng DTI
    • Palasyo: Walang ebidensyang nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa flood control projects
    • Mahigit P13M halaga ng carrots na ipinuslit mula China, naharang; nangangamoy at inaamag na
    • 8 taong gulang na babae, iniuntog sa pader at hinihinalang ginahasa; suspek, arestado
    • Nasa 1M benepisyaryo ng Tupad Program, apektado ng P6B tapyas sa pondo sa 2026
    • Bagyong Salome, pababa ang pagkilos ng dahil sa High Pressure Area na nasa Mainland China
    • Vice Ganda at Esnyr, mapapanood sa part 2 ng anniversary special ng 'Bubble Gang' this weekend; Emil Sumangil, may special appearance rin
    • Cargo truck na nawalan umano ng preno, nang-araro ng 9 sasakyan; 3 sugatan
    • 1 patay, 4 sugatan sa panghahampas ng pasyente ng sabitan ng swero o I.V. stand
    • Sunog sa residential area sa Malabon, itinaas na sa task force alpha
    • Doktor, natangayan ng P93M matapos umanong mapaniwala sa video na pinagmukhang si Pres. Marcos pero hindi
    • Mga mungkahing paraan ng Sandiganbayan para mapabilis ang paglilitis, pag-aaralan ng Supreme Court
    • Speaker Dy, nagdeklara ng net worth na P74M
    • Mga pagdinig ng ICI, ila-livestream simula sa susunod na linggo
    • Senado, payag na i-livestream ang BiCam conference at buksan sa mga interesado
    • Sakripisyo ni Pirena para iligtas si Terra, dumurog sa puso ng Encantadiks
    • October 27-30, idineklarang mid-school year wellness break
    • Ombudsman: Ex-Q.C. Representative, handang isiwalat ang mga kalakaran sa mga proyekto
    • 2 pang new housemate na papasok sa Bahay ni Kuya this Oct 25, ipapakilala na
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 7 min
  • 24 Oras Podcast: Chinese rocket debris found in Palawan, Trillanes sues ex-Pres Duterte and Bong Go, PBB Celebrity Collab Edition 2.0 new ho
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, October 21, 2025.
    • Mag-asawa at kanilang anak, patay nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay
    • 6 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan; 2 motorsiklo, nadamay
    • May-ari ng tindahang nagbebenta ng expired na food products, arestado; nasa P3M halaga ang nakumpiska sa warehouse
    • Ex-Pres. Duterte, Sen. Go at 2 niyang kaanak, inireklamo ng plunder sa Ombudsman
    • Mabagal umanong aksyon vs. katiwalian, pinuna ng mga magsasaka, health workers, atbp.
    • DOJ, may 60 araw para desisyunan ang mga ebidensyang isinumite sa kanila kasunod ng preliminary investigation
    • Pwedeng isang RFID account na lang ang gamitin sa lahat ng expressway sa Luzon
    • Target ng Sandiganbayan: 6-8 buwang paglilitis; pagpapanagot kailangang may due process
    • Rocco Nacino at Melissa Gohing, may pa-gender reveal para sa 2nd baby
    • 3 suspek sa iligal na bentahan ng produktong petrolyo, arestado
    • SP Sotto: 100% ang tsansang magbalik bilang Blue Ribbon Comm Chairperson si Sen. Lacson
    • Mga ilegal na nakaparada at sagabal malapit sa mga istasyon ng bus, pinagtatanggal ng MMDA
    • Easterlies, nagpaulan sa Batanes; flashflood, naminsala sa Basco
    • Low Pressure Area, binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility
    • 2 menor de edad na inilalako umano online ang mga sarili, sinagip
    • DPWH sa mga nababagalan sa mga hakbang ng ICI: May kongkretong aksyon na sa susunod na linggo
    • PBBM, batid na tanong ng marami kung mapagkakatiwalaan ba ang pamahalaan
    • Hinihinalang debris mula sa Chinese rocket, nakuha sa dagat sa bahagi ng Bataraza, Palawan
    • Ilang mambabatas, isinapubliko ang kani-kanilang SALN
    • Koneksyon ni First Lady Araneta-Marcos sa isa sa mga sangkot, hiniling na imbestigahan din ng ICI
    • Korapsyon, pasok na sa top five national concerns ng mga Pilipino ang batay sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey
    • Jillian Ward, itinangging merong benefactor; iginiit na pinaghirapan niya ang meron siya
    • Mga estudyanteng, nahilo at nahimatay dahil umano sa colored smoke sa pagtatanghal
    • 2 lalaki, arestado matapos manloob sa isang bahay; mga bag at laptop, natangay
    • Kumpanyang iniuugnay kay Zaldy Co, nakakubra ng halos P2B kontrata sa LTO
    • Sofia Pablo at Joaquin Arce, kabilang sa bagong housemates ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0
    • GMA programs at personalities, pinarangalan
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 13 min
  • 24 Oras Podcast: US Embassy visits ICI, Louvre Museum roberry, Emma Tiglao wins Miss Grand International
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, October 20, 2025.
    • Tanker truck, bumangga sa 3 ibang sasakyan bago nagliyab; driver, patay; 5 ang sugatan
    • Sakay ng pick-up truck, sinaktan ang driver ng nabangga nitong bus
    • Construction worker na nakipagtalo nang sitahin ang pagvi-videoke, binaril ng brgy capt
    • Pagbisita ng U.S Embassy sa ICI, kinuwestiyon ng ilang grupo at personalidad
    • Kawalan umano ng pangil ng ICI, pinuna ng PCCI; panawagan ng 34 business groups: Agad na tugon
    • Matinding baha at pagguho ng lupa, naranasan sa ilang bahagi ng bansa
    • Reklamo ni Atong Ang vs. Patidongan at Bantiles, ibinasura
    • Marian, personal na inabot ang kanyang P500,000 donation sa Smile Train PH
    • 2 kabilang ang 4 na taong gulang na bata, patay nang madamay sa palitan ng putok ng pulis at kanilang target sa Laguna
    • Pag-imbestiga sa confi funds ni VP Duterte, hiling ng ilang grupo sa Ombudsman
    • Wala nang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility; Dating Bagyong Ramil, patuloy na rin ang paglayo sa bansa
    • Bus terminals sa Pasay at Parañaque, ininspeksyon ng DOTr
    • 2 patay nang sumadsad at dumiretso sa dagat ang isang cargo plane
    • DPWH budget na tinapyasan ng Kamara, maaari pang mangalahati ayon sa Senado
    • Sandiganbayan, bumubuo ng mga alintuntunin para mapabilis ang pagtanggap nila ng kaso
    • Bureau of Design Dir. Lara Esquibil, itinalagang kapalit ng nagbitiw na si Usec. Arrey Perez
    • DOH: Mga sanggol at matatanda, dapat magingat ngayong uso ang sakit
    • Nasa 6 na proyekto kabilang ang sa Or. Mindoro at Bulacan, iimbestigahan ng Ombudsman ngayong linggo
    • Bagong Quezon City Jail, posibleng kulungan ng mga masasakdal dahil sa flood control projects
    • Pambato ng Pilipinas na si Emma Mary Tiglao, itinanghal na Miss Grand International 2025
    • 1 patay, sa pagguho; 3 sugatan, inoobserbahan
    • Barbie Forteza, rest mode muna kasama ang pamilya at mga kaibigan bago bumalik sa trabaho
    • Ilang makasaysayang alahas, ninakaw sa Louvre Musuem
    • Role ni Rhian Ramos bilang Samina, a breath of fresh air para sa aktres
    • Dating Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, sinamphan ng reklamong plunder at graft
    • Mga basura at water hyacinth sa Ilugin Creek, nilinis ng MMDA at Pasig LGU
    • Jeepney, tampok sa book fair sa Frankfurt, Germany
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 3 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Ramil in West Philippine Sea, Dizon vows DPWH reform, Will Ashley celebrates solo concert success
    Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Oct. 19, 2025:
    • Mahigit 1,000 pamilya sa Aurora, inilikas; flashflood, nanalasa sa isang barangay
    • Baha at pagguho, naitala sa ilang bahagi ng Bicol
    • Ilang classroom sa Siargao, 'di magagamit dahil sa bitak na dulot ng 6.0 Mw na lindol
    • Maraming mawawala from top to bottom—Sec. Dizon sa reporma sa DPWH
    • 5 magkakaanak kabilang ang 2 bata, patay matapos mabagsakan ng puno ang bahay sa Quezon
    • Mahigit 2,700 residente inilikas sa baha sa Roxas City; isa nalunod
    • Bagyong Ramil, nasa WPS na at unti-unti nang lalayo sa bansa
    • Lithium battery sa loob ng carry-on luggage, nagliyab sa flight sa China
    • Ilang pamilya ng mga yumao, maagang dumalaw sa mga sementeryo; ilang bus terminal ininspeksyon
    • Dagdag-kapangyarihan sa ICI, layon ng 2 panukala sa kongreso
    • Bahagi ng Davao-Bukidnon Bridge, gumuho; 2 sakay ng tricab na nahulog, hinahanap
    • Dating PCGG Chairman na si Justice Magdangal Elma, pumanaw
    • Will Ashley, masaya sa success ng kanyang 1st solo concert
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    32 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Ramil makes landfall, Commonwealth UV Express crash investigation, Marian Rivera viral in Vietnam
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Weekend ngayong Sabado, October 18, 2025.
    • Bagyong Ramil, nag-landfall na sa Gubat, Sorsogon
    • Mahigit 1,000 residente sa Catanduanes, inilikas bago ang inaasahang pag-landfall doon ng bagyo
    • Mga mangingisda at nakatira sa tabing-dagat, naghahanda sa Bagyong Ramil
    • Mataas na baha at malakas na ulan, naranasan sa iba't ibang probinsiya
    • UV Express driver na nang-araro sa Commonwealth, naka-droga batay sa imbestigasyon
    • 10-anyos na bata, nasawi matapos ma-trap sa sunog sa Pasay | Mahigit 70 na pamilya, apektado
    • 2 patay sa pagbagsak ng ultralight aircraft sa palayan
    • Ilang retiradong sundalo at heneral, nagpapakalat ng fake news—AFP
    • Dating DPWH Usec. Perez, sinabing nagbitiw dahil magagamit sa pamumulitika ang alegasyon sa kaniya
    • Street at arena dance competition sa Masskara Festival, humataw kahit umulan
    • Baha at landslide, naitala sa ilang bahagi ng Visayas
    • 26-anyos na miyembro umano ng kidnap-for-ransom group, huli
    • Kalusugan ni Ex-Pres. Duterte, pinasusuri ng ICC para matukoy kung kaya niyang humarap sa paglilitis
    • Bagyong Ramil, inaasahang muling tatama sa kalupaan sa mga susunod na oras
    • Pagtatanim at pag-aalaga ng mga kawayan, tampok sa 27th Bamboo Training and Seminar
    • Ginawa ang ICI para kontrolin ang naratibo sa isyu ng flood control projects—VP Duterte
    • Marian Rivera, kinikilig sa dami ng fans sa Vietnam
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    38 min
  • 24 Oras Podcast: Surigao del Norte and Ilocos Norte earthquakes, Atong Ang files counter-affidavit, Typhoon Ramil possible landfall
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, October 17, 2025.
    • 17 senior citizen, sinagip mula sa care facility na 'di rehistrado, marumi at walang social workers
    • Mag. 6 na lindol sa Surigao del Norte, naramdaman at naminsala pati sa ibang lugar
    • Mga bayan ng Burgos at Pagudpud sa Ilocos Norte, niyanig ng magkasunod na magnitude 5 na lindol
    • Motorsiklo, tinangay ng rumaragsang ilog; ilang lugar na inulan, nakaranas ng pagguho
    • Paglilikas, ikinakasa na lalo sa mga baybayin sa Aurora; bawal doong maglayag, mangisda at maglangoy
    • Atong Ang, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ; humiling na ibalik ang kaso sa CIDG
    • 11am-11pm mall hours sa Metro Manila, ipapatupad mula Nov. 17 hanggang Dec. 25
    • Rita Daniela, kunimpirmang exclusively dating sila ng basketball player na si Mclaude Guadaña
    • Eroplano ng PCG, binuntutan ng Chinese helicopter; tila naval exercise ng Chinese warships, namataan
    • Pangulong Bongbong Marcos, binisita ang mga biktima ng lindol sa San Remigio, Cebu
    • Bagyong Ramil, posibleng tumama at tumawid sa lupa ngayong weekend
    • 1 patay, 3 sugatan nang araruhin ng UV Express ang 12 motorsiklo at 2 kotse
    • PHIVOLCS: dati nang lumilindol sa PHL araw-araw; nagkataon lang na malalakas ang ilan nitong huli
    • Panawagan ng ilang grupo: pagpapanagot sa mga may sala at hindi imbestigasyon lang
    • Record ni DPWH Usec. Perez, kinuwestyon ni Rep. Leviste; Usec. Perez, nagbitiw para 'di raw makasagabal sa trabaho ng DPWH
    • Noel Bazaar sa Filinvest Tent Alabang, bukas hanggang Oct.19, Linggo
    • Manila Councilor Ryan Ponce, sinuspinde dahil sa reklamong pangha-harass sa kapwa-konsehal
    • 2 Chinese, huli sa akto na nagsasagawa ng medical procedure nang walang permit at lisensiya
    • Mga personalidad at palabas ng GMA Network, nagwagi sa 2nd Malabon Ahon Media Award
    • Bea Alonzo, nilinaw na 'di siya buntis at bad angle lamang ang kumakalat na photo
    • 2 fire volunteer, sugatan matapos kuyugin ng ilang nasunugan
    • 2 OFW na napaulat na nawala sa Hong Kong, nahanap na
    • Lalaking bugaw umano online, arestado; menor de edad na lalaking biktima, nasagip
    • Smartmatic, kinasuhan sa U.S. kaugnay ng umano'y panunuhol para makakuha ng negosyo sa Pilipinas
    • Karapatan ng publiko na makakuha ng impormasyon at records tulad ng SALN, sinuportahan ng Korte Suprema
    • Tamang paggamit ng A.I. at benepisyo nito, tinalakay sa Digicon 2025
    • American comedian Conan O' Brien, nasa Pilipinas; game na nagpa-picture sa ilang Pinoy fan
    • Cellphone ng grupong nagre-record ng sayaw, tinangay ng aso

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 7 min

About Tommaso Espressini Machiatini

From the publisher's feed

Meme